Hi, ako po ay isang bata. Kompleto ang pamilya, may mga magulang, maayos ang buhay pero kulang na kulang ako.Oo, kulang po ako kahit na nasa magandang bahay ako nakatira. Sa pinakamagandang school ako nag aaral. Marami akong laruan at kaibigan. Kulang ako sa pagmamahal ng magulang ko.
Lagi ko po nakikitang nag aaway ang mga magulang ko. Minsan lang umuwi ang daddy ko pero ang oras niya ay natuon naman at nabibigay niya para sa iba. Iba, ibang bata. Mommy ko naman busy din kakaalaga ng batang yun. Kahit na 8 years old lang ako natutunan ko ng maging independent. Kaya ko ng ang sarili ko. At ginagawa ko na lang po ang lahat para di magalit ang parents ko. Pero sa tingin ko di pa rin sapat yun. Di pa rin ako napupuri ng parents ko. Sa tingin niyo, ampon ba ako?? Ramdam ko talaga e.
