Paghiga sa kama ay doon na tuluyang bumuhos ang mga luhang kanina pa nagbabadya.

How can someone in the past still hurt you in the present?

Natawa ako sa sarili ko. I was being pathetic! Masyado akong madrama! Anong feeling ko? Teleserye ang buhay ko? Jusko, don't me.

Ngunit kahit ganoon ang iniisip ko upang pagaanin ang loob ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang kirot sa dibdib ko. Mainit pa rin ang mga mata ko dahil sa luha.

Siguro masaya na si Violet? Masaya na ito dahil nasa kanya na ulit si Luke.

Sana makuha ko na rin na maging masaya. Dahil pagod na pagod na akong maging malungkot.

*****

"Gusto mo ng coffee? Mukha kang stressed," alok ni Alona, kadepartment ko ito sa Finance din. Nasa katabi ko siyang cubicle at kukuha yata ng maiinom sa vendo.

Stressed nga ako nitong mga nakaraamg araw dahil sa nangyari. Dinagdagan pa ng mga financial reports na kailangan kong tapusin.

"Yes, cold coffee please. Salamat Alona," sagot ko at ngumiti sa kanya. Ngumiti ito pabalik at naglakad paalis.

Ilang sandali nang bumalik ito dala ang in can na kape. Nagpasalamat muli ako.

"Wag ka ngang mastress day! Ang ganda ganda mo tapos nasstress ka sa buhay mo," aniya at sumandal sa pintuan ng cubicle ko habang sumisimsim sa kanyang juice.

"Ang sakit sa ulo ng trabaho," sabi ko at uminom din sa kape. I felt relieved.

"Sus, trabaho ba talaga day? O ibang sakit sa ulo iyan?" Aniya at binigyan ako ng nagdududang tingin.

"Hindi no," labas sa ilong na sabi ko. Tumawa lang ito at bumalik na sa sariling cubicle.

Pag alis niya ay natulala ako saglit sa computer. Ang hirap magtrabaho kapang binabagabag ka. Napahilot na lamang ako ng noo.

Jusko, Empress! Focus! Focus, okay?!

*****

Sabado at maaga akong nagprepare para sa shoot. Sa agency building ang call place dahil ang service vehicle ang maghahatid sa amin ni Crane at Candy sa studio.

Biente minutos lang ang biyahe at lumabas agad kami ng sasakyan para pumasok sa dressing room.

May tatlo kaming dala na make up artists. Dalawa para sa akin at isa para kay Crane.

Inayusan ako at pinasuot ang isang low waist maong tatttered jeans na nilagyan ng makapal na black leather belt. Hanging ang black t-shirt na may tatak na Mighty-M. Dahil rito ay kitang kita ang balakang at hanggang itaas ng pusod ko.

Pinagsuot din ako ng silver five inches stiletto na may kumikinang na beads. Naka high ponytail ang mahaba kong buhok at nakasampay sa kanang balikat.

Ang dark eye-shadow ay nagdepina sa mga mata ko. Mamula mula ang aking pisngi sa blush on at dark red ang aking lipstick.

Si Crane naman ay naka black t-shirt din na may parehong tatak gaya ng sa akin at maong tattered pants. Naka white rubber shoes din ito. Bumabakat ang dibdib at muscles niya sa kanyang tshirt.

Pumasok kami sa studio na plain white ang background at may pulang sofa sa gitna. Naka-set na din ang spotlights at cameras.

"Ready na ba ang models? Parating na si Mister M," anang isang tingin ko'y head staff.

Pinapwesto na kami sa sofa upang icheck ang maaari naming gawin at gayon na rin ang technicals.

"Pose!" Anang photographer at idinikta ang nais niyang gawin namin.

In His Paradise (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum