“Pasalamat ka hindi kami pumapatay ng tao.” Itinayo ako ni Jake, kaliwa’t kanang suntok naman sa mukha ang binigay niya sa‘kin. Nabingi yata ako doon, ang alam ko nagki-kick boxing ang lalaking ‘to.

“Pasensyahan nalang tayo Montgomery,” Earl was usually composed and calm but right now I’m seeing anger in his eyes. Umikot siya para bumwelo, saka pinakawalan ang spinning hook kick niya na tumama sa kanang braso at baywang ko. Talsik na naman ang katawan ko, halos hindi na ako makabangon sa pagkakasadlak sa sahig 

“Now, do you regret what you did?” Nilapitan ako ni Fox. Alam ko kapag mali ang isinagot ko siguradong sakit na naman ng katawan ang makukuha ko. But I thought to myself, what the hell?

“N-no,” halos pabulong kong sagot. Hinila niya ang kwelyo ko, itinayo ako nang ganon-ganon nalang. I prepared myself for another blow but it did not come, instead I found myself sitting on the stairs. Nagtaka ako pero hindi na ako nangahas pang magtanong.

Si Luke naman ang lumapit sa‘kin, he’s a martial arts champion. Hindi ako natatakot mamatay pero nag-aalala akong baka masira ang mukha kong inalagaan ko ng mahabang panahon. Lumuhod siya gamit ang isang paa at tumapat sa mukha ko, tinapik niya ng dalawang beses ang pisngi ko.

“Hindi kita sisingilin ngayon, but remember, you owe me one Brix Montgomery.” Tumayo siya at tinalikuran na ako. Sumunod sa kanyang paglalakad ang iba, nag-dirty finger pa sa’kin si Jake bago sila tuluyang nawala sa paningin ko.

Nanghihinang hinagilap ko ang cellphone sa aking bulsa, himalang hindi iyon nasira. I dialed kuya Ron’s number, he’s the family driver of the Jacintos. Can’t help it, desperate time calls for desperate measure.

“P-pakisundo naman po a-ako malapit sa academy.” After I end the call, everything went black.

-CJ’s POV-

Nakikipaglaro ako sa aso kong si chichi nang marinig ko ang pagdating ng kotse. Agad akong tumakbo palabas sa pag-aakalang sina mommy’t daddy ang dumating. I was so shocked when I saw kuya Ron asked ate Letty’s ––our maid— help to carry the unconscious Brix.

“Kuya, anong nangyari d’yan?” Tanong ko nang makapasok sila sa bahay.

“Eh nakita ko nalang walang malay sa eskenita malapit sa school niyo. Baka napagdiskitahan ng mga tambay,” paliwanag niya pero iba ang kutob ko.

“Katkat!” Tawag ko sa isa pa naming kasambahay.

“Tawagan at papuntahin mo dito si Dr. Reyes, pakikuha na rin ng maligamgam na tubig at bimpo.” Inihiga nila sa kama ang wala pa ring malay na lalaki. Kitang-kita ang mga pasa sa mukha niya, madami rin siyang galos sa katawan. Napa-ngiwi ako ng ma-isip kung gaano iyon kasakit.

Nagpatulong ako kay ate letty na linisin ang mga sugat at pasa ni Brix, nakaka-awa talaga ang itsura niya. Kahit naman bwisit bwisit ako sa mokong na ‘to eh hindi ko pa rin gustong may nasasaktan dahil sa’kin. Lumabas ako ng kwarto at pinabihisan siya kay kuya Ron nang saktong dumating si Dr. Reyes.

“Kayo na ang bahala sa kanya Doc may kailangan lang akong asikasuhin.” Mabilis akong lumabas ng bahay at sumakay ng kotse. I was driving when I texted the gang.

[Meet me at the hide-out]

Lahat sila ay prenteng naka-upo sa couch at nanonood ng Shingeki no Kyojin nang dumating ako. Kinuha ko ang remote at pinatay ang TV, umangal ang kambal pero hindi ko sila pinansin. Pumunta ako sa gitna, nameywang at isa-isa silang tiningnan.

“Don’t deny it, kayo ang bumugbog kay Brix ‘no?”

“Hindi talaga namin ide-deny” Maangas na sagot ni Jake.

“You shouldn’t have done that!”

“Why not? Pina-iyak ka niya,” kwestiyon ni Drake.

“Hindi namin ‘yon pwedeng palagpasin,” dugtong ng kakambal nitong si Dylan.

“Kahit na!”

“Are you mad dahil sinaktan namin sya?” Earl calmly asked.

“Of course not!” Hindi kalmadong sagot ko.

“Then, why are we here?” kunot-noong tanong ni Adrian.

“Because, I should be the one to punish him!”

“You don’t expect us to just sit back and relax when we found out that you cried, do you CJ?” Matiim ang titig sa’kin ni Luke, natameme ako saglit.

“Urgh! Ewan ko sa inyo! Nakaka-inis kayo, paano pa ko gaganti eh ginawa niyo na!”

“Iyon ba talaga ang kinakagalit mo?” Nagulat ako ng magtanong si Fox, dati rati hindi naman siya sumasali kapag nagtatalo-talo kami.

“O baka dahil pinagtulungan namin si Brix?” Tukso ni Dylan.

“Patay kang bata ka,” sabi naman ni Drake at tinampal pa ang sariling noo.

“Hindi ‘noooh! Diyan na nga kayo! Peste!” Lumabas ako at isinara nang ubod-lakas ang pinto. Inis na inis talaga ako sa kanila, lalo na sa kambal na ‘yon. How dare them think that I am mad because fake Brix got hurt? That doesn’t make sense right? Asar talaga!

----------------------------------------------

A/N: Sana bukas matapos ko ang next chapter =)

Favor naman po? Pwede mag-hingi ng comment? I just want to know kung nagustuhan nyo =) ...thanks

P.S. Happy Halloween!

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ