1: Hanudaw!?

92 5 2
                                        

Hera's POV

*kring* *kring*

😩😴😴 10 minutes pa please!

*kring* *krin-- *splash*

"AHHH!!! KUYA NAMAN EH!!! AISH! BWUISET KA TALAGA SA BUHAY KO!!"

"Hayy, halos isang oras ako nag-iisip paano ka gisingin, eh eto lang pala ang katapat mo, oh gising na princessa, Hindi maghihintay ang flag ceremony sayo!" Tapos padabog niyang sinara ang pinto

"TSE!"

Tumingin ako sa orasan, hala 6:30 na!! Patay ako nito!

Binilisan ko nalang ng pagligo, paagaayos sa sarili ko pati pagkain ko, huhu patay ako kay maam Devon nito! 😭😭😭

Mabuti nalang mabilis magdrive tong gurang na to kaya nakaabot kami ng flag ceremony..pheww😰

Papasok muna ako ng classroom

"Yah! Hera Lim!!" Hay ang ingay talaga nitong babae na to kahit kailan.

"Oh ano?"

"Uy bes, alam mo bang may bago daw tayong classmate? Awiee balita ko daw ang gwapo!!jusko makalaglagpanty daw!😍😍😍"

"Ano naman?"

"Grabeh!?, ang init ng ulo palagi Hera!, may problema?, naku may Hindi ka sinasabi sakin noh!?"

"Wala" tapos nilapag ko ang bag ko at umupo. Wala talaga Hera, sira na talaga araw mo 😥

"Okay guys punta na daw tayo sa gym" sabi ng class president namin.

Time skip na tayo, ang tagal kasi natapos ng flag ceremony namin dahil maraming inannounce ang principal

Hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ko, ako nga pala si Nathalie Hera Lim, famous kami ni kuya at Kim(best friend ko) dito sa school, Ewan ko ba bat nangyari yung, kuya ko si John Nate Lim at naniniwala ang boung campus na gwapo siya, pweh!, I don't find him good looking. Bad boy siya, pero Ewan ko ba sa kanila natuturn-on sila sa mga lalaking maldito. Ang parents namin ay nasa ibang bansa for some business matters, sikat rin sila. Hay ewan ko ba bakit sikat kami, siguro dahil mayaman kami, or di kaya dahil may itsura kami, aaminin ko may itsura talaga kami pero Hindi ako katulad ni kuya na masyadong oa sa mukha.

"Okay class, makinig ang lahat" sabi ni maam Devon habang hinahampas niya ang stick nya sa table, napaupo naman kaming lahat ng matuwid. Terror talaga si maam!

"You will have a new classmate" bigla namang nagsigawan ang lahat ng babae sa classroom habang ang mga lalake naman mukhang nairita. Tss. Sino no ba hindi maiirita, eh halos silang lahat ang titinis nang boses nila pati narin si Kim. Mabuti pa matulog nalang ako, tss.

Nag nap position muna ako since nakulangan ako sa tulog. Bigla naman akong niyugyog ni Kim.

"Hoy Kim, tigilan mo nga yan!" Pero hindi parin niya ako tinigilan, ano ba problema nito?.
Tinignan ko siya, lag-lag panga reaction naman siya.

"Hey!,yah! You really need to see this Nathalie!!" Ano ba talaga problema nito? Hey na nga yah pa!?

"Ano ba kasi yan" Hindi parin kasi ako tumitingin sa harap naka nap position parin kasi ako.
"Oh Lord, problema talaga to!" Sabi niya habang niyuyugyog parin ako, para atang naalog na pati utak ko!

"Ano ba kasi nga yan!?" Sabi ko.

"Ikaw na umalam" sagot nya pero hindi ko parin tinaas yung ulo ko.

"Please introduce yourself to the class" sabi ni maam

"Hi my name is..." T-teka nag hahallucinate ba ako? Totoo ba tong naririnig ko? Wait totoo ba to? Nakatulog na ba ako? Panaginip lang ba to? Hahaha grabeh parang totoo talaga eh!

Maldita's In Love Where stories live. Discover now