"Do you think my brother will accept me too?" Tila naguguluhan pa din ito. Ngumiti sya "malay mo ikaw lang ang hinihintay nya"

Ngumiti na ito at sa pagkakataong iyon ay wala ng halong lungkot.

"Salamat"

That's where their friendship started. Madalas na silang magkasama at hindi na ito gaanong napapaaway.

Their friendship jump to the next level. Niligawan sya ni Rebbel at sinagot nya ito kalaunan. Naging masaya ang pagsasama nila kahit mga bata pa lang sila noon.

Hindi nito alintana ang itsura nya at ramdam nya ang pagmamahal nito.

But all the perfect stories has it's end. Their's has.

That night she give her all to him ruined every piece of her being.

Ginamit lang sya ni Rebbel at pinaglaruan. They had a sex scandal na kumalat sa university. Rebbel did'nt really get embarrassed. Ikinasikat pa nito iyon.

"Do you really think i would like you?" Nagtawanan ang mga barkada nito ng sinabi nito iyon. Umiiyak syang nakahandusay sa sahig dahil sa pagtulak nito at wala man lang nagtatangkang tumulong sa kanya. Most of the people are laughing while some are recording the scene using their phones.

"Rebbel, mahal mo naman ako diba?"

"Mahal.." sagot nito "sa kama!" Dugtong nito na ikinalakas ng tawanan "ang sarap ng virgin e! Ang sikip, ang kipot. But if it was'nt for that tight pussy.. fvck babe! Feeling mo papatulan kita?" Puno ng panunuyang sabi nito.

She got expeled from the school afterwards because of the scandal and Rebbel stays. Masyadong maimpluwensya ang mga Aragon para maexpel ito.

Since that night her life is ruined. Wala ng university ang tumanggap sa kanya.

She had change herself and fight. Tuloy ang buhay. At bumagsak sya sa pagpopromo girl. Ngayon, sa pagiging bayaran.

"Ang swerte naman pala talaga ng buhay mo" komento ni Alison ng ikwento nya dito ang history nila ng 'kliyente' nya.

"Of all people" naiiling na komento nya. Kasalukuyan silang nasa locker room ng bar kung saan sila nagtatrabaho bilang promo girl. Kailangan nya pa rin ang kikitain nya doon kaya hindi sya umaalis.

Hindi biro ang gagastusin nila para sa puso ni Jenine. May congenital heart disease ito at talagang nangangailangan ng eapesyal na kalinga. At gagawin nya ang lahat maisalba lang buhay ng kapatid.

"Anong plano mo?" May pagaalala sa boses ni Alison.

"Tuloy ang laban" nagkibit sya.

"Tama ka jan" pagpapalakas nito sa loob nya "o kaya naman gamitin mo ang sitwasyon para gantihan ang gago"

Natigilan sya sa paglalagay ng lipstick sa sinabi nito. Gantihan? Kailangan nya pa ba iyon? Matagal na panahon na ang nangyari. Isa pa, paano naman?

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nya kay Alison na parang hindi naman seryoso sa sinabi. Naglalagay ito ng blush on at lipstick. Itinigil nito iyon at humarap sa kanya.

"Sa laki ng kasalanan nya sayo hindi mo man lang ba naisip na gumanti?" Hindi makapaniwalang sabi nito. Umiling lamang sya "Maggie sinira nya ang buhay mo. Sabi mo nga hindi ka nakagraduate dahil sa kanya. Hindi ka tinanggap ng mga eskwelahan dahil sa scandal kahit matalino ka pa at hindi nabigyan ng magandang buhay ang pamilya mo. Kahit minsan hindi mo sya naisip gantihan?"

"Noon siguro" nagkibit sya at naglagay na ng lipstick. Galit sya kay Rebbel at kahit kailan hindi nawala iyon. Pero gantihan ito? Anong mapapala nya doon? Hindi naman sya kikita ng pera para kay Jenine kung gaganti sya.

"Maggie.. ngayon na ang pagkakataon mo. Malay mo kaya pinagtagpo kayo ulit"

"Para gantihan ko sya?" Natawa sya "ang lakas mong maka teleserye"

"Maggie, seryoso ako"

"Paano ko naman sya gagantihan?"

"Bitinin mo sa kama" tumawa si Alison. Namula agad ang pisngi nya sa sinabi ng kaibigan "paibigin mo. Tsaka mo iwan sa ere. Iparamdam mo sa kanya ang ginawa nya sayo noon"

"Kailangan pa ba yon?"

"Natahimik ka ba sa nagdaang mga taon? Hindi mo ba naisip kung ano sana ang buhay na meron ka at ang pamilya mo ngayon kung hindi nangyari iyon? Sinira ka nya Magdalene" tila tumagos sa kanya ang lahat ng sinabi ni Alison. Oo nga at nairaraos naman nya ang pamilya nya. Pero baligtarin man ang sitwasyon, madumi pa rin ang trabaho nya, at hindi mangyayari iyon kung hindi sya inilaglag ni Rebbel. Kung hindi nito sinira ang buhay nya.

"Tama ka Alison" matatag na sabi nya "gagawin ko sa kanya ang ginawa nya sakin"

Lustful DealWhere stories live. Discover now