Three.

10K 202 2
                                    

Nakatambay sya sa bleachers na nakaharap sa lawa habang nagbabasa. Past time nya na iyon dahil mahilig syang mag aral at top student sya ng university kung saan sya nag aaral.

Pero ngayon lang nangyaring wala sa libro ang atensyon nya kundi nasa lalaking kanina pa bumabato ng bato sa lawa.

She knew him. He's Rebbel Adamson Aragon. The well known bad boy of the school. Kilala ito sa likot nya sa babae at sa pagiging basagulero. Lagi rin itong nasasangkot sa riot at away sa labas ng campus kaya nakapagtatakang malungkot ito ngayon.

Wala masyadong tao ng hapong iyon. Wala rin namang masyadong natambay sa lugar dahil naglipana na sa mga bar ang mga studyante pagkatapos ng uwian.

Pasulyap sulyap sya sa binata sa pagdaan ng mga oras hanggang sa hindi na sya nakatiis at nilapitan na nya ito.

"Hi.." nanginginig sya ng tabihan ito sa pag upo. Hindi naman sya natatakot na mabulyawan nito dahil naging kaklase nya ito noon at masasabi nyang mabait ito. Naiintimidate lang siguro sya. Napakagwapo kasi nito kumpara sa manang nyang itsura.

Nakapalda sya ng mahaba, naka long sleeves palagi at nakatali ang kulot na buhok. Humaharang sa mga mata nya at sa makakapal nyang kilay ang makapal na salamin, maitim din sya at talaga namang maliit. Kumpara kay Rebbel na napakagwapo kahit sa simpleng maong at itim na shirt.

"What are you doing here?" Matabang na sabi nito.

"Uh," she stutter. Hindi man sya nililingon ng binata ay napakagwapo pa rin nito sa gilid nya. "Kanina ka pa dito. I wonder if.. if you want a drink?" Iniabot nya dito ang bote ng mogu mogu na hawak. Lychee flavor iyon at medjo malamig pa.

Tinapunan nito ng tingin iyon, bago nag angat ng tingin sa muka nya.

"Hindi ka ba natatakot sakin?" Ngumuso ito na tila sinusupil ang ngiti.

"Natatakot" pag amin nya "pero malungkot ka e. I can help, maybe i can listen. May problema ka?"

"Wala.." nag iwas ito ng tingin at bumaling sa lawa. Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Nagbaba sya ng tingin at kinagat ang pang ibabang labi. Siguro ay ayaw sya nitong kausap. "uhm.." maya maya ay sabi nito. Nag angat sya ng tingin. "nauuhaw ako" kumamot ito sa ulo na dahilan ng pagbungisngis nya. Iniabot nya dito ang bote ng mogu mogu at natatawang ininom nito iyon.

"Ako si Darlene" pagpapakilala nya

"Rebbel" tinanggap nito ang kamay nya ngunit agad ding bumitaw. Malungkot na tumingin itong muli sa lawa.

"May problema?" Tanong nya. Hindi ito nagsalita. "Mas ok maglabas sa taong hindi mo kakilala. Hindi ka daw kasi nila huhusgahan"

"Alam ko 'yon" ngumiti ito "pero masakit na banggitin ko ulit. My dad cheated. And i found out i have a sibbling. May anak sya sa labas" hindi na sya nagulat doon. Mayroon din syang kapatid sa labas. Masakit mang aminin pero naging kabit ang nanay nya at nagbunga iyon. Si Jenine iyon.

"May kapatid din ako sa labas" pag amin nya na ikinabigla nito.

"You do?"

Tumango sya "at tinanggap ko sya ng buo. Blessing ang kapatid. Tsaka, mas masaya kung may karamay ka"

"Pero sa pagloloko nabuo si Klay. Pagkakamali sya ng daddy ko"

"Pero ibinigay sya ng diyos sa inyo. Imposibleng walang dahilan. At sigurado ka ba na nagloko ang daddy mo? The coins has two sides, so as the story. You need to see both" nagkibit sya at tinapik ang balikat nito.

Lustful DealWhere stories live. Discover now