Muntik na kong atakihin sa puso! Kinginang yan.

At ang walanghiyang hampaslupang apa? Ayun, tawa ng tawa.

Maganda ang gising ko ngayon kaya hindi ko hahayaan na may makasira nito. Iniwan ko na siya at pumunta na ko sa kusina.

"Ang aga mong nagising?"

Naupo ako sa high chair at nagpangalumbaba. "Magluto ka na" utos ko sa kanya.

Tumaas ang magkabilang kilay niya at ngumisi saka napailing bago pumunta sa ref at kumuha ng kung anu ano sa loob. Pinanood ko lang siyang kumilos sa kusina. Kung hindi lang talaga siya masarap magluto baka matagal ko na siyang hindi pinapasok dito. Kahit papaano naman, may pakinabang siya. Nabubusog ako.

"Ano to?" tanong ko ng ilapag niya ang plato sa harap ko.

"Chao fan"

Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos.

"Namiss mo luto ko sa umaga no?" ngising ngising tanong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Nagugutom lang ako at kung hindi ka biglang sumulpot ako sana ang magluluto" sagot ko.

"Ayaw mo na ng breakfast sa canteen? Hindi ka ba hinihintay ni LWB ngayon?" nangising tanong nito.

Hindi ko siya pinansin. Mas effective ang ganito para hindi masira ang magandang gising ko. Tumayo na ko pagkatapos ko at bumalik sa kwarto para maligo at mag-ayos. Hinintay ko si Yanna na makababa saka kami sumakay sa kotse at umalis ng bahay papunta sa school.

"You remember me now" sabi nito habang nasa byahe.

Hindi ako sumagot.

"May regalo ka na ba kay Troy? Sa Sunday na yun" Tanong ni Yanna.

Bigla akong napapreno at tumingin sa kanya.

"What the hell Pam?!"

"Sa linggo na?!" tanong ko at hindi pinansin ang pagrereklamo niya.

"Kung wala akong seatbelt, I'd surely crashed on the windshield!" she whined.

Napapikit ako at huminga ng malalim. "Sorry. Nabigla lang ako. Fuck! Wala pa kong regalo! Hindi na lang ako pupunta" sabi ko at pinaandar na ulit ang sasakyan.

"What?! Oh no! Hindi pwede. You should attend because you already gave your word. Troy's very excited because he's expecting you there."

I sighed. Dammit!

Hindi ako nakapagfocus sa buong klase kakaisip ng pwedeng iregalo kay Troy. Hanggang sa makauwi kami, ayun pa rin ang iniisip ko.

"Tita wouldn't mind kung wala kang dalang regalo. Presence mo lang daw okay na" sabi ni Yanna ng pumasok siya sa kwarto ko.

Umiling ako. Nakakahiya naman yun. May hiya parin namang natitira sa katawan ko.
Nakatulugan ko na ang pag-iisip.

Kinabukasan nagising ako at bumungad sakin ang mukha ni apa.

"Good morning!" ngiting ngiti pang bati nito.

Pinikit ko ulit ang mga mata ko at huminga ng malalim. Kakagising ko lang tapos mukha pa ng hampaslupang to ang unang makikita ko? Kinginang buhay yan.

Bumangon ako at nagpunta sa cr para maghilamos at magsepilyo. Pagkalabas ko ng banyo, nakahiga pa rin ang walanghiya sa kama ko.

"Gising ka na" sabi pa nito sabay upo sa kama ng nakaindian sit.

Kinalma ko ang sarili ko. Pinakaayoko sa lahat ang nasisira ang gising ko. Kaya hanggat maari ayokong magalit kapag bagong gising ako dahil buong araw na mababadtrip ako. Kailangan ko pang maghanap ng ireregalo kay Troy. Tsk.

Good To YouWhere stories live. Discover now