Chapter 1: Rich Babe

Mulai dari awal
                                    

     This Kate Spade bag is the last asset that i have. Wala ng natira sakin sa kakabenta ko. Our school department went on a trip to England for our research at ilang bag ang naibenta ko, nasakto pang bayaran ng rent nitong studio at walang padala saakin si Kuya at Mama.

     I wore a mask and a round eye glasses when i met the buyer to disguise myself. After that, i went back to my studio to rest.

     Its a long day for me, we're having our sembreak and god knows how much i avoided Kaye and Rana para lang makaiwas sa plano nilang magbakasyon kaming tatlo sa Amanpulo this sembreak.

      Namo-mroblema na nga ako ng pang tuition ko for next sem po-problemahin ko pa tong Amanpulo na to.

    Umuwi ako ng studio apartment ko ng may topak sa ulo. Nawala lang iyon ng mag ring ang cellphone ko at makita ang pangalan ng mama ko. Finally a damn money!

     "Anak--"

     "Hi mama. Magkano po pinadala ninyo?" Masaya kong tanong.

     Makalipas ang ilang segundo ay hindi nag salita si mama sa kabilang linya.

     "Hello ma?" Pag che-check ko. Bumuntong hininga ito.

      "Anak." She said. "Nandiyan na ba ang kuya mo?" Tanong ni mama. Sino daw?

     "Si kuya? Ewan ko. Diba kasama mo diyan?" Sagot ko dito.

     "Umalis siya nak, susunduin ka. Dito ka na tumira samin. Dito mo na ipagpatuloy ang pag aaral mo ng kolehiyo."

        "Mama! Ano ba yang pinagsasabi mo? Wala ako sa mood ngayon ah."

      I rolled my eyes while i heard my mom took a deep sighed from the other line.

       "Anak, kung dito ka mag aaral i can pay for yor expenses. I just can't let you study there. Atsaka Nak, Nagka problema sa trabaho." She said again at nag roll eyes nanaman ako.

       "Edi sana sa simula pa lang hindi nyo na ako iniwan dito ni kuya na mag isa." I ended the call and throw my phone on my bed. Inis akong napapadyak sa inis at irita.

      Nagpalit ako ng suot at kinuha ang wallet, cellphone at susi ng studio ko. Pumara agad ako ng jeep ng makarating ako sa kanto. Sana lang ay pag uwi ko wala si kuya, sana ng e-echos lang ang nanay ko sa part na uuwi si kuya dito para sunduin ako.

      "Manong bayad po, sa katipunan lang isa." Pumirmi na ako ng upo ng makabayad ako sa driver, gusto kong yayain ang mga kaibigan ko kaso sinanay ko silang kapag niyaya ko ay sagot ko ang lahat ng bayarin.

      I can't today. Short na nga ako sa pera tapos baka hindi pa ako makauwi dahil malayo ang katipunan sa studiong tinitirahan ko pag nawalan ako ng pera pamasahe sa jeep.

      Ng makarating ako sa pop up ay umorder agad ako ng isang bucket ng san mig. Shit lang kasi muka akong loner dito while some students from the school near here ay mga masasayang nag wawalwalan.

      "Hi miss! Saang school ka?" The guy asked. I looked at him from his head to his toe. Rich kid umay.

      I didn't answer him so hindi naman siya manhid at alam niyang hindi ako interesado sakanya kaya umalis narin siya sa gilid ko. Nag ring ang cellphone ko at nakita ko roon ang pangalan ng nakatatanda kong kapatid.

     Gustong gusto ko ignorahin iyon ngunit iba kung magalit si kuya, kung galit ako ay mas galit to kaya i ended up answering my phone bago pa niya ako ma sampolan ng pagiging hulk niya.

      "Nasaan ka Mina Cassandra?!" Napapikit ako sa sobrang takot sa tono ng boses ni kuya.

       "Katipunan lang kuya, chill!" I said with a cool tone but deep inside im so nervous and my hand is sweating already.

Unexpected LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang