Chapter 25: Bad day

Start from the beginning
                                    

J: "Ok I extended extra day for us. Para maka-bonding kita bukas."

"What?!"

J: "Para maka-bawi. Ituloy natin ang dinner."

"So ibig sabihin. Hanggang bukas lang tayo mag-kasama?"

J: "Supposedly, bukas back to work na ako, pero I decided to extend.."

"At kelan mo balak sabihin sakin na isang araw lang talaga ang off mo?! John naman!!! Ilang beses ko na pinalampas ang pagiging absent at business minded mo ha! Pero sobra na naman yata."

J: "Sabi ko na rin naman sayo dati na magiging busy ako this past few days & months. Pumayag ka naman, akala ko nagakkaintindihan na tayo. "

"So ibig mong sabihin, dahil pumayag ako, ganto ka na lang parati sakin? Para namang hindi excuse yan John. Common sense naman! Birthday ko at ngayon lang tayo ulit nagkita after ilang weeks, tapos business pa rin nasa isip mo. Kahit sino naman magagalit eh. Pinagbibigyan ka na nga eh. Ano pa ga ang gusto mo? Tumira ka na kaya sa office mo!!"

J: "I'm sorry Jam. I'm so insensitive. Babawi talaga ako bukas."

"Ganyan na lang parati John? Babawi ka na lang pagkatapos mong maka-sakit?"

J: "Anong gusto mong gawin ko para di ka na magalit?"

"DI ko alam John. Nakaka-inis ka kasi talaga eh! Yung resto ga natin, kahit once sumagi sa isip mo? Sayo siguro di importante yun kasi di mo naman kailangan yun eh, dahil sa kumpanya nyo. Pero sana isipin mo na ako, dun ako umaasa, at yun ang pangarap ko. Sobrang importante sakin nun John, hindi lang pera at ipon ko ang naka-invest dun, pati na rin sa magulang ko at sa mga kaibigan ko. Yung pera mo naman don hindi importante sayo eh, kasi mayaman ka. Ayokong umasa sa perang kinikita mo, gusto ko may sarili akong mapagkukunan ng pera, sa sariling pagod ko. Kaya sana lang, bigyan mo ng halaga."

J: "Aaminin ko, nakalimutan ko yung tungkol jan, pero......"

"See. Nakalimutan mo. Sobrang nakaka-disappoint ka na talaga John."

Naiiyak ako sa sobrang sama ng loob ko.

Sa dinami-daming tao na makaka-limot, bakit sya pa?

Importante sakin yun eh.

Niyakap nya ako ng mahigpit.

Kasi nakikita nyang naiiyak na ako.

J: "Sorry. Sorry. Di ko akalain na mapapaiyak at masasaktan kita ulit."

"Sorry ka ng sorry."

J: "Pagkatpos ng ilang linggo o buwan na pagiging busy sa trabaho, promise mag-temporary leave ako para sayo. Para mabawi ang mga araw na nasayang."

"Kelan pa yon? Nakakapagod ding mag-intay."

J: "Please don't be. 2 months na lang siguro or less. I will ensure na stable na ang status ng company at maabot ang quota namin, then I'm ready to take my vacation."

Bumitaw ako sa pagkakayakap.

At nagpahid ng luha.

"Lalabas lang ako."

J: "Bakit?"

"Puntahan ko lang sina Lola."

J: "Samahan na kita."

"Dito ka na. Ayusin mo na ang dapat mong ayusin sa business nyo."

J: "Akala ko okay na tayo?"

"May sinabi ako? Sige na, kung gusto mo matulog, matulog ka na."

Second Chance Book 2: Our Destiny (Tagalog)Where stories live. Discover now