Chapter 6

32.7K 574 6
                                    

Raine's Pov (NOT EDITED)

"Hey Raine wake up." - sabi ng tinig at bahagya akong tinapik-tapik. Inaantok man ay pinilit kong imulat ang mga mata. Bumungad sakin ang bagong gising na si Tyler.

"B-Bebe?" - namamalat ang boses na sambit ko.

"Prepare my breakfast."- sabi ni Tyler. Sa sinabi nito ay agad akong napabaligwas ng bangon, at dahil nakapwesto si Tyler malapit sa'kin ay bumanga ang noo ko sa baba nito.

"Aray!" - halos panabay naming sabi. Nanlalaki ang mata kong bumaling kay Tyler na nakasapo sa baba nito, tulad ko ay nasaktan din ito. "S-Sorry!" - sabi ko habang hinihimas ang noo. Nag madali akong tumayo, at sa pagmamadali ay bigla na lamang ako napatid at bumagsak sa sahig.

"A-Aray ko susko."- daing ko.

"Mag ingat ka nga!" - bulyaw sa'kin ni Tyler bago ako tulungang tumayo. "Maliligo na ko."- sabi pa nito bago lumabas ng aking silid.

Ako naman ay iika-ikang lumapit sa side table at kumuha ng panali sa buhok. Pinuyod ko ang aking buhok habang pinag mamasdan ang sarili sa salamin. Nang sa tingin ko ay ayos na ang itsura ay tinahak ko na ang daan palabas at nag tungo sa kusina. Agad kong inilabas ang mga lulutuin. Simpleng omelette, bacon and toasted bread lang ang ihahanda ko. Nag salang ako ng tubig sa coffee maker at habang inantay iyong kumulo ay sinimulan ko ng mag luto.

Dalawang araw na ang nakakalipas ng makauwe kaming dalawa ni Tyler mula sa batangas. Sa condo unit ako dinala ni Tyler, akala ko nga noong una ay sa mansion ni lolo Tyrone kami uuwe pero hindi pala. Matagal na palang hindi tumitira si Tyler sa mansion ng mga Maniego at isa na ring dahil ay ayaw daw nitong makasama ang matanda sa iisang bubong.

Sa ngayon ito ang unang araw ng aking gampanin bilang asawa ni Tyler. Napag desisyunan namin ni Tyler na subukan ang buhay may asawa. Wala naman masama at wala din naman kaming choice na dalawa, dahil totoong kasal kami. Kaya mas maganda na ang ganito.

Nang matapos magluto ay agad kong inihain iyon sa maliit na lamesang nasa loob ng kusina. Agad din akong nag timpla ng kape at nang matapos ay tulala lang akong naupo habang inaantay si Tyler.

Sumulyap ako sa digital clock na nasa ibabaw ng refrigerator at nakitang six thirty pa lang ng umaga. Napahikab muli ako dahil sa antok. Sanay akong gumising ng umaga noon dahil sa trabaho ko, ngunit ngayon ay hindi ko talaga mapigilang hindi mapapikit. Napuyat kasi ako sa nag daang gabi. Hanggang ngayon kasi ay namamahay pa rin ako, kaya naman kahit alas dos na ng umaga ay dilat na dilat pa rin ako. Tuloy ay apat na oras pa lang akong nakakatulog.

Nang tumunog ang over toaster ay agad akong tumayo at kinuha ang mga tinapay na naroon. Paupo na muli ako nang saktong pumasok ang bihis na bihis na si Tyler, at kahit antok na antok at napapapikit pa ay hindi ko naiwasang pag masdan ang itsura nito. Napaka gwapo talaga nito kapag nakasuit hayst. Bagay na bagay.

"Hindi ko alam ang gusto mo sa almusal kaya iyan lang ang naluto ko."- sabi ko at hindi na naman napigilang muling mapahikab. Hindi naman nagsalita si Tyler at naupo na. Nag simula na itong kumain ng tahimik, habang ako naman ay dumampot lang ng isang toasted bread at mabagal na kinain. Hindi ko na din napigilan ang humikab ng humikab na mukhang napansin naman ni Tyler.

"Puyat kaba?" - tanong nito. Tumango lang ako at muling napatulala. Ang gwapo gwapo ng nasa harapan ko ngunit hindi naging sapat iyon upang hindi mapapikit ang mga mata ko sa antok. Babawi na lang siguro ako ng tulog oras na makaalis si Tyler.

"Bakit ka naman napuyat?"

"Namamahay."

"Pumunta kana sa kwarto mo at muling matulog."- hindi ko naiwasang mapatingin kay Tyler dahil sa mga sinabi nito.

Make Him MineWhere stories live. Discover now