“I’ll drive you home Zy.”
“Okay”sabi ko na lang sa kanya. mag-iinarte pa ba ako? Libre pa naman.
Habang nasa byahe ako ay nagbe-brainstorm ako kung paano ko iko-convince si Kuya na I don’t need a guardian. Labhan ko kaya ang mga damit nya? o di kaya ay haharanahin ko si Ate Sam for him.
“Zy are you busy tomorrow?”, tanong sa akin ni Keith na pumukaw sa pagbe-brainstorming ko..
“Hindi naman” simpleng sabi ko. Ewan ko ba this past few days talaga ay parang nako-conscious ako dito kay Keith.
“Can we go out for lunch?” nabigla ako sa tanong ni Keith. Tiningnan ko siya para makita ko kung seryoso ba siya.
“Sige daanan niyo lang ako ni Mikee bukas coding kasi ako”, sabi ko sa kanya. Wala namang masama di ba?
“Mikee won’t join us, it just the two of us”, sabi ni Keith na nakita ko ang hopeful niyang mukha.
Ayokong makitang madis-appoint si Keith dahil he’s been so nice to me simula ng nagkakilala kami.
“Sige”sagot ko sa kanya then napasmile ako when I saw his face lightens up.
“Thank you Zy!” masayang sabi nya sa akin saka nagpatuloy sa pagmamaneho.
After almost 30 minutes ay nakarating na din kami sa condo ni Kuya.
“Wanna go up?” yaya ko sa kanya. Pambayad ko sa paghatid niya.
“Some other time na lang Zy. May family dinner kasi”
“Okay thanks for the ride Keith.”
“My pleasure, so tomorrow at ten? Para makagala muna tayo bago kakain?”
“Okay, just give me a beep. Bye.”
Nakita ko siyang sumaludo sa akin bago pinaandar ang sasakyan niya.
“Boyfriend niyo po Ma’am?”untag sa akin ni Manong Guard.
“Kaibigan ko lang po Kuya ikaw talaga”natatawang sabi ko sa kanya habang inaabot niya ang spare key ni Kuya and that means wala pa si Kuya.
Nagdate pa siguro.
Dali-dali akong pumanhik sa taas saka naghanda ng makakain ko wala pala sina Mommy ngayon may pinuntahan palang mga kamag-anak.
Natapos na akong kumain ay hindi pa rin dumating si Kuya e kating-kati na akong makipag-usap sa kanya.
Naghintay pa ako ng 30 minuto pero wala pa rin si Kuya.
YOU ARE READING
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
Scene 12
Start from the beginning
