"Sorry, Nath. But I think sa ibang araw na lang. Ngayon kasi yung araw na makakasama ko lumabas ang kapatid ko."

"Ganun ba?" Mukhang nalungkot si Ella pero pagkatapos ng ilang sandali ay ngumiti na siya.

"Sure! Ingat kayong dalawa ha?" Ngumiti na lang si kuya. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Totoo ba ito? 

Tumanggi siya kay Ella?

"Andito na pala yung driver ko. Ingat kayo ha? Bye!" kumaway samin si Ella tapos naglakad na siyang palayo. Nakita ko na lang siya sumakay sa puting sasakyan tapos umalis na sila..

Ibig sabihin ba nito...

"Huwag kang mag-alala Sai. Masosolo mo ang gwapo mong kuya." he smirked. Namula na lang ako. Shemay! So walang eepal samin? >///<

Pumunta na kami sa mall.. Nasa likod lang niya ako. Yung dalawang kamay niya ay nakalagay lang sa bulsa ng pantalon niya. Kitang kita ko dito kung paano siya tinitingnan ng mga babae sa daan. >o<

Bakit ba kasi ang gwapo nya masyado?! >o<

"Halika nga dito.. Bakit ba nasa likod kita?" Hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako sa tabi nya. "Ayan.. Para naman hindi ka na tingnan ng mga lalaking nakakasalubong natin sa daan."

"Huh? Paano mo naman nasabi na tinitingnan nila ako eh nasa unahan kita?" Tumigil sya sandali at pinitik nang mahina ang noo ko. Napapikit na lang ako. Akala ko kasi malakas yung pitik nya. Wew! Buti na lang mahina. >o<

"Nakatingin ako sa mga mata nila.. Alam kong sa likod ko sila nakatingin.." Pinisil niya yung mukha ko. "Totoo bang walang nanliligaw sayo? Parang imposible naman eh!"

"W-wala ano!" Umiwas ako ng tingin at saka nagsimulang maglakad. Iniwan ko siya.

"Sigurado ka?" Tumabi siya sakin. "Oh baka naman nanliligaw sayo yung Miyo na yun?"

"Ano ka ba, kuya! Kaibigan ko lang si Miyo!"

"Kaibigan! Kaibigan! Wooo! Tapos mamaya nanliligaw na sayo? I don't like that man."

Ayaw ko din kay Miyo noon.. Pero unti-unting gumagaan ang loob ko sa kanya. Nakakatuwa ngang isipin na kaibigan pala angturing sa akin ni Miyo. Kung tutuusin, si Miyo na mukhang gangster at basagulero ang kauna-unahang naging kaibigan ko sa schoool.

"But I don't think he's a bad person." Napangiti na lang ako nang maisip ko yung loko lokong yun. Teka, bakit ko ba iniisip si Miyo eh samantalang moment namin ito ni kuya? >o<

"Nagugutom na ako.. Tara na kumain." Nauna na siyang maglakad.

Nangyari dun? Parang bigla yata siyang sumama ang mood? 

Sumunod na lang ako sa kanya tapos kumain kami sa fast food na una naming nadaanan. Haha! Gutom na nga yata siya kaya pumasok na lang sa malapit na kainan. ^__^

Tahimik lang kaming kumakain nang may marinig kami.

"Artista ba sila? Grabe~ Ang cute naman ng couple na yun." Hindi naman siguro kami ang tinutukoy nila diba? At isa pa, hindi naman kami mukhang couple.

"Oo nga eh.. Ang sweet nila. Pareho pa silang naka color blue." Napatingin ako sa damit ko pati sa damit nya.

NAKA KULAY ASUL KAMI >////<

"Kuya, tayo ba ang pinag-uusapan nila?"

Hindi naman siya sumagot. Nakangiti lang siyang nagtaas ng balikat.

"Bagay na bagay sila. Aaaahh!! Nakakainggit naman sila!"

Natawa na lang si kuya tapos tumuloy na sila sa pagkain niya.

Matapos kumain eh inakbayan niya ako. Tumili naman yung mga babaeng ansa table namin. Waaaahhh! Kami nga yung pinag-uusapan nila! >/////<

"Ao ka ba kuya! Sinasakyan mo pa yung trip ng mga babaeng yun!" >o< Inalis ko ang pagkakaakbay nya sakin. Nagsimula na naman kamig maglakad. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta pero okay lang naman sakin.

"Natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sayo noong mga bata tayo?" Diretso lang siyang nakatingin. Ako naman ay nakatingin sa kanya na nagtataka. May sinabi ba siyang mahalaga noog mga bata pa kami? "Minsan.. iniisip ko pa din ang bagay na iyon." 

\

Seryoso lang siya..

"Ano ba yung sinabi mo nun? Di ko matandaan! Ang bata ko pa kaya noon!" >o<

He just pinched my nose. "Kung hindi mo na matandaan, malamang wala nga lang yun sayo." sabi nya sabay ngiti. "Tara sa Quantum?" Turo nya sa Quantum na nasa harap namin.

"Teka! Sabihin mo muna kung ano yung sinabi mo sakin noong bata pa tayo!" >o<

"Kapag natalo mo ako sa basketball. Sasabihin ko sayo."

==

VOTE and COMMENT

Ay-el-way KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon