Inanyayahan ako ng S5 na sumama sa summer'end party nila.
Wala na kasi akong balak sumama pa eh...
Masasaktan lang naman kasi ako sa twing nakikita ko sya..
Tanggap ko na mang wala na kasi kaming pag'asa...
paano ba naman kasi,
nilalayuan nya ako,,
inaangilan sa twing magsasalita ako..
binabara sa twing may sasabihin...
"Ma'am, asan ka ngayon?"
-Tall yun'
"Andito pa ako sa tutorial, bakit?"
"Pupuntahan ka sana namin sa bahay nyo ngayon.."
"Huh? bakit.."
"Wala lang, kailangan bang may rason?"
"Sorry Tall pero may trabaho pa ako.."
"Ma'am, text mo na lang ako pag'nakauwi ka na sa inyo huh.."
Hmmn, ano kaya ang dahilan at napasugod sila sa lugar namin?
Kapitbahay kasi namin si Colot,
klasmeyt nila..
Dali'dali nalang tuloy akong umuwi sa amin..
"Ma'am, punta kami dyan sa inyo"
-si Rudah naman..
"Wag, bawal ang mga dabarkads dito..
"Eh di pumunta ka na lang dito.."
"Kina Colot pa ba kayo?"
"Oo, Ma'am... pupuntahan ka daw namin if hindi ka pupunta dito"
V(^__^)V
Lagot nah!
Bina'black mail pa talaga ako ng mga estudyante ko..
Nagpaalam lang ako kina mama tapos tumungo na ako kina Colot..
Nasa labas pa lang ako ng marinig ko ang tawa ni Yayabs...
hahay,.nakakamiss ang tawa nyang yun!
Lilihis nalang sana ako ng landas kasi na'fefeel ko na hindi maganda ang dulot ng presensya ko roon.
Saka naman lumabas si Colot..
"Ma'am, pasok ka.."
Hinila nya pa talaga ako papasok...
wala na, tumahimik ang lahat pagdating ko.
Ganito mga mukha nila oh..
:)
:)
(^_^)
(^_^)
Pero mukha ni yayabs, ganito oh!
(0_0)
"Magandang gabi"
-bati ko sa lahat..
Tapos nakiumpukan na ako sa kanila.
Pinag'uusapan pala nila ang tungkol dun sa outing.
Nakikisabay nalang din ako sa kanila.
Namiss ko rin yung makasabay ang S5,
medyo iwas mood kasi ako sa kanila nung naghiwalay kaming dalawa.
Umiiwas ako.. kasi alam kong andun din sya.'
