'La Eh, Miserable

354 11 15
                                    

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

...Walang katapusang patak ng mga luha ang muntikan nang tumunaw sa basang-basa niyang unan. Matama niya lamang pinagmamasdan ang mga libreng espasyo sa kanyang kuwarto, para bagang ngayon na ang huling pagkakataon na masisilayan niya ang mga ito. Masakit. Nakasasawa. Ayaw na niya ng ganitong pakiramdam.

Miserable lang kasi talaga, kaibigan.

Patuloy pa rin ang pagpatak ng kanyang mga luha. Hindi niya alam kung paano at kailan nagsimulang salakayin ng mga magaganda ngunit punong-puno-ng-kalungkutang mga krystales and kanyang namumulang pisngi. Hindi niya maalala kung bakit napakamiserable niya sa kasalukuyan. Ramdam niyang parang malapit na siyang tuhugin ng mga bagay na nakapalibot sa kanya—iiwan siyang durug-durog at gutay-gutay ang laman sa kawalan. Tila ba nakasara lamang ang kanyang isipan at bukas na bukas naman ang kanyang pandinig sa mga masasakit na bagay na sinabi sa kanya ng iba. Malapit na siyang takasan ng puso nito—iiwanan siyang lagot ang hininga. Pero hayaan na natin siya...

Miserable lang kasi talaga, kaibigan.

Bigla niyang naalalang patapon na pala siya simula pa noong una. Isa siyang damo, damo na madaling hampasin at alisan ng ugat ng hangin. Siya iyong tubig sa talon—pabagsak at lumalagapak sa ibaba. Siya iyong tipo ng papel na madaling punitin at lukutin, na madaling yurakan ng iba. Marupok siya, madaling mabasag, kagaya na lamang noong mga tasang gamit niya tuwing kailangan niya ng mainit na kape. Hindi siya importante, kumbaga sa palabas, ekstra. Isa siyang tulang nakababagot, hindi maganda, hindi nakaaakit basahin, patapon kung iisahin. Sira na siya, sirang-sira. Pero teka, huwag nang mag-abalang patahain pa, hayaan na lang natin siya...

Miserable lang kasi talaga, kaibigan.

Sa hindi maintindihang kadahilanan, hininto niya ang kaniyang pag-iyak. Bumalikwas siya mula sa kaniyang kinahihigaan, itinapon ang basang-basa niyang unan sa kung saan, atsaka nagsimulang gumawa ng mga hakbang.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

... Atsaka niya tinungo iyong tukador na malapit lamang sa kanya. Tila nangislap ang kanyang mga mata nang makakita siya ng isang botelya na nakatumba sa pinakamalayong bahagi ng sisidlan. Dali-dali niyang kinuha ito, binuksan atsaka inamoy ang laman. Para bang hipnotismo ang dala-dala ng mumunting boteng ito—mapag-anyaya. Hinayaan niyang maglapit ang kanyang bibig atsaka ang bunganga ng botelya, na naging dahilan upang himasukin at sirain ng makamandag na likido ang kanyang sistema, dahilan upang bumagsak ito at tuluyan nang malagutan ng hininga. Sa isang pitik, isang iglap, kagaya na lamang niyang walang buhay ang mga bagay na kanyang inihahalintulad sa sarili. Wala na nga siya, ngunit hindi sa mapayapang paraan at hindi rin naman sa pamamaraang kabaligtaran nito. Hanggang sa kahuli-hulian niyang hininga, hindi pa rin siya masaya, unfulfilled pa rin kumbaga. O, teka lang, huwag na siyang sisihin, hayaan na lang natin..

Miserable lang kasi talaga ako, kaibigan.

x x x

A: Sensya na dito, nakalkal ko lang sa bag ko. Nasulat ko pala ito noong mga panahon na sobrang lungkot ko. English ito talaga pero ginawa ko na lang Tagalog dito para mas dama. Hahaha. Oo na, wala lang 'yang kwenta. Lels.

Dedicated kay Ate xmeimeix kasi sobrang ganda ng mga gawa niya. Idol!

'La Eh, Miserable (Maikling Kuwento)Where stories live. Discover now