♔Forbidden 3♚

5.7K 183 1
                                    

Rika's POV 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Rika's POV 

Hating gabi na pero nandito pa rin ako sa may field naglalakad lakad. Of course dahil yun ang kailangan ko bago matulog.

Naupo ako sa isang napakamilyar na lugar, lugar dito sa academy na kahit na anong gawin ko at kahit anong pilit ko ay hindi ko malimutan.

Ang lugar kung saan sya namatay. Ang lugar kung saan nawala ang isa sa taong pinakamahalaga sakin, kinatatakutan ko ang gulong yun. Ang digmaang yun pero mukhang mauulit na naman.

Bumuntong hininga ako at saka tumingin sa kawalan. Noong una ang gusto lang naman namin ay ang magkaroon ng normal na buhay, normal na school, normal na pamilya. Pero malabong mangyari yun.

"Miyu okay ka na ba jan?" parang tanga man pero wala eh gusto ko syang makausap kaya nandito ako sa grave na ginawa namin kung saan sya nawala.

Hindi man namin sigurado kung buhay pa ba talaga sya o patay na pero kasi wala na daw talagang pag asa na mabuhay pa si Miyu. Even lolo cant resurrect her. She's the chosen one for holding the forbidden spell, she used it just to save us but it will be go for nothing.

The next war is coming and we're not yet ready. Marami din ang namatay samin at marami din ang hindi sasali sa digmaan. Kahit nanjan ang Mint Academy para sa mga weapons namin hindi pa rin sapat.

"Kung hindi ka okay magpakita ka na lang samin" ang creepy ata "Joke lang pala. Pero Miyu sana maging masaya ka kasi kami? Pinipilit namin na maging masaya para sayo. Oo alam ko sasabihin mong maging masaya kami para sa sarili namin pero parang malabong mangyari yun"

"Mi-"

"Rika?" Napatingin ako sa nag salita at ibinalik sa puntod ni Miyu ang paningin ko "May problema ka ba?" Umiling naman ako bilang sagot "eh bakit ka nandito?"

"Wala lang masama ba? Naku Renji tigilan mo ko"

"Ayoko nga"

"Whatever"

"Ang hirap no?" Napatingin ako kay Renji "Kahit years na ang hirap pa rin tanggapin na wala na sya satin" tapos tumingin sya sa langit "Ang babaeng mahirap pakisamahan pero pag nakilala mo gugustuhin mong protektahan."

"Pero di natin nagawa" sabi ko sa kanya at yumuko, naiiyak na naman ako. "Kung titingnan natin akala mo sya ang prinoprotektahan natin pero ang totoo sya ang pumuprotekta satin!"

Parehas kaming napabuntong hininga at saka tumingin sa langit, ito yung view na pinaka gusto nya dito sa Twelve Academy ang view na kita ang milky way.

"Kesa mag iiyak ka jan bakit kaya hindi tayo magtraining? Walang nagamit ng training room ngayon"

Napangiti naman ako sa suggestion nya. Tumayo ako at sinundan sya. Sa aming natira apat kami ang mahilig magtraining combat. Ako, si jaja, Renji at Vinle. Naging glaive master na si Vinle dahil sa pag iinsayo nya.

"Naalala ko tuloy noong unang ang sanay natin" pag oopen nya habang sinusummon ang air blade nya. Napangiti ako.

"Yun ang araw na nagawa natin ang infinite technique hindi ba? Sino nga bang mag aakala na makakaya natin yun" naiiling na sabi ko at sinummon ko na rin ang crimson sword ko.

Nang buo na nagmaterialize ang sword namin ay agad kaming sumugod sa isa't isa. Kapag kaming dalawa ni Renji ang naglalaban walang nakakapag sabi kung sino ang mananalo o ang matatalo dahil minsan kapag nagtatama ang espada namin ay lumalakas ang apoy ko minsan naman humihina at minsan nauubos ang oxygen kaya tabla.

Sumugod ako at agad naman syang napalibutan ng hangin at ganun din ang ginawa ko pinalibutan ko ang sarili ko ng blue flame. I cant make a red one hindi ko alam kung bakit.

Habang nagtatama ang espada namin naramdaman ko ang hangin sa kanang tagiliran ko kaya naman agad kong sinipa ang kamay nya. Alam ko na yang mga ganyang tactic pero hindi ko alam may kasunod pala yun tumilapon ako ng tumama ang kaliwang kamay nya sa tagiliran ko.

Huminga ako ng malalim at saka sya tiningnan at kinuha ng apoy ko ang oxygen na nasa paligod pero imposible hindi sya makahinga he can make his own oxygen anyway.

"Stop"

Nawala lahat ng apoy ko ng may magsalita at halos hindi ako makagalaw sa nakikita ko. Is that you miyu? Halos naiiyak na lumapit ako sa kanya pero nawala din lahat ng marealize kong namamalikmata lang pala ako mas lalo akong naiyak.

"Pasensya na Mina may namimiss lang ang isang to" hindi ako nagsalita at tumayo na lang ako at pinunasan ang luha ko "Okay ka na Rika?" nag nod ako.

"Bakit ka nga pala nandito? Saka oras na para matulog ah. Ops kami rin pala. Pero seryoso bakit?" tanong ko at tumayo naman sya ng maayos.

"Hindi po kasi ako makatulog kaya naman naglakad lakad na muna ako tapos may nakilala ako sa labas" then lumabas ang apat na lalaki. Nganga. Ang gwapo ng dalawa at ang cool ng isa.

"Sino kayo?" tanong ni Renji habang inaayos ang sarili nya "Bakit kayo nandito?"

"Pinadala kami dito para tulungan kayo sa susunod na digmaan at kaya kami nandito sa mismong lugar na to ay dahil nakaramdam kami ng malakas na kapangyarihan" sabi ng lalaking halos kaedad namin.

"Sa inyo ba galing yun?" tanong naman ng lalaking blonde ang buhok, nagkatinginan kami ni Renji at nag nod.

"Mukhang hindi ata ako mabobored dito" sabi naman ng lalaking cool. Nagkibit balikat ako.

"Pasensya na pero hindi ako pwedeng magtiwala basta" sabi ko at inilabas ang crimson flame ko naaliw naman ang itsura nila pero napasimangot ng itutok ko sa leeg nila ang espada ko. Nilayo naman ni Renji si Mina na halatang natataranta "Ayoko ng kasinungalingan. Sino kayo at ano ang kailangan nyo?"

Nagpakawala ako ng presensya na ang mismong mga kaibigan ko lang ang makakaramdam at maya maya pa ay nandito na sila.

"Wow." nakangiting sabi ng nakablonde.

"KAMI NA NGA TUTULONG KAMI PA BA MAPAPASAMA?"

"Huwag kang sumigaw"

Thats it. Si Chiaka lang ang nakapagpafeel sa kanila ng pagkakaroon ng respeto. Si Jaja or si Chiaka kasi ang magaling sa ganito.

"Sasabihin namin kung sino kami kung idadala nyo kami sa Twelve Phantom" sabi naman ng lalaking halos kaedad lang namin.

Napatingin kami sa babaeng pinagmumulan ng tunog ng takong at napafacepalm naman ako ng makita si Jaja.

"Ano to?" tapos tumingin sya sakin at sa mga lalaki "Sabihin nyo sino kayo?"

"Sinabi na nya di namin sasabihin kung sino kami kung hindi nyo kami ihahatid sa Twelve Phantom"

"Anong kailangan nyo kila lolo?" tanong pa ni Jaja at napatindig naman sila ng maayos.

Kita? Si Jaja at si Chiaka lang talaga may ganyang kakayahan. Pero anong kailangan ng tatlong to? Sino sila? Wala akong nararamdamang nakakatakot sa kanila at feeling ko mapagkakatiwalaan sila pero hindi pa rin pwede palinlang.

Twelve Academy 2: Forbidden Queen ♚complete♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon