Pero bago ako matangay sa pagpapantasya ko kay Mico ay dapat ko pang klaruhin kung ano yung okay ni Kuya. Nagtaka kasi ako dahil pagnagkibit-balikat okay na agad?
“What does he mean?”, bulong ko kay Mico. Well hindi ko naman kailangang bumulong talaga dahil wala namang point para bumulong ako pero mas type kong bumulong kasi ang bango niya in other words tsansing ang ginagawa ko ngayon.
Pero hindi niya ako sinagot bagkus ay tumayo siya.
“Hey where you going?”sita ko sa kanya.
“Club, we have a meeting remember?”masungit niyang sabi sa akin. Napatampal ako sa noo ko. Ay oo nga pala.
Kaya dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko habang sumunod sa kanya pagkatapos kong magpaalam kina Mikee at Mico na para bang ang seryoso ng pinag-uusapan.
“Naku patay tayo nito Mico, baka late na tayo bago pa naman daw ang President natin at sabi nila masungit daw kaya tayo nab aka umuusok na ang ilong niya ngayon.”, natatarantang sabi ko sa kanya. nawala sa isip ko nab aka kilala ni Mico ang sinasabi ko pero sabi naman ni Jenica na humngi ng sorry sa akin na may bago daw president ang club at ayon sa usap-usapan ay masungit daw.
After 5 minutes naming paglalakad ay narating na din namin ang music building and we received a questioning look galing sa mga myembro ng club.
“Are we already late? Kasalanan mo ito baka pagalitan tayo ng President natin” bulong ko kay Mico and he just give me a smirk.
“Sino bang President natin para makapag-sorry naman ako.”, kalabit ko sa kanya.
“Find your seat”,utos niya sa akin.
Pero dahil sa makulit talaga ako ay hindi ko siya tinantanan.
“I need to say my apology? Sino nga?”, hindi pa ako nakuntento at hinawakan ko pa ang laylayan ng t-shirt niya.
Saka naglakad siya papuntang gitna habang ako ay nakahawak sa damit niya na parang bata.
“Okay say your sorry then”
“Nino?”nagtataka ako dahil nakita kong nakaupo silang lahat kaming dalawa lang ni Mico ang nakatayo. Then I realized something. Siya ang sinasabi nilang masungit na Presidente.
“Hehehehe I will now find my seat Mr. President” sabi ko sa kanya saka nagmamadaling umupo.
Nakita kong lihim na tumatawa ang ibang member ng club.
“Is everbody here?” seryosong tanong niya.
Bakit ang gwapo niya pagseryoso siya?
Napukaw ako sa pagkatulala ko ng kalabitin ako ni Ate Monique. Isa sa mga seniors.
“Phoebe sit here baka masita ka pa ng masungit, strikto at mas mahal pa sa gasoline ang ngiti na Presidente natin.”
Ngumiti na lang ako nang nakaupo na ako saka nakinig sa gwapong President naming and I realized something ayaw ko talaga siyang maging guardian.
Ayaw ko ngang mapalitan ang title ng story naming dalawa into “Seducing my Guardian”.
Ayoko talaga, eh kayo gusto niyo ba?
######
A/n
Produkto ng sabaw kong utak... pagtiyagaan po ninyo ito @YramNeube
At sa mga gustong magpadedicate comment lang po kayo sa ibaba para sa request ninyo.. salamat po...
on the side..... the soon to be guardian ni Phoebe?
~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
Scene 11
Magsimula sa umpisa
