Hindi talaga pwedeng magduet silang dalawa. Makabasag-tenga kasi ang tandem nila.
At teka bakit silang dalawa ang nagreact? Di ba ako dapat?
“Kuya what do you think of me a grade schooler na kailangan pang may guardian? I can handle myself well.”
“Yah right Phoebe hindi ka na grade schooler but you are new her. I need to be at peace habang wala ako dito at sila Mommy.”
Oo nga pala Mom and Dad are planning to have their honeymoon, 3 months honeymoon.
“Mico won’t be feeding you like your nanny but he will be the one to update us your school activities at siya rin ang dapat sabihan mo sa mga problema at kakailanganin mo dito sa school.”
“Duh Kuya wala bang skype o telepono para matawagan ko sina Mommy o di kaya ikaw?”
“Duh Phoebe, mapapalo ka ba namin sa Skype at telepono?”, napahagikhik si Ate Sam sa paggaya ni Kuya sa akin.
Pero hindi ako pwedeng humagikhik din. May problema ako sa ngayon.
Seriously? Mukha bang kailangan ko ng guardian?
At teka bakit si Mico?
Ito namang si Kuya imbes ilayo ako sa tukso ay siya naman ang nagpapalapit sa amin.
“Kuya naman I can take care of myself promise.”
“That’s what you told Dad back in states but what happened?”, natigilan ako sa sinabi ni Kuya. Pinilig ko ang ulo ko para hindi na maalala ang pangyayaring iyon.
Imbes na makipag-argue pa ako kay Kuya ay siniko ko ng mahina si Mico na bumalik sa mga unggoy niya.
“What?” paasik na tanong nya sa akin.
“You say NO to KUya.”, bulong ko sa kanya.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang nagkibit-balikat.
“Say NO!”, mando ko sa kanya.
Again he just shrugged.
“Are you two done discussing about it?”, pukaw sa amin ni Kuya na malamang ay napansin ang pagbubulungan naming dalawa.
Hinintay ko si Mico na sumagot sa tanong ni Kuya at nanalaki ang mata ko ng nagkibit-balikat na naman siya.
Ano ba ang nasa balikat niya at ginagamit niya ngayon masyado?
“Okay then”, sabi ni Kuya sabay hawak sa bewang ni Ate Sam na ngayon ko lang napansin na nakatayo na pala atsaka nagpaalam silang dalawa kasama nina Ate Nica at Kuya Marky. May double date pa yata. Gusto ko tuloy yayain si Mico para magtriple date kami.
ESTÁS LEYENDO
Si Introvert at Extrovert
Historia CortaStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
Scene 11
Comenzar desde el principio
