Prologue:

22.2K 555 87
                                    


...

Prologue

Phytos

"Magandang araw ,sir Phytos, hinihintay po kayo ni sir Rojan sa swimming pool." Bati sa kanya ng isa sa mga kasambahay, kahit naman hindi sabihin sa kanya ay alam niya na kung nasaan ang kanyang kaibigan. Tinungo niya ang pool at nakakita niya nga ito doon na nakahiga , ang ulo ay nakaunan sa braso nito at ang paa hanggang binti ay nakababad sa swimming pool. Ang mga mata nito at nakatingin sa langit. Baliw talaga. Nalulunod na naman sa malalim na pag-iisip. Hinubad niya ang suot na slipper at ginaya ang pwesto nito.

"Nandoon na siya ngayong oras no?" tanong nito sa kanya.

"Oo, tumawag na si ate sa amin, nasundo na siya nina tita Shy at tito Mir." Sagot niya sa kaibigan. Hindi niya talaga sukat akalain na may gusto talaga ito sa ate niya, noong una kasi ay kumikilos lamang ito para daw inisin ang kuya Ron nito..,bandang huli nagtapat na ito sa kanya. That was three years ago. Hindi niya iyon malilimutan kasi iyon ang araw na tinanong siya nito kung payag daw ba ito na maging bayaw siya? Syempre hindi siya pumayag agad, kahit pa magbestfriend sila.

"Paano kita mapapayag?"

"Pasuntok ka muna sa akin, wag kang iilag...kapag nasuntok kita sa mukha payag na akong maging magbayaw tayo!" alok niya dito, pinatunog niya ang mga kamao, nakita niya pa ang sunod sunod na paglunok nito.

"Sige, pero sa left face ko na lang, best angle ko ang kanan eh."

"Na mimiss ko na agad siya." Maarteng sabi nito. He knew the feeling, iba talaga ang pakiramdam kapag nangungulila ka sa babaeng mahal mo. Ang kanya naman ay nasa Japan, malaking isyu naman para sa babaeng gusto niya ang edad nila. Pitong taon lang naman, mayroon nga dyaan 40 o higit pa ang agwat pero hindi nagiging hadlang. Kailan niya kaya maipapamukha kay Aki na numero lamang ang edad? Hindi na siya makapaghintay na tumanda, sumapit lamang siya sa tamang edad, talagang gagawin niya ang lahat para maging totoo silang dalawa. Si Aki lamang talaga ang gusto niya, mula noon , ngayon at hanggang sa hinaharap.

"Mahirap kasi na ang dahilan ng pag-alis ng ate mo ay ang kuya ko pa, kuya ko pa ang kalaban ko sa kanya. Nakakainis talaga, bakit hindi ako ang unang ipinanganak?" Inis na wika nito.

Tumagilid si Phytos para humarap dito.

"Kung mas nauna kang pinanganak, baka hindi tayo maging magbestfriend, baka ang bestfriend ko ang kuya mong abnormal." Reklamo niya.

Bumangon naman si Rojan, tumingin sa kanya.

"Oo nga no, ang boring ng buhay mo , imbes na may kasama kang nanonood ng bold, nagbabasa ka ng libro kasama ni kuya."

"Exactly!" nabigla sila na may mahulog na mga baso sa kanilang gilid. Nakatayo doon ang kasambahay nina Rojan na bago pa lamang. Napasusmaryosep pa ang babae saka dinampot ang mga nahulog na inumin,nagpaalam itong umalis para kumuha ng bago.

Naupo na rin si Phytos, nagtawanan silang dalawa habang iniisip ang nabiglang hitsura ng kasambahay.

"Lagot ka isusumbong ka noon sa daddy mo, ang daldal mo kasi!" sinisi niya ito dahil hindi malabong maikwento iyon sa iba at ikukuwento sa mayordoma ng pamilya.

"Kung kay daddy ikukuwento, tatawanan lamang ako noon, pero kapag kay honey, nakakahiya." Pinamulahan pa ito ng mukha, hindi niya na ikukuwento kung anong grade nila napagkatuwaan na manood ng bold, hindi niya ikukuwento na noong grade three sila noon na minsan silang nagkaroon ng family trip ang Castro at Romualdez. Hindi niya ikukuwento na ang ginamit nila ang laptop ng kuya Ren ni Rojan. Hindi niya talaga balak ikwento.

"Alam mo, narealize ko, siguro masyado talaga tayong gwapo, hindi nila kaya ang kagwapuhan natin kaya iniiwan muna nila tayo,pero sa huli babalik din sila sa atin...malay mo pagbalik ni ate ikaw na ang gusto niya, kasi tatangkad na tayo noon, magiging perfect na ang katawan natin." Pinakita pa ni Phytos ang daga sa kanyang braso, yun daw ang tawag doon.

Sonic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon