"Thank you" sarcastic na sabi niya

"Youre welcome" sarcastic din na sabi ko tapos nag rolled eyes.

"Bwesit! Maka alis na nga!" Padabog na sabi niya. Akmang aalis na siya agad ko namang hinawakan ang braso niya. Inis naman siyang humarap sakin.

"Problema mo!?"

"Iiwan moko?"

"Oo bakit? Ikaw lang ba ang pwedeng mag iwan? Ano ka sinuswerte--"

"Tara na nga! Daming satsat eh!"

---

Hayoung's POV

Habang nag lalakad kami. Naka akbay saakin si Jimin. Buti hindi na nangalay eh. Ang laki pa ng ngiti niya.

"Ang sweet nila noh?" Girl 1

"Oo nga eh! Ang cute nila. Maliit tapos matangkad. Parang mag kapatid lang sila" girl 2. Oo ate eh okay na sana yung sinabi mo kung wala lang yung "magkapatid lang sila" psh.

"Alisin mo muna kaya yang pag kaka akbay mo? Hindi ka ba nangangalay? Ang tangkad ko tapos ikaw ang lii--"

"Hindi. Mahal kasi kita" sabi niya tapos nag wink. Okay ako na ang kinikilig.

"Asus"

"Asus, diba yun yung brand ng cellphone? ASUS" Waley.

"Ah? Ha-ha-ha. Tatlong tawa para sayosabi ko. Nag pout naman siya. Nyeee! Kyeopta! Inalis niya naman yung pag kaka akbay niya saakin. Whoo~buti na la-- nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko. HHWW na ba itey? OMG!

Pumasok na kami sa botique tapos....

"Buy anything you want" sabi niya tapos ngumiti. Yiiiee~ yaman naman neto. Ang mahal kaya ng botique na pinasukan namin.

"Kahit ano?"

"Yep. Anything bahala ka na muna dyan. Doon nalang ako sa men's section" sabi niya tapos tumango ako.

Ang gaganda Naman nga mga damit dito. Ano kaya ang bibilhin ko? Tignan nalang natin hehehe. Anything daw eh. Edi anything.                              

Pumunta ako sa mga shorts. Ewan ko ba. Dito ako mismo dinala ng mga paa ko eh.

"Yes Mam? What Can I Do For You?" Tanong ni ateng sales lady.

"Uhm, meron ba kayong high-waisted-line na short? hehe. Yung kulay black ate ha?"

"Meron po. Ano pong size ng bewang niyo?"

Teka ano nga bang size ng waist ko?

Skool Luv Affair (BangtanPink)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora