Stage 1

127 27 48
                                    

Stage 1
Three Years Ago

"Pare, anong ginagawa natin dito?" Tanong ko nang marating namin ang tapat ng unit ni Yuno sa fifteenth floor ng condiminium nito. Ayaw kong isiping may masamang plano sila kay Yuno dahil ako ang makakalaban nila.

"Ano ka ba naman Ren! Huwag ka ngang masyadong tensyonado. Maglalaro lang naman tayo." Nakangising sagot ni Shiro habang kinakalikot ang doorknob na naka-lock. Ilang saglit lang ay bumukas na ito at pumasok kami sa loob.

Galit na ini-lock ko ang pinto at kaagad na kinuwelyuhan si Shiro. "Hayop ka! Anong plano mong gawin kay Yuno?"

"Huwag mong sabihing 'kayo' dapat 'tayo'."

Hindi na ako nakapagpigil at nasuntok ko na siya. Pumutok ang labi niya. Binalak niyang gantihan ako pero pinigilan na siya ng mga kasama namin.

"Let's stop this. Umuwi na tayo." Sabi ko at tinalikuran sila.

Lumapit ako sa pinto at pinihit ang doorknob. Pagbukas ko ng pinto ay ang nanlalaking mga mata ni Yuno ang sumalubong sa'kin. Bago ko pa siya mabalaan ay nabalya na ako ni Shiro at tumilapon sa sahig kasabay ng paghablot niya kay Yuno.

Hindi na ako makatayo. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa noo ko. Hindi ko na alam kung saan ba tumama itong ulo ko. Bigla na lang umikot ang paningin ko.

Galit, ito ang bumabalot sa akin ngayon. Nagagalit ako kay Shiro at sa sarili ko dahil hindi ko manlang nagawang ipagtanggol si Yuno.

Ibinalibag ni Shiro si Yuno sa pader habang tinitignan ang kabuuan niya. Pinilit kong tumayo pero hindi na kinaya ng katawan ko.

Wala akong magawa kung 'di umiyak dahil ako ang nasasaktan sa nangyayari sa taong mahal ko.

Nanlalabo man ang paningin ko pero kitang-kita ko pa rin kung paano nila halayin at abusuhin ang katawan ni Yuno. Pero anong ginagawa ko? Umiiyak sa isang tabi habang ginagahasa siya ng apat na demonyo: Shiro, Ash, Taro, at Ken.

"Yuno!" Napabalikwas ako ng bangon habang habol-habol ang hininga ko. Napanaginipan ko na naman ang eksenang 'yun. Napanaginipan ko na naman siya.

Tatlong taon na ang nakalilipas simula ng mangyari ang trahedyang iyon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan. Pagkatapos ng krimen ng gabing iyon, kumalat sa buong campus ang picture ni Yuno na hubo't hubad at dahil dito ay nasira ang reputasyon niya bilang presidente ng student council na siyang ginagalang ng lahat. At hindi na rin siya muling pumasok pa at hindi na nagpakita kahit kanino. May ilang nagsabi na sinundo siya ng pamilya niya dito sa Pinas at dinala sa ibang bansa at mayroon din na naging baliw raw siya. Ewan ko, hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.

Napapunas ako ng luha at tuluyan ng bumangon sa kama ko. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig at pagbukas ko ng ref ay wala na itong laman. Tanging ang isang pitsel lang ng tubig ang nandito. Napabuntong-hininga na lang ako kasabay ng pagsalin ng tubig sa baso at pag-inom dito.

Tinignan ko ang relo ko. Maaga pa naman. Alas otso pa lang. Marami pang mga bukas na grocery stores. Nag-jacket lang ako at lumabas na ng aparment.

TAHIMIK NA nakatayo ako sa tapat ng pedestrian lane habang hinihintay na mag red ang stop light. Tapos na akong mamili at pauwi na. Nagsimula na akong maglakad ng huminto na ang mga sasakyan kasabay ang iba pang taong nandito.

At dahil may mga pasalubong na naglalakad, hindi ko naiwasan ng mabangga ako ng isang babaeng nagmamadali. Buti na lang at hindi nalaglag ang mga bitbit ko dahil mahihirapan akong pulutin ito isa-isa.

"Sorry, nagmamadali lang ako!" Sabi ng isang pamilyar na boses na kaagad na nagpalingon sa'kin.

Pero nahuli na ako at buhok na lang ang nakita ko sa kaniya. Pero hindi ako maaaring magkamali. Sigurado akong boses 'yun ni Yuno. Nagbalik siya!

Loving YunoWhere stories live. Discover now