23

5.5K 126 22
                                    

Hindi maintindihan ni Anne kung paano nagawa ni Vice na marating, kung ano man ang narating na nito ngayon.

Isa ito sa pinakamasipag, at pinakatamad na taong kilala niya. Masipag kapag depress at tamad naman kapag masaya.

Kagaya ngayong araw.

Ang tamad tamad gumalaw ni Vice dahil sa kung anong kadahilanan e masaya ito.

At hindi iyon pupwede kay Anne, dahil may bago silang kliyente ngayon at kaylangan niya ng tulong kung gugustuhin nilang makapagclose ulit ng panibagong deal.

Napag-isipan niyang puntahan si Vice sa kanyang opisina para alamin kung ano ba ang dahilan ng kasiyahan nito.

"Well, well, if it isn't Vice spinning in his chair grinning like an idiot."

"She loves me!" ang sigaw ni Vice pagkapasok na pagkapasok palang ni Anne ng pintuan. Tumayo ito at nikayap ang kaibigan. Si Anne naman na nagulat e tinulak siya.

"Come again?"

"She loves me!" Anne hardly had time to process that information when she noticed the presence of the ring on Vice's finger.

Her jaw dropped and she pointed.

"Ikaw...sinusuot mo na ulit..." tumango lang naman si Vice.

"Oo! Mahal niya ako e!" naupo si Anne, gulat na gulat, pinapanuod si Vice na sumasayaw sayaw at kumakanta kanta sa may loob ng opisina niya. She would have laugh. Tatawanan niya sana si Vice at sasabihan kung gaano siya nagmumukhang tanga ngayon sa pinaggagawa niya. Instead, sinusubukan niyang i-sink in sa sarili ang lahat ng mga narinig niya.

"Wait...wait, so she loves you? Does she know? Does she remember?" tanong ni Anne. Tumawa lang ulit si Vice.

"Nope! She just loves me again!" he replied.

"Maupo ka nga. Kailangan mong ikwento sa akin ang buong pangyayari." utos ni Anne. Si Vice naman na excited magkwento e naupo at pinaikot ikot ulit ang inuupuan. Sinimulan niya ang pagkwekwento at si Anne naman ay tahimik na nakikinig. Ang katapusan ng kanyang kwento ay ang paggising niya ng umaga sa tabi ni K.

"So hindi mo pa sinasabi sa kanya. Pero sinusuot mo na ulit yung singsing ngayon."

Tinititigan ni Vice si Karylle na natutulog, pero kagaya ng mga normal na tao ay may trabaho pa siyang kaylangang pasukan. Tumingin siya sa orasan at nagpasya na panuorin pa si K na matulog for five minutes kapalit ng breakfast niya. Nang natapos na ang five minutes ay dahan dahan niyang sinubukang alisin si K sa pagkakaunan sa braso niya pero nagising parin ito.

"Mmm...Vice?" she mumbled. Kiniss siya nito sa cheeks bago tumayo sa pinagkakahigaan.

"Hey, maaga pa. Matulog ka pa." ang sagot ni Vice. "Pero kaylangan nating mag-usap mamayang gabi ha?" iminulat ni K ang kanyang mga mata at tumingin kay Vice.

"Tungkol san?"

"Tungkol sa maraming bagay." ito ang kanyang sinabi kahit na may isang bagay lang naman talaga ang nasa isip niya. "Tungkol sating dalawa." naisip niya yung tungkol sa kasal. Naisip niya yung tungkol sa box na nakatago sa pinakailalim ng closet nila. 

There was no better time, or worse time as the case may be, to break the news to Karylle.

But she trusted him, and he needed to get it out there before it was too late.

"Okay." nag-inat si K bago bumalik sa pagtulog.

Sinigurado ni Vice na nakapikit si Karylle bago halukayin ang damitan nila. Naramdaman niya ang maliit na singsing na nakatago sa ilalim ng mga medyas. Kinuha niya ito ang isinuot.

Love me AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora