one shot

14 0 2
                                        

Kamusta kana kaya? Andami ko ng hindi alam sayo ah. Bakit ba tayo nagkaganto? Okay naman tayo ah. Nagsimula naman tayo ng magandang simula pero bakit tayo nagkaganto?

Nagsimula tayong mag-usap nung sinabe ko sa pinsan ko na gusto ko matutong magdrums. Dahil may band kayo, ayon ikaw yung nisuggest nya sakin. Natatakot ako baka kasi mataray ka. Pero sabi naman nya hindi. Nakwento mo nga sakin noon, nung sinabe yon sayo ng pinsan ko parang ayaw mo pa. Natatakot ka din kasi unang beses ka palang makakapagturo non. Pero nakita ka nalang daw ng pinsan ko na nililinis mo yung drum set mo. Kaya ayon payag ka na non.

In-add mo ko noon sa facebook. At don simula tayong nagchat. Unang chat palang natin. Puro kasalawan na. Saya mo kayang kausap 😂. Sabi ng pinsan ko, dati ginagalang mo daw sya. Tinatawag mo pa nga daw kuya yung pinsan ko pero dahil sa nakilala mo ko natuto mo na din asarin yung pinsan ko 😂😂. Sobrang bait mo naman kasi e.

Napag-isipan namin ng pinsan ko na pumunta sa bahay ng iba pa naming pinsan. Sabi mo sakin niyayaya ka din ng pinsan ko na pumunta don. Kaya umoo nalang din ako para maging kaclose na kita. So, pumunta na kami ng pinsan ko. Tinatanong ko kung pupunta ka sabi nya hindi nya daw alam. Kaya chinat kita. Tinanong kita. Sabi mo pupunta ka. Tas nahihiya ka pa non kung pano ka pupunta sa bahay ng pinsan namin. Sabi ng pinsan ko kaya yon nahihiya kasi parang nanliligaw daw sya pag ganon. So natawa nalang ako.

Tandang tanda ko non may dala kang fudgee bar kasi habang kachat kita tinanong mo kami ng pinsan ko kung anong gusto naming dalhin mo. Sabi naman fudgee bar pero ang dala mo yung vanilla favor 😂 eh ang expect namin ng pinsan ko chocolate.

Una nating pagkikita syempre hiyaan pa. Nakakatuwa lang. Yung sobrang close natin kapag nasa chat tayo pero nung nagkita tayo nagkakahiyaan tayo. Pero dahil mahilig tayong tatlo sa instruments nagjamming tayong tatlo.

Hindi lang pala drums ang alam mo e. Pati na din ang paggigitara. Ako naman yung taga-kanta nyo hahaha. Pero naggitara na din ako. Marunong din kasi ako. Sunod naman nating ginawa. Nagbasketball tayo. Sabi mo sakin dati ang galing ko daw magbasketball. Hahaha. So medyo haggard na tayo kaya nagpahinga na tayo. Kaya bumalik na tayo ng bahay ng pinsan ko.

Biglang sabi ng pinsan ko sakin magonline ako. Kahit magkasama kami, sa chat nya padin sinabe yung sasabihin nya hahaha. So nagonline ako. Nagchat pinsan ko sabi nya sa chat sabi mo daw sakin muka akong artistahin. Papicture daw. Natawa nalang ako. Kasi may pambobola pang nalalaman. So niloko ko pinsan ko chinat ko sabi mo pengeng pulbo. So kumuha syang pulbo tas yon. Don naganap yung 1st pic natin together. Hehe

Tas uwian na tayo. Pagkauwi ko gulat ko may chat ka agad. So narealize kong saya mo palang kasama kahit tahimik ka pa don sa gilid hahaha. Tas nagkita uli tayo nung sumunod na linggo. Yan medyo nagiging close na tayo. Tas nagchat uli pinsan ko na selfie naman daw. So don naganap ang 2nd pic natin. Tanda ko non may dala ka uling fudgee bar. Chocolate flavor na 😂

Tas sumunod na araw nagkita uli tayo dala mo naman choko choko kasi nakita mo na nagshare ako na isa ako sa mga mahilig ako don. Tas ayon may pang-asar din ako sayo na "kalabasa" kasi yung ilong mo shape ng kalabasa hahaha.

Tas ayon sunod sunod na tayong nagkikita. Mas naging close tayo. Tas nagkaron tayong tatlo ng pinsan ko ng cover ng oo by up dharma down. Ako yung vocalist, pinsan ko guitarist ikaw naman ginawa mong beatbox yung tabi ng gitara.

At dahil sa hilig mo kong pasiyahin lagi mo kong sinasabihan ng mga knock knock jokes mo na natatawa ako di dahil sa nakakatawa yung joke mo. Nakakatawa yung kacornyhan mo hahaha.

Tanda ko non. Graduation ng dalwang pinsan ko. Kaya pumunta tayo don. Una pinuntahan ko yung pinsan ko tas sabay ka naming pinuntahan sa bahay nyo. Hindi ka pa ligo non. Tas yon nakaabot naman tayo sa graduation. Tas nagpaparinig sayo tita ko na sana may magbigay ng cake. Tas sineryoso mo yon hahaha. Pero hindi cake yung binili kundi ice creeeeeeam. Tas pumunta kayo ng pinsak ko sa bahay tas kinain natin yung ice cream. At don nalaman mong pwede na ko magpaturo sayo magdrums. Unang araw ng pagtuturo mo sakin medyo nahihiya ka pa pero naturuan mo naman ako. Tas meron kaming pinsan na baby pa na bibinyagan at magcecelebrate ng 1st birthday. Edi pumunta kami syempre kasama ka. Ang galing mong makisama sa family ko. Ang bait mo. Ikaw lang yung hindi namin kamag-anak namin. Sabi namin sabihin mo sa tatay nung pinsan namin na anak ka nung isang tito namin na wala pa namang anak. Hahaha

I Want My Boy Bestfriend Back Stories to obsess over. Discover now