Napipilitang sumama ang dalawang bata para lumapit sa greeting area. 

"Tita Monica kailangan ba talaga ang placard na ito? Sa tingin mo ba hindi tayo makikilala nina Mimi pag nakita tayo?" nakasimangot na wika ni Arabella habang hawak at binabasa ang placard na may nakasulat na ' Welcome back Mr. and Mrs. Warren Tyler Gonzales'.

"Oo kailangan yan. Kasama sa script ang props na yan."

Natanaw ni Monica ang papalapit na si Chacha kasama ang sariling yaya nito. Punum-puno ang bibig nito habang hawak-hawak ang isang burger.

"Chacha! Saan ka ba nagpupuntang bata ka? Hindi ka ba talaga mapapakali hangga't hindi nakakanguya yang bibig mo. Halika na dito lumapit ka na at lalabas na sina Mimi mo. Ikaw naman Yaya Marie, huwag mong masyadong pinagbibigyan si Chacha sa hilig niyan sa pagkain. Alam mo naman yan ang pinakamagandang pamangkin kong babae, paano na lang ang pangarap kong maging beauty queen yan!"

"Hi Baby Laurence, gusto mo?" alok ni Chacha at sabay subo nito ng burger sa bibig ng bata.

"EEE! Huwag mong subuan yan niyan Chacha! Baka mainfect ang tiyan!" natatarantang awat ng binabae kay Chacha.

"Ang OA mo naman Tita Monica. Kailan kaya magagamot ang sakit mong yan," komento ni Arabella.

"Para maintindihan mo kung bakit OA ako, magpalit tayo ng pwesto. Ako ang maglalaro ng ipad at ikaw ang magbantay ng apat na bata. Ikaw natuto ka lang magkacrush, pati pagsasagot sa bakla natuto ka na rin!"

"Andiyan na sina Mimi' Didi!" bulalas ni Jasper habang itinuturo ang lumalabas na mag-asawa.

Nanlaki ang mga mata ni Lena nang makita ang mga sumasalubong sa kanilang mag-asawa. At namula ang mukha nito lalo pa't nabasa ang iwinawagayway na placard ni Jasper.

"Honey, nakikita mo ba ang nakikita ko?" naguguluhang tanong ni Lena sa asawa.

"Yeah, what's going on there?" nagtataka ring wika ni Warren habang hila-hila ang isang maleta.

"Naku sigurado akong ideya na naman ni Monica to."

Nagmamadaling lumapit si Lena sa mga sumasalubong sa kanila.

"MIMIIIIII!!!!DIDIIII!" sabay-sabay na sambit ng mga bata at isa-isang yumakap ang mga ito sa mga bagong dating.

Pagkatapos yakapin ng mga bata ay dali-daling kinuha ni Lena ang placard. " Ano to? Anong kaguluhan to bakit may mga ganito pa kayo? Anong akala niyo sa amin ni Warren, mga turista?" sunud-sunod na tanong ni Lena sa mga nakatatanda.

"Eh Ate Lena gusto lang naman namin kayong i-welcome back ng maayos," nakangiting paliwanag ni Monica.

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon