"Pag ginawa ko yan Tita Monica magiging singtangkad ba ako ni Lebron James?" excited na tanong ng batang lalaki.

"Ah-eh.." biglang napaisip si Monica dahil hindi niya kilala ang pangalang binanggit ng bata. " Mas matangkad pa dun!"

"Ah, kasingtangkad ni Kobe Bryant?"

"Mas matangkad pa dun!"

"Ah Dwight Howard?"

"Ah basta yun na yun! Ang hirap mong kausap pwede ka namang magbigay ng malapit-lapit na example gaya nina Japeth Aguilar o kaya James Yap, lumalayo ka pa masyado eh!" sabay baling naman ng atensiyon ng bakla kay Arabella. " Tumigil ka na diyan Arabella, kahit paulit-ulit mong titigan yang One Direction na yan diyan sa ipad hindi yan magkakaroon ng buhay at mag-aaparisyon sa harap mo!"

Nakasimangot na tumingin si Arabella kay Monica. " Bakit ikaw dati nga panay titig mo rin sa mga lalaki sa magazines? Pati nga pictures ni Didi lagi mo ring tinititigan dati."

"Puwes ibahin mo ako! I'm an exemption to the rule. Pag tinititigan ko ang litrato ng isang lalaki nagkakaroon ng buhay. Tingnan mo yang Didi niyo biglang nagkatotoo at nag-aparisyon, hindi nga lang sa akin kundi sa inyong Mimi.."

Nakuha ang atensiyon ni Arabella ng ayos ni Monica. Tiningnan niya ang binabae mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng malaking pang summer na sumbrero na may nakapulupot na polka dots na ribbon. Nakasuot din ito ng sunglasses, neon yellow na long sleeve na nakabuhol ang laylayan, floral printed na pantalon at kulay violet na peep heels shoes. May hawak din itong abanikong may iba't ibang matitingkad na kulay.

"Tita Monica ba't ganyan ang ayos mo mukha kang bakasyonista sa isang beach resort?" hindi nakatiis na tanong ni Arabella.

"Ganito talaga ang getup ng mga tourists," katwiran ng binabae habang pinapaypayan ang sarili.

"Tourist? Bakit saan ka ba pupunta? Susundo lang naman tayo kina Didi't Mimi ah..."

"Nasaan ba tayo ngayon? Di ba nasa airport pwes isang hakbang na lang malapit na sa katotohanan ng pangarap ko na makapamasyal sa ibang bansa kaya't iniinternalize ko na. Simpleng ayos pa lang ito, hintayin mo kapag talagang sasakay na ako ng eroplano! Mahihiya sa akin ang mga Victoria Secret's model na yan!" 

"Philippine Airlines flight 427 from Osaka is now arriving."

 

"EEE! Ayan na ang eroplano dumarating na! Tumayo ka na diyan Arabella at ikaw Jasper tumigil ka na sa bolang yan ha! Teka nasaan pala si Chacha?"

"Kasama si Yaya Marie nasa jolibee bumibili ng burger," sagot ni Arabella.

"Ano pagkain na naman? Yang batang yan simula ng tumuwid ang dila sa pagsasalita pati panlasa nasobrahan din ang tuwid. Nabawasan nga ang katakawan ni Jasper may pumalit naman. Halina kayo.  Ang placard Arabella huwag mong kalimutan!"

You Gave Me A ReasonKde žijí příběhy. Začni objevovat