Chapter 6: Gagawin ko ang lahat!

90 2 0
                                    

Anne

"Ang ganda ng kantang kinanta natin kanina noh?"

Sabi ko kay Luz.

"Oo nga eh ang ganda ng message..."

Sabi ni Luz.

"Maganda talagang pakingan ang Prayer of Rupert Meyer."

Singit ni Fr. Juarez na nasa Likuran pala namin. Dito sa puwesto namin sa choir. Nag-mano na lang kami.

"Anne pwede ba kitang maka-usap?"

Sabi sa akin ni Padre.

"Sige po pads."

At nag-usap kami di kalayuan doon sa puwesto namin.

"Gusto mo na ba talagang mag-quit?"

Tanong niya sa akin.

"Pads alam ko pong paborito niyo ako pero hindi ko na talaga matiis ang mga kasama ko diyan sa ministry na yan. Baka imbis paglilingkod sa Diyos ang gawin ko baka iba pa ang magawa ko!"

Pagkukumbinsi ko sa kanya.

"Huh, naintindihan kita Anne, pero hindi kase basta basta na ganito. Lalong ikaw ang pinaka-maayos sa kanila na mag-trabaho dito sa Simbahan. Pero nasa choir ka naman. Kaya ganito na lang, para tanggapin ko ang pag-reresign mo bilang usheret at flower decorator gusto kong may kahit isa, Kahit isa lang na umatend sa Voc Camp ng Sacred Heart Seminary. Isang lalaki lang na aayain mong umatend doon. At kapag may napa-attend ka. Your officially resigned in the ministries you involved with. Is that a Deal?"

Nako! May Deal pa pala toh? Ano pang magagawa ko. Kung ito lang ang paraan.

"Deal!"

Habang nasa daan naglalakad kasama ni Luz...

"Uuuuuuhhhhhh!!! Saan ako maghahagilap ng paaatendan ko ng Voc Camp na yan!"

Mangiyakngiyak kong sinabi kay Luz.

"Sus! Edi ayain mo si Kuya Gilbert o si Alvin yung kapatid mo. O isa sa Barkada, si Richmond!"

Sabi ni Luz.

"Si RICHMOND?!"

May pag-aalinlangan kong sabi.

"Why not?"

"Hindi kaya siya busy nun."

"Malay mo naman."

Iniisip ko na ang Voc Camp na yun ay tungkol sa pagpapari.

"Baka naman hindi siya pumayag"

"Kailan ba yang Camp na yan?"

"Ang alam ko one week after ng Holy Week."

"Eh hanggang ilang araw namam yun?"

"One Week yata"

"Hmmm..."

"Hmm"

Sa mga sumunod na araw ay nag-aya ako ng mga maaaya sa pinapaaya ni Padre sa akin...

*Kuya Gilbert*

"Pasensya na Anne ah bawal kase ako sa mga weeks na yan. May back to back concert kase akong aasikasuhin sa Choir namin sa school na gaganapin doon sa UST."

Back to back concert?!

*Alvin*

"Ano?! Sa Seminaryo kamo?! Ayoko nga!!!"

Mabilis na pagtangi agad ni Alvin.

"Eh subukan mo lang! Wala namang masama eh!"

Pagkumbinsi ko pa sa kanya.

"No Way!"

Fine!

"May gagawin pala kaming Music Video within this Week kaya magiging busy kami. Wala akong time sa mga ganyan."

Di wag! Di ka naman pinipilit eh!!! HMMMP!!!

*Ben*

"Ay naka-attend na ako niyan eh!"

"Attend ka ulit!"

"Nako, nag-Reready na rin ako para sa pagpasok ko ng Seminary eh."

Ok

(Video Call with Luz)

"Huhuhuhuhuh!!! Walang gustong umatend!!!  Anong gagawin ko?!"

"Bakit ka kase patol ng patol doon kay Fr. Juarez. Kung gusto mo talagang mag-resign. Edi mag-resign ka! Walang dapat pumigil sa'yo kahit siya!"

Sabi ni Luz.

"Mukhang may point ka nga doon ah. Bakit di ko kaya sabihin kay Pads. Na uy Padre! Pag sinabi kong gusto ko nang mag-resign mag-reresign ako! Pag sinabi kong ayaw ko na ayaw ko na!!!"

"That's the Spirit girl! Push mo yan! POWER!"

Ating tignan ang bagong Music Video na ginawa ng FIVEtastics! Na pinamagatang "Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako."

Sabi ng VJ sa MYX.

At biglang lumabas sila Xander, Matthew, Reyven, Alvin at si Richmond na kinakanta ang bagong kanta nila siguro. Sa kanilang Music Video.

At tumagos sa akin ang title at ang chorus na: Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako.

"Bess! I-check mo nga ang TV mo doon sa MYX, dali!"

Sabi ko kay Luz sa video call At sumunod nga siya. Nakita niya ang bagong Music Video na ginawa ng mga FIVEtastics.

"Ano toh?! Bagong music video nila?"

"Oo! Tignan mo, hindi kaya ginawa yan ni Richmond para sa akin? Para mapatawad ko siya?"

Pag-aassumed ko kay Luz.

"Oo nga eh! Di mo pa siya na-papatawad! Ilang araw na oh di mo pa rin siya pinapansin at nirereplyan. Mula nung nangyari 3 days ago na!"

"Oo nga noh siguro patatawarin ko na talaga siya. Hindi ko na patatagalin itong LQ namin dahil sa maliit na bagay lang."

"Ay nako sana matagal mo nang naisip yan. At kailan mo ko nakitang nagalit kay Alvin?  Siya nga tong may mas nagawa na kahihiyan kaysa kay Rich eh!"

Sa bagay may point ka rin naman doon Luz.

Pero diba nakalagay na:
GAGAWIN KO ANG LAHAT MAPATAWAD MO LANG AKO. 
Di kaya...
Hmmm...

*Triggered*

FLASHBACK: (Sa isipan ko...)

...tatanggapin ko ang pag-reresign mo bilang usheret at flower decorator gusto kong may kahit isa, Kahit isa lang na umatend sa Voc Camp ng Sacred Heart Seminary. Isang lalaki lang na aayain mong umatend doon. At kapag may napa-attend ka. Your officially resigned in the ministries you involved with. Is that a Deal?












One Call AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon