NAIA DOMESTIC FLIGHT GOING TO CEBU
Nag mamadaling bumaba si Kathryn sa kotse, ayaw
niyang ma late sa kanyang flight papuntang
Cebu...binaba na ng driver ang luggage niya.
Ingat po kayo ma'm Kath...safe trip, ayaw ninyo po bang
hatid ko kayo sa departure area...tanong ni Mang Robert
( si mang Robert nga pala ang family driver nila kath)
Ok na po ako...sige po pasok na Ako, ingat na Lang kayo
pabalik ng bahay...masayang sagot ni kath
Sige ma'm...Tuloy na po ako... (Napakabait talagang ng
batang Ito, nakitang ko kung gaano niya nererespeto
kahit sinong nag tratrabaho sa pamilya nila, katulong or
kusenera...mahal niya mga Ito. Kaya nga nalungkot sila ng
sabihin ng ama nito na doon muna siya sa CEBU titira.)paalam ni Mang Robert
Drama Lang pala niya yun pag mamadali niya, para
maniwala si Mang Robert na tutuloy talaga siya sa flight
niya, pero iba ang nasa isip ni kath.
Tumawag siya ng taxi at nag pahatid siya sa bus terminal
papuntang Norte...Hindi niya alam Kung saan siya
dadalhin ng kanya tadhana...Basta huwag lang sa CEBU.
Gustong gusto niya sa Cebu, pero ayaw Lang niya na lagi
ang Papa niya ang nasusunod, pang sinabi niyang don ka
titira, yun na.Hindi man Lang siya tinatanong kung gusto
ba nito. Kaya ng rerebelde Lang siya sa papa niya. At galit
din siya sa ama dahil sa pag loloko ng ama sa Kanyang
Ina, sinisi niya ang ama sa pagkakasakit ng Ina. Hanggang
suma kabilang buhay ang Ina Hindi niya napatawad ang ama at ang babae niya.
Sumakay si kath sa bus na papuntang Baguio, wow at least malayo sa Manila
Bagong sumakay ng bus si kath nag bihis muna Ito ng blue jean,white shirt at jacket.
Nagsuot din siya ng sport hat...naku walang mag aakala na babae Ito Kung Hindi Lang siya magsasalita.
Samantala sa bahay nila kath nag kakagulo na, galit na
galit ang ama ng malaman na wala pa si kath sa bahay
nila sa Cebu, tinanong nila ang airline kung natuloy ba
yun flight or na cancel, natuloy naman daw pero Hindi
daw dumating si kath, na missed niya yun flight... Galit na
galit si mayor Bernando Kay Mang Robert, Bakit Hindi
niya Ito hinatid mismo sa departure area, Alam naman
niya medyo may katigasan ng ulo itong si kath. Nag
aalala ang ama kung ano ng nag yari sa anak, mula ng
mawala ang Ina naging rebelde na ang anak.Kaya niya
pinauuwi si kath sa Cebu, may death treat kasi ang ama
sa mga pinakulong na criminal at mga drug lord na
pinahuli niya at dagdag mo pa yun kalaban sa politika.
Para rin Ito sa kaligtasan ng anak. Kaya Lang Hindi Nito
maintindihan ng anak. Huwag naman sanang na kidnap ang anak ko...sabi ni mayor
Ang nagagawa Lang niya ngayon ay report sa pulis at mag hintay Kung may tatawag sa kanya tungkol sa anak.
Nakarating na ang bus na sinasakyan ni kath papuntang
Baguio, bumaba ito.Medyo kinakabahan siya dahil first
time Lang niyang pumunta dito. Nag lakad lakad Ito,
mabuti na Lang malapit Lang sa palengke ang terminal ng bus.
Nakaramdam ng gutom si kath, pumasok siya sa isang
kainan, nag order Kaya lang sa dami ng kumakain doon wala
na siyang nakitang bakanteng lamesa, sa isang sulok may
nakita siyang babae, kumakain na Ito. Nilapitan ni Kath
naki usap Kung puwede siyang maki share sa table....
Pumayag naman siya at nagpakilala sa kanya.
Ako ko nga pala si Weng, tawagin mo na Lang ako aling
Weng...ikaw anong pangalan mo? bago ka rito no?
Tanong sa kanya ni Weng
Ako nga po pala si KIT...( mas bagay sa hitsura ko ngayon,
hindi bagay ang kath or Kathryn babaeng babae ang
tunog) Natatawang naisip ni kath...sagot niya Kay Weng
Napansin na kita kanina sa labas Kit...mukhang nag
hahanap ka ng mapapasok ah? Tanong sa kanya ni Weng
Oo nga po, para naman may pag kakakitahan...sagot ni Kit(kath)
Ay naku kit...buti na Lang nakilala kita, tamang tama
kailangan ng amo ko ng driver..marunong ka bang mag
drive ng sasakyan..tanong ni Weng
Marunong po, anong kailangan nila?car race driver...Natatawang biro ni kit(kath)
Kasama na po ba yun lodging? Masayang tanong ni Kit (kath)
Anong lodging? Natatawang tanong ni Weng
Oh sorry po, tanong ko Lang po Kung kasama na po yun tirahan. Sagot ni Kit (kath)
Oo naman, kasi lagi ka dapat nandoon, wala kasing oras
yun, Kung gustong lumabas lalabas. Sana Lang
tumagal ka sa kanya.Tara na alis na tayo, namalengke
Lang ako, medyo tumagal na Ako. Pahayag ni Weng
Masaya si kath at makahanap kaagad siya ng trabaho, at
least driver. Hindi naman siya puwedeng mag cook, Hindi
siya marunong magluto,...Hindi rin siya puwedeng mag
waitress, baka mabasag lang lahat ng plato...buti na lang talaga driver ang magiging trabaho niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/78431818-288-k163504.jpg)