CHAPTER 1

2.1K 104 7
                                    

Philemon 1:25

The grace of the Lord Jesus Christ be with your spirit.




*****


RYSHA POV


"Ms. Rysha, this will be your room."



Napatingin ako sa pintuang nasa harapan ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko hinarap ang guardian na naghatid sa magiging kwarto ko dito sa elemental world.



"Salamat."



Ngumiti sa akin yung guardian then umalis na sya. Naiwan akong mag-isa sa harap ng pinto na hindi ko alam kung bubuksan ko ba o hindi. Napailing na lang ako. Nandito ako para sa kapatid ko, yun lang.


Bubuksan ko na sana ang pinto nung kusa itong bumukas. Bumungad sa akin ang isang babae na napakalawak ng ngiti.



"Hi! Ikaw ang bagong student?", tanong nya sa akin.



Hindi ko magawang makapagsalita dahil nalunok ko ata ang dila ko kaya tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.Sa dinami dami ng pwede kong makasama sa kwarto, bakit sya pa?



"I'm Lizeth. You are?"



Lizeth, kung alam mo lang kung sino ako. Tss.



"Hey Zeth, papasukin mo muna sya.", narinig kong sigaw ng isa uling pamilyar na babae. It's Zairah.


"Ai oo nga, pasok ka muna."



Tumango na lang ako at pumasok sa magiging kwarto ko din. Pinagmasdan ko ang paligid. May dalawang double deck, mga cabinetat table. Malawak ang kwartong ito. Ganito pala ang dorm sa elemental academy.



"So what's your name?", nakangiting tanong sa akin ni Zairah.


"I'm Rysha."



Kapwa natigilan yung dalawa na ikinakaba ko naman. Pero nawala din ang kabang iyon nung ngumiti sila pareho.



"Nice name! As I said a while ago, I'm Lizeth."


THE CONSEQUENCE (FMG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon