For the past two months ay nakita ko siya kong paano siya ka-cold sa mga babaeng lumalapit sa kanya but I never saw him speak this to them like this.
Yung tipong ang tahi-tahimik nya at bigla siyang sumabog na parang bulkan spitting some dangerous thing at his target.
“Tisay, I hope this made you realize na hindi ang pagiging aloof sa mga babae ng Kuya mo at ang pagiging hindi ko interesado sa mga babae ang dahilan ng tatlong taong walang babaeng nakapasok sa club. The reason behind it is in front of you. Mga babaeng nag-audition hindi dahil sa passion sa music kundi dahil sa passion na maging sikat.”
Naguilty ako.
Guilty dahil napag-isipan ko sila ni Kuya ng masama.
Nakita kong umalis si Jenica na parang hiyang-hiya at maiiyak dahil napukaw na pala namin ang atensyon na mga tao sa loob ng building.
Hindi ko na siya nagawang habulin dahil maski ako ay nakaramdam talaga ng todong pagka-guilty.
POINK!!!
Napaigtad ko ng pinitik na naman niya ang noo ko.
“TSss silly girl. Huwag ka ng iiyak dahil wala na akong panyong ipanlilinis sa marungis mong mukha”, bulong nya sa akin.
Parang umurong yata ang nagbabadya kung luha dahil sa paglapit nya sa akin at parang lumabas ang puso ko dahil sa lakas ng pagkabog nito.
May sakit na yata ako.
Ito na kaya ang tinatawag na Mico’s Syndrome?
Pero sa lahat yata ng sakit na pwede akong magkaroon ay ito ang gusto ko.
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
Mico’s POV
What’s with me?
Bakit parang ang saya ko ngayon?
Ito ang mga katanungan na hindi nagpapatulog sa akin ngayon.
I am being nocturnal again.
It’s already past midnight pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok dahil sa nararamdaman ko ngayon na ewan ko kung saan nanggagaling.
Nang hindi talaga ako makatulog ay napagpasyahan kong bumangon.
Deciding to sip a little to make me sleep.
“Having a problem Mico?”, medyo nagulat ako ng makita kong tumabi sa akin si Tito James. Ganun na lang ba ako ka-indulge sa iniisip ko na hindi ko siya namalayan?
“Hindi lang ako makatulog Tito.”
“School?”, umiling ako. I’m doing fine in school I guess.
YOU ARE READING
Si Introvert at Extrovert
Short StoryStory of two opposite people who both give chance for the word "LOVE".
Scene 10
Start from the beginning
