Chapter 1-Important

17.7K 334 3
                                    

Chapter 1- Important

"Mga kapatid! punta na tayo sa bukirin para magtanim,.Okay?..kaya bilisan niyo na ang mga kilos niyo diyan!" sigaw ko sa tatlong kapatid ko. Apat kaming magkakapatid at ako ang panganay. Wala na kaming nanay dahil namatay ito nung manganak ito sa bunso naming si Alison. Si tatay na lang ang natira naming magulang pero imbes na ito ang magtatrabaho para sa aming mga anak niya ay ang pag-iinom ng alak ang inaatupag niya. Nung una naiintindihan ko naman si tatay dahil alam kong nahihirapan siya sa pagkawala ni Nanay pero matagal na panahon na ang lumipas,halos sampung taon na nga ang nakalipas ay ganun pa rin siya kaya ako na lang ang kumakayod sa amin. Naging working student ako mula lunes hanggang biyernes at kapag sabado at linggo naman ay umuuwi ako bahay noon para sa mga kapatid ko pero hindi ko nakayanan kaya huminto na muna ako at pinapaaral ko yung mga kapatid ko. Kasalukuyan akong naging assistant ng may-ari ng Mini-Groceries and marketing sa bayan at pinapa-uwi ako ni Ma'am Elisa kapag Sabado at Linggo dahil na rin siguro sa awa niya sa akin. Nanghinayang ako dahil two years na lang sana ay matapos ko na ang Business Management major in Marketing course ko. I sighed. Di bale, kapag makaluwag-luwag ako ay susubukan kong mag-aral muli kahit na Twenty two na ako.

"Ate, tara na.." wika ni Aleck sa akin. Ito ang pangalawa sa aming magkakapatid at pinakaseryoso sa aming lahat pero deep inside ay mabait naman. Hinawakan ako sa kamay ni Alex. Ito ang pangatlo sa amin.

"May problema ba ate?"wika nitong nakangiti. Ngumiti rin ako at umiling. Kahit papano ay nakakangiti rin ako dahil sa mga kapatid ko.

"Walang problema..may naisip lang kasi ako." wika ko. Nagpatiuna si Alison. Ang bunso sa aming lahat.

"Hoy!Alison, wag ka namang masyadong magmamadali sa paglakad." wika ni Alex. Nalukot ang mukha nito.

"Kasi kapag hindi ako magpatiuna, hahaba na naman yang pag-uusap niyo!" wika nito. Napangiti kami. Sampung taon na ang bunso naming babae na si Alison at maganda ito pero may pagkatomboy kasi ito kaya kung umasta ay parang lalaki.

After a while, ay nakarating na rin kami sa lupa namin. Hindi naman masyadong malawak ang lupain namin na pamana ni inay sa amin. Mahal namin ang lupang ito kaya kahit na naghihirap kami ay hindi ako pumayag na ipagbili iyon kahit na anong mangyari. Iyon lang ang meron kami na galing kay nanay. Naalala ko nga noon ang sinabi ni Nanay na kung siya ay mawawala na ay sa amin na yung lupa at hindi ko raw papayagan na mawasak iyon ng kung sino dahil yun lang daw ang kayamanang ibibigay niya sa amin ng mga kapatid ko..Kung magsipag-asawa na ang mga kapatid ko ay hahatiin namin ang lupa. Masaklap lang dahil mga bata pa kami noon nung binawian siya ng buhay. Minsan naisip ko kung ano ang mangyayari sa amin sa hinaharap?Gusto kong magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga kapatid ko. Balang araw ay maibibigay ko rin iyon sa kanila.

Nagsimula na kaming magtanim. Ganito kaming magkakapatid, nagtutulungan kami dahil yun ang turo ko sa kanila.

----------------------------

"Tay!?, anong nangyari dito?" tanong ko nang makauwi kami ng mga kapatid ko galing sa pagtatanim. Nagulat na lang kami nang may tatlong taong naka-uniform na malalaki ang mga katawan na pumasok sa bahay namin kasama si tatay. Tumingin si tatay sa akin at saka sinenyasan ang tatlong lalaki. Mas nagulat pa ako dahil bigla nila akong hinila. Nag-iyakan ang mga kapatid ko.

"Tay!!?, ano to?!,ano ang ibig sabihin nito!?" sigaw ko kay Tatay ngunit nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang pinipigilan ang mga kapatid ko na makalapit sa akin.

"Ate!!!" sabay-sabay na hiyaw ng mga kapatid ko. They are my weaknesses kaya hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Pilit akong kumawala sa pagkakahawak ng tatlong lalaki sa akin pero hindi pa rin umubra.

"Bitiwan niyo nga ako!mga hayop kayo!..wala naman kaming ginagawang masama sa inyo!"sigaw ko sa mga mukha ng mga gunggong na mga to.

"I'm sorry Ma'am pero nagkautang ng malaki ang tatay mo at ikaw ang ginawa niyang pangbayad." wika nung isang lalaki. Parang napantig yung tainga ko sa narinig. Ako?ipambayad utang ng tatay ko?!..Tiningnan ko si Tatay ngunit nagyuko ito ng ulo. Humagolhol ako ng iyak. Hindi ko akalain na hahantong ako sa ganito. Marami pa akong pangarap sa buhay kasama ang mga kapatid ko.

"Tay!?, ganun na ba talaga ang tingin mo sa akin?pambayad utang?..bakit tay?ginawa ko ang lahat para makakain tayo at mapaaral ang mga kapatid ko! pero ano ang ginawa mo!?...ang sama mo!ang sama-sama mong ama!!hinding-hindi kita mapapatawad!" gali na wika ko habang umiiyak.

"Ate, wag mo kaming iwan!"humahagolhol na wika ni Alison. Awang-awa ako sa mga kapatid ko dahil wala ng susuporta sa kanila. Hinila ako ng mga lalaki papalabas ng bahay.

"Sandali lang!!" wika ko. Huminto ang mga ito.

"Pwedi bang yayakapin ako ng mga kapatid ko?kahit sa huling pagkakataon?" wika ko. Nagkatinginan ang tatlo at saka tumango. Tumakbo ang mga kapatid ko at yumakap sa akin na umiiyak.

"Ate, wag kang sumama sa kanila..wag mo kaming iwan,"iyak na wika ni Alex.

"Wag kayong mag-alala dahil babalik ako at babalikan ko kayo...aayusin ko lang tong gusot na to at pagkatapos ay babalik ako...mag-ingat kayo at saka wag niyong pabayaan ang isat-isa..Wag niyong kalimutan na mahal na mahal ko kayo.." umiiyak na wika ko. Tumango sila at lalo pa silang umiyak. Hinila na ako ng tatlong lalaki kaya binitiwan ko na ang mga kapatid ko at sumama sa mga lalaki at ipinasakay sa kotse pero bago pa ako tuluyang nakapasok ay nilingon ko ang mga kapatid ko at mapait na ngumiti sa kanila. Nagyakapan ang mga kapatid ko at ramdam na ramdam ko ang sakit at pagkadurog ng damdamin ko. Ang sakit dahil sila ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Sumakay na ako na hilam sa mga luha ang mga mata ko. Pinaandar na ang kotse at hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin basta gusto ko lang umiyak ng umiyak dahil sa sakit. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

When I look Into Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon