Hidden

6 0 3
                                        

To: ianj_pineda@gmail.com

From: akikoguevarra_25@gmail.com

Alam kong ayaw mo ako makausap at makinig saakin. Kahit boses ko ayaw mong pakinggan. Naiintindihan ko. Galit ka saakin. Galit na galit. Dapat lang saakin yun dahil sinaktan kita, sinaktan ko ang nag-iisang taong nagmahal saakin ng totoo. Lahat ginawa mo para mapasaya mo ako. Ikaw ang nagbigay kulay sa buhay ko. Pero ito lang ang igaganti ko sayo. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ako ang may mali. Ako ang may kasalanan. Iisipin mong isang malaking kalokohan 'to, pero hindi ko sinasadyang saktan ka. Matagal ko nang gustong sabihin sayo 'to pero sa tuwing sinusubukan ko lalong nadadagdagan ang kasalanan ko sayo. Lalo akong nakokonsensya. Gusto kong balikan ang nakaraan para maitama ko ang mga maling nagawa ko sayo. Pero nangyari na.

Huwag mong iisiping hindi kta minahal. Minahal kita ng buong-buo. Nandyan ka palagi sa tabi ko, pero anong ginawa ko? Niloko kita. Sinaktan. Dinurog at halos wala na akong itinira sayo. Ang tanga ko, dahil niloko kita. Akin ka na, pinakawalan pa kita. Siguro ang tanga na tulad ko ay hindi bagay sayo. Kaya tama lang na parusahan mo ako.

Hindi ko sinasadyang saktan ka. Sinabi ko na ito at hindi ako magsasawang sabihin nang paulit-ulit ito sayo. Alam kong hindi mo ako mapapatawad agad. At hindi na ako humihiling sa kapatawaran mo dahil ang kasalanan ko sayo ay hindi karapatdapat na patawarin.

Minahal kita. Tandaan mo yan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HiddenWhere stories live. Discover now