Toot. Toot. Toot.

Binabaan ako baka time na. Okay. Sanay na ako mapag-isa. Hahaha letse ang drama.

Saka ko lang narealize, nakakabagot na ang walang maingay sa paligid. Lalong sumasakit ang ulo ko at nakakabadtrip. Letse. Bakit feeling ko ngayon matandang inabanduna na ako sa home for the aged? Ohmygod!

Sa halip na magdrama, binuksan ko nalang ang laptop kong hindi ko naman masyado nagagamit. Pero maalam ako gumamit, oy. Di ko lang talaga feel.

Nagbukas ako ng facebook. Ano pa nga ba? Wala naman akong twitter or whatsoever. Tapos napilitan lang naman akong magsign up sa facebook gawa din ni Ella. Para daw magkaroon sya ng gift sa nilalaro nyang pet society noon? Duh.

Pagbukas ko, hindi na ako nagtatakang madami akong friend request, messages at notifications. Hahahaha! Syempre matagal na akong di nagbubukas nito. Mag-iisang taon na. Utang na loob. Sarap iprinscreen kunwari famous tapos mababash ano po? Hahaha!

Hindi ko na sila binuksan, mamaya na pag walang wala na akong magawa at bord na bored na sa buhay.

Nagi-scroll lang ako ng scroll sa newsfeed na tinatawag. Puro naman si Mikaella Fernandez. Itsura ba ga! Tapos profile picture nya eh sila ni Zero dun sa entertainment room nina Eris. Letse. Eris padin, ang layo na nga sa topic naka-segwey pa papunta dun. Letse.

At dahil wala na akong magawa, inuna ko ang messages.

Ugh, sino naman tong mga foreigner na to? Mukha ba akong papatol sa internet? Letse. Mga nakalagay pa eh. . .

“Hi, my dear friend, Ylaine!”

“Good day, my dear Ylaine! Muah.”

“Are you single and ready to mingle?”

“Call me baby. +639123456789”

“Do you have videocam?”

Letche! Nakakahighblood. Hindi ko na sila pinansin. Sinunod ko naman ang notification. Mga nag-iinvite lang sa games na hindi ako interesado at nagpapatake ng quiz kung sinong may secret crush sakin pati na din sinong nagviview ng profile ko ng palihim. At dahil nawarningan na ako ni Mike dati na hindi daw yun tunay, hindi ko na pinagkaabalahan iclick. Pero naku-curious nga ako kung sino bang nagviview ng akin. Bakit ba walang ganun sa facebook?

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon