Chapter 2

31.7K 413 38
                                    

Chapter 2

“Ayiieeee! Kailan mo sasagutin si Manong Eris?!” Tanong agad sakin ni Mikaela sabay subo nung hotdog na tender juicy. (Ehem, free ad) Medyo ewan ko sa babaing ito at ewan ko talaga kung madumi ba ang utak ko o madumi lang talaga ang paraan ng pagkain nya ng hotdog. Ewan, medyo may pagkahayop din talaga si Mike. LOL.

“Mike—“

“Duh, I’m Ella.”

“Whatever. Tatawagin kitang Mike kapag hindi ka pa tumigil ng pang-aasar sakin kay Eris.”

“Chill! Hahaha!”

Sabay subo ulit ng tender juicy footlong nya. Ay oo, recess ngayon at pinagtataguan ko si Eris. Isa pa, asa naman syang sumabay ako sa kanya ng pagkain. Kailan ko pa ba yun ginawa? And anyway hindi naman ata yun nanliligaw, feeling ko nangaasar lang talaga ang tarantadong yun. Lakas makapang-asar ng gangster na yon eh palibhasa kasi rank 1 sya at ako ay rank 9 na lang, nababalitaan ko lang kamakailan. Actually, rank 2 ako dati hindi na nga lang ako nalaban at nagpapakita sa kanila. Hindi na rin ako bumibisita sa “Core” (pangalan ng kuta ng mga gangster. Core kasi daw nasapinaka gitna ng earth. Labo.) kasi tinatamad na ako sa ganung sistema. Aba gusto ko rin naman magbago. Isa pa, ayoko magka-muscles. >_<

“Mi love!” Nasamid naman ako sa sarili kong laway ng marinig ko siya. Shet. Kasama nya pa ang tatlong nauto nya este tropa nya. Bali apat sila at feeling F4.

“Shet sila pala yung pinaguusapang transferee ng school.”

“Hala oo, ang gwapo nga pala talaga nila.”

“Balita ko may girlfriend na yung pinakapogi! Taga 4-B daw!”

“Eh balita ko din pangit yung girlfriend kaya, kaya pang agawin. Hahahaha!” Nagpantig ang tenga ko dun. Tahimik lang ako pero vain din ako. Hindi ako pangit. >___<

“Mi love, bakit mo naman ako tinakasan? Sabi ko sabay tayong magrecess eh!”

“Ah may sinabi ka palang ganon. Hahaha.” Medyo bangag kong pagkakasabi. Hindi ko nga alam kung bakit ko din ito kinakausap tapos tumawa pa ako.

Okay, ganto kasi yun, para kasing gusto kong inggitin yung naguusap kanina na pangit daw ako. Luh, kamusta naman kaya yung itsura nila? Kamukha nung mga characters ng sesame street. Huhu.

Napangisi naman sya.

“Weeee. Payag ka na?”

“Na ano?” (Pinipilitan kong ngumiti at siglahan para lalong mainggit yung mga nagsabing pangit ako kahit na nasusuka na ako sa pagmumukha ni Eris)

“Na magrecess ng sabay. Hehehehehe.”

 Shet, ang gay talaga ni Eris.

“Sige sige, pipila lang ako ha tas ibibili kitang pagkain ha? Hehehehe.” Aish!

Yung totoo, nagaalinlangan talaga ako kung paano to naging gangster tapos rank 1. Ang bading kasi sarap itapon sa pinakamalapit na basurahan na may sign na “Nabubulok”

Umalis naman na yung nagdadaldalan kanina sa kabilang table na may pagirap pang nalalaman sakin. Wow ha. Mukha namang wonderpets. Wala nanamang ibang dahilan para magpa-inggit ako kasi umalis na sila kaya tatakasan ko si Eris habang nakapila na ngiting ngiti dun mukhang tanga.

“O? San ka pupunta Ylaine?” –Zero, tropa ni Eris na mukhang crush ni Mike. (Matagal ko ng nahahalatang iba sila magkatinginan. Mga ganung bagay.)

“Cr, sama ka?”

“Pwede?”

“Pwede naman kung gusto mong ma-flush ng wala sa oras. Tss. Manyak, sumbong kita kay Eris. Samahan mo nga ako Mike. Tara!”

“Oi Ylaine, dito kaya ang cr!” Nakakunot na sabi nya sakin. Medyo may hinala lang akong nagselos to ng very very light sakin. Hahaha. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

“Slow. Tara na sa room. Wag ka din magselos, iyo naman sadya si Zero.”

“Tse!”

Kadiri kaya. Ayokong magkaroon ng kahit anong relasyon sa mga F4 wannabee na yun. Kadiri lang.

“Ylaine, wala akong crush kay Zero.”

“So?”

“Nililinaw ko lang ha. Kung anu-ano kasing nasa utak mo.”

“Wag ka kasing magpahalata!”

“May crush kaya ako!”

“Kfine.”

“Maniwala ka kaya! Si ano.. si Prince!” sabay hanggit nya sa kaklase namin na nakatalikod. Pagharap ay…. “Diba Prince, crush kita?!” Tiningnan naman ni Mike sa Prince ng look na ‘Umoo-ka-lagot-ka-sakin’

“Ah.. O-o crush mo ko.” Sabi nung Prince na yon na kacute. >//< Naka salamin sya na nakapagpaatract sakin. Huhu, crush ko talaga ang mga naka-eyeglasses.

“Natulala ka?”

“Wala.”

Hala, napatingin pa ako sa kanya at ang cute nya talaga. Crush ko na si Prince… Ohmygod.

Hindi nanaman kasi ako bago dito sa adolescent stage na sinasabi kaya hindi na ako magpapakipot, crush ko talaga si Prince. Huhu.

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon