WALANG POREBER!

120 2 0
                                    

"Hoy!"

"Hoy!"

"Hoy panget!"

Napaharap ako bigla sa tinawag ng lalaking hindi ko naman kilala.

"Anong sabi mo?!" Nanggagalaiting tanong ko.

"May forever ba?" Tanong nya ng nakangiting aso

"Wala!" inis na sabi ko at tumalikod.

"Hoy! May forever kaya!" Sigaw nya

"Ate, tara. Diba may forever?" Rinig kong tanong nya sa isang babae. Lumingon ako ng konti para makita ang kagaguhang ginagawa nya.

"O-opo" Nahijiyang sagot ni Ate. Sus pabebe pa!

"Oh diba sabi sayo may forever!" Masayang sabi nya.

"Wala nga! Bakit ba ang kulit mo?! Sino ka ba, ha?!" Naiinis na tanong ko sa kanya. Napatayo narin ako sa inis at pinagtitinginan na kami dito sa cafeteria.

"Ikaw. Bakit ba ang bitter mo?"  Aish!! Iniinis talaga ako nito! Pasalamat sya gwapo sya! Ayy, sinabi ko bang gwapo? Hihihi ^_^

"You answer my question with question!" Inis na bulyaw ko sa kanya at tumayo na. Akmang aalis na sana ako ng biglang...

"May.Forever" Aba't hindi talaga ako tinatantanan nito ah!

"Wala nga kuya. Kasi mamamatay ka rin." Sarkastikong sabi ko at inirapan sya.

"May forever..." Ang kulit!

"Wal--!"

"Satin..." Literal na napanganga talaga ako sa sinabi nya.

HANUDAW?!

"Mahal kita. Hindi mo lang alam" I can't utter any single word. Talagang nakanganga lang ako na parang tanga sa harap nya.

"Kaya ko sinasabing 'May Forever' dahil naniniwala talaga ako. Naniniwala akong merong forever sa atin" Pak-syet. Totoo ba ito?

Dahan-dahan nyang inilapit sakin ang mukha nya.

5 inch...

3 inch...

2 inch. Waaah!! Ang lapit naaaa!!! Napapikit nalang ako at hinihintay na dumampi ang labi nya saakin.

Konti nalang...


*SPAAAALSH!!*

"Mahal din kita!"

"Anong mahal din kita dyan? Kanina pa kita ginigising tulo pa laway mo oh! Kadiri to!" Ay Futek!


PANAGINIP LANG YOOOOON!!!!




*ENDS*

WALANG POREBER! (ONESHOT)Where stories live. Discover now