One Snap

38 1 1
                                        

Patapos na akong magsuklay ng buhok dahil may pasok ngayon. It's Friday today. May nagpop-up agad sa messenger ko pagkabukas na pagkabukas ko palang ng facebook. Si Aica lang pala.

From: Aica Gorgeous
Beh! Ano na? Hayuf ka beh! Late ka na naman! Or should i say, late na tayo! >_<

Siya naglagay ng name niya na yan ah. Ginawa niyang nickname kasi updated na yung messenger ngayon. Mabilis akong nag-reply. Ang KJ talaga ne'to! P.E naman eh.

To: Aica Gorgeous
Wag ka nga! O.A mo.

Wala pang sampung segundo may nagpop-up ulit. Bilis naman mag-reply ng bruha na 'yon. Haba-haba kasi ng daliri eh. Oo haha. Fashionista kaya yun si Aica duh.

Tinignan ko yung reply niya, mali ako. Hindi siya nagreply.

Jared Vargas added you.
Confirm or Delete?

The heck? Sino yun? Hindi naman ako basta-basta naga-accept kasi malay mo mamaya scammer pala diba. Tapos hihingian ka ng pera, nanalo ka daw sa ganito-ganyan mga ganun.

Pero baka naman sabihin nito snob ako diba? Eh hindi naman ako famous. I'm just a typical girl. An ordinary girl living in this world. Chos lang. Okay ang dami kong sinabi but in the end, i choose to accept him. Kaya i press confirm. Yan happy?

From: Aica Gorgeous
O.A ka dyan! Tara na kasi kanina pa ako naghihintay dito sa labas niyo! Duh. Ang init sayang ang kutis!

Ang baliw talaga nitong kaibigan ko. Nasa labas pala siya bakit hindi pumasok diba? Para san pa't may pintuan?

Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam kay papa na nasa sala nanunuod. "Ivy, aral mabuti ha." laging bilin yan ni papa kaya sanay na ako. "Opo." mabilis kong tugon.

Wala si mama sumakabilang bahay na. Kwento ko pa ba? Wag na! Bahala kayo. Sayang yung pagod ni author mag-type sa one shot na story ko. One shot nga lang diba? Papahabain pa ba? Di na! Chos haha.

Pagkabukas ko sa pinto may natanggap agad ako na batok.

"Arraay naman beh!" syempre kanino pa ba?

"Gaga ka. Tara na!" mabilis niya akong hinila. Tapos pumarada kami ng tricycle. Isang sakay lang nasa school na kami. Malapit lang naman kasi. Sadyang O.A lang yung kasama ko.

"Pag tayo talaga na-late nako, Ivy!" tinaasan ko siya ng kilay. "Hoy Aica bebeh, problema mo? Araw-araw tayong late kaya sanay na sila ma'am sa atin."

Kinamot niya muna yung ulo niya, "May kuto ka ba beh? Nako, wag kang tatabi sa akin pag mags-sleepover tayo ah." biro ko sa kanya.

"Kafal mo beh. Wala na s-stress lang ako sayo. Ang pagong mo eh." sambit niya.

"Nandito na tayo." sabi ng tricycle driver. Tapos bumaba na kami. "Ivy, ikaw na magbayad." sabi ng kaibigan kong kuripot.

"Anong ako? Hati tayo! Dalawa naman tayo sumakay dyan eh." angal ko. Aba hindi pwede yun ano. Kahit kaibigan ko siya.

"Eh nasa bag yung pera ko wala akong barya." tugon agad niya. "Edi papalitan mo." kontra ko naman.

"Ano ba? Magbabayad ba kayo o ano? Kasi may byahe pa ako." kalmado pero naiinis na sabi ni manong.

"Baliw ka kasi Ivy eh, bayaran mo na kasi." pangungulit ni Aica sa akin. Inirapan ko lang siya at kumuha sa wallet ko ng.. "Kuya magkano?" tanong ko.

"40 pesos." nanlaki mata ko dun. "Wow kuya, ano ginto?" ano yun bente isa? Wala pa ngang isang kilometro eh.

"Aba, nag-aaway pa kayo dyan, nagrereklamo at nagtuturuan." grabe para ayun lang, hustisya!

"Manong grabe naman ka---" hinablot agad ni Aica yung wallet ko tapos binigay kay manong yung bayad namin. Si manong naman pinaharurot agad tricycle niyang bulok.

Love at First Sight or Love at Website? [one shot]Stories to obsess over. Discover now