Kailangan ko narin mapagisip isip, bilang lalake ng pamilya at panganay na anak, na mejo tumatanda na at paparating na sa adulthood. Joke lang hahahaha. Sino niloko ko bente anyos palang ako. Magpakasaya at tsaka na ang magpakarami.
Nakasakay na kami sa sasakyan, tila parang ang bagal ng oras sa nililipad ng isip ko. Isa lang ang gusto kong gawin pag uwi, pumunta sa tindahan nila Odessa. Aabangan ko siya na makauwi. Ayos, pero kailangan ko muna malaman ano oras uwi niya. Baka mahalataan ako pag tumambay ako sa harap ng tindahan nila. Para akong timang nun.
Hay nako Odessa ano tong ginawa mo saken. Gusto na kita makausap, namimiss kita ng walang dahilan lintek.
Di nagtagal, nakauwi na kami. Ako na nagprisintang magbukas ng gate at dumerecho ako agad sa tindahan. Sakto nagbabantay si nanay.
"Pabili po"
"Ano kailangan mo pogi?"
"Isa nga pong mighty pula"
Shet pinagpapawisan ako ng malamig. Hindi ko alam pano ko itatanong kay nanay kung anu oras uwi ni Odessa. Ayoko mag mukang kahina-hinala.
"Hay nako talaga to si Odessa. Anu kala niya sakin, manghuhula?! Teka lang pogi ha. Hanapin ko lang yung lalagyan ng sigarilyo"
Oo nga pala! Manghuhula nga pala sila! Ang galing mo nanay salamat sa ideya! Hehehehe
"Nay, may tanong lang po ako. Anu oras po uwi ni Odessa?"
"Bakit anu kailangan mo kay Odessa?"
"Gusto po kasi magpahula ng tatay ko"
"Mamaya pang hapon uwi ni Odessa. At ako yung manghuhula hindi si Odessa"
"Ay ganun po ba. Sige po sabihan ko na lang po tatay ko. Salamat po"
Sabay yuko ako agad at umupo sa gilid. Sabi ko na nga ba magiiba aura ni nanay. Para siyang lion nung nabanggit ko si Odessa. Ang bigat ng tono niya at nanliit ang mga matang nakatitig sakin ng matalim. Wew buti nalang nagtanong sakin sila papa tungkol sa manghuhula.
Kailangan ko na makabalik sa bahay, hindi ko gusto ang lumalabas na aura sa may tindahan. Ang bigat sa pakiramdam parang may mga nakatingin sakin. Kakaiba talaga tong nanay ni Odessa.
Ng makabalik sa bahay, hindi ako mapakali at tingin ng tingin sa oras. Ikot ako ng ikot, kumaen ako ng kumaen, labas pasok ako ng kwarto, umakyat ako sa rooftop, bumaba ulit sa sala, hanggang sa nairita na sakin ang kapatid ko.
"Anung trip yan? May bulate ka ba?" sabi ni Sierra
"Wag ka magulo"
"Ikaw tong magulo jan eh. Dun ka nga sa balcony magbaliw baliwan"
For once, umayon ako sa sinabi ng kapatid ko. Tama nga naman, mejo pababa na ang araw. Siguro papauwi na si Odessa at saktong sakto ang pwesto ko dito sa balcony. Nasa harap kasi ito ng kalsada at doon lang dumadaan ang mga tricycle na galing bayan.
Kailangan ko ng matinding entrance. Pano kaya ako makikipagkilala. Ay lintek namukaan nga pala niya ata ako kanina sa mall. Shet nakakahiya. Kalma. I-kalma mo Tear. Ilang beses na nating nagawa to. Dapat chill lang, kunwari napadaan lang at bumili. Mahahalata tayo pag masyado nating pinagplanuhan. Dapat natural! Oo ang galing mo talaga Tear! Play with your strengths, don't think too much!
Tawagan ko nga sila at hingin ang opinyon. Teka parang mali, anung mapapala mo Tear kung tatawagan mo yung mga hayop na yon?
*May paparating na tricyle*
Shet! Napayuko ako na parang tanga at sumilip sa mga butas ng balcony. Para akong kriminal ditong natatakot makita. At ayun nga.. Si Odessa na talaga! Grabe kahit sa malayo ang ganda niya talaga. Parang ni hindi man lang na stress sa trabaho. Fresh na fresh parin itsura niya.. Grabe.. Literal na anghel na bumaba sa langit talaga!
Lintek ano nga ba yung gagawin ko. Nablablanko ako. Itsura nalang ni Odessa nasa isip ko. Teka wala nga pala akong plano!! Play with your strenghts.. Play with your strenghts.. Putek bakit nakalabas tong gitara ko.
Ah!! Gitara!!! Alam ko na!!
Mabilis ko na kinuha ang gitara at bumaba. Nagpakyut ng onti sa salamin, uminom ng tubig, at nag spray ng onting pabango. Onti lang baka magmuka akong tanga mangalingasaw ako.
Okay ganito, pupunta tayo sa tindahan, bumili agad ng yosi at softdrinks. Umupo lang sa may gilid at mag tono kunwari ng gitara. Kailangan ko unahan si Odessa, mamumukaan niya ako pag siya ang makaharap ko sa tindahan. Pag si Odessa na ang nasa tindahan, maging natural lang at magtugtog. Simplehan lang natin, isang classic na eraserheads. Sigurado magugustuhan niya to, alam ko yung ganung tono ng boses niya kanina sa mall. Isang tunay na musikera to.
Lumabas na ako ng bahay, tila parang ang bagal ng paligid. Naririnig ko ang kabig ng dibdib ko sa kaba. Dahan dahan akong sumisilip sa may tindahan, ayos si nanay parin ang nasa tindahan. Mabilis akong lumapit at bumili agad ng props ko. Nagtono ng gitara, at di nagtagal dumating na si Odessa. Shet moment of truth.
"Ma, ako na jan. Pahinga ka na sa loob"
"Sige anak, magsara ka na maya maya at magpahinga ka na rin"
"Sige po ma"
Umupo na si Odessa at lumabas na si nanay ng tindahan. Oh amang dyos ko, bigyan nyo po ako ng malaimpaktong boses na kikilabot sa kaluluwa ni Odessa. Okay okay.. 3..2..
*Strumming*
"Lift your head"
"Baby don't be scared"
"Of the things that could go wrong along the way"
"You'll get by with a smile"
"You can't win at everything but you can try"
*Odessa POV*
"Baby you don't have to worry cause there ain't no need to hurry"
"No one ever said that there's an easy way"
"When they're closing all their doors and they don't want you anymore"
"This sounds funny but I'll say it anyway"
*Troy POV*
"Girl I'll stay.."
Ang eksenang ako lang ang nag iisang tao sa mundo. Ang realidad na nagiging isang bagay na naglalaho. Ako lang ang nakakaintindi at nakakabuo, ang nakakapagbigay halaga sa aking pagkatao, mistulang biniyak at hinulma ang kanyang imahe at itinatak sa aking mundo.
Ang kanyang boses na walang katulad, na nagbigay init sa gabing pinintahan ang mundo ko. Parang mahika sa kilabot, ngunit pilit kong tinatanggi na ito'y panimula lamang.
Dahil sa hindi inaasahang.. Pag tatagpo ng mga mundo..
BINABASA MO ANG
Red String Theory
RomanceThis story follows Tear Egan and the band's backstage shenanigans turned soul searching. Through joy and misery, loyalty and betrayal, fate and destiny, whether or not its the right time and place. The epitome of our existence, woven and clad eterna...
Chapter 7
Magsimula sa umpisa
