Uminit ang pisngi ko.

"Okay, okay... O sige, bakit ayaw mo sakin?"

Napatingin ako sa kanya. Masyadong malapit ang mukha naming dalawa. Isang pulgada na lang ang layo ng ilong niya sakin. Damang dama ko na ang kanyang hininga. Ang bango! Napatingin ako sa labi niya. Nakita kong umangat ito para ngumisi.

"K-Kasi..." Nag iwas agad ako ng tingin.

Humugot ulit ako ng lakas sa sarili ko para maging buo ang boses ko.

"Kasi mayabang ka, manipulative, mata-pobre, minsan masungit, nakakairita, makulit, nakakainis, bastos, manyak, istorbo, babaero, nakikipag ano sa kahit sino-"

"Oy! Namemersonal ka na." Tumawa siya.

"Eh totoo naman." Umirap ako.

"Hindi naman ako basta-bastang-"

"KAHIT NA!-"

"Huh? Eh diba sabi mo-"

"SHHHHH! I don't wanna hear anything! Ayaw ko ng playboy! Ayaw ko sayo. That's it! Period."

Mas lalo niya akong diniin sa kanyang sarili. Darn! Naramdaman ko na rin ang ilong niya sa tainga ko.

"You can always turn off the switch you put on me, Coreen. Kung ayaw mo, edi hindi ko gagawin. I thought you'll be impressed... and be mad." Humalakhak siya sa tainga ko.

"Be mad? You want me mad at you, Rozen?" Nilingon ko siya.

His evil eyes were blazing. Kinilabutan ako.

"Yeah, minsan. Lalo na pag naiinis ka sakin. At lalo na tuwing nilalambing kita pagkatapos mong magalit."

Nangatog ang binti ko. Pinagpapawisan na ako ng marami dahil sa mga naririnig ko sa kanya. Nagpunta ata ang mga kulisap sa tuhod ko at tinanggalan na ng tornilyo ang tuhod ko para bumigay na at madapa na ako dito.

"Y-You're crazy. Iyon nga ang ayaw ko... yung kinukulit mo ako. Kaya nga ako naiinis, diba?" Umirap ako para itago ang pagkalusaw ng buong sistema ko.

"Eh pano yan, dyan ako nabubuhay. Paano ko titigilan?" Humalakhak siya.

Sinapak ko na ulit ang braso.

"Oww!"

Umirap ako at tumawa na rin.

"Darn it, Rozen!" Napatingin ako sa kanya.

Nakangisi din siyang napatingin sakin.

Ang lakas-lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas nito para pumintig gayong lusaw na ang buong katawan ko.

Nagkatitigan kami hanggang sa unti-unting niyang nilapit ang labi niya sakin. Pumikit siya ng sobrang higpit, napangisi ako.

"Please, another kiss, wa'g mo muna akong sapakin." Tumawa siya saka pinaglapat ang labi namin.

The same addicting shallow kisses. Wala akong pakealam kung may taong nakatingin o nasa open space kami ng buong nature park.

Heartless (Published under Sizzle and MPress)Where stories live. Discover now