Prologue

20 6 11
                                        

"Magkaiba ang destiny sa soulmate. Maaaring ang soulmate mo ay hindi ang destiny mo. Kahit sabi pa ng puso mo at anumang pintig nito na siya ang soulmate mo, kahit mahal na mahal mo siya at handang ibigay ang lahat, kahit siya ang dahilan kung bakit ka humihinga at kung bakit ka nabubuhay, pero kung hindi naman siya ang destiny mo hindi siya ang makakasama mo habambuhay." Ang linyang hindi ko malilimutang sinabi sa'kin ng ka roommate at masasabi kong kaibigan na si Maria.


Pero bakit sa tuwing nakakaramdam ako ng pagod at tila gusto ko nang sumuko, hanggat kaya kong pigilan ang sarili ko ay gagawin ko para sa pangarap naming dalawa. Siguro dahil alam ko na sa huli ay magiging worth it rin ang lahat ng paghihirap ko. Na ang lahat ng ginawa ko ay may patutunguhan.


Yung tipong lahat ng kaya kong ibigay para sumaya lang sya, ibibigay ko.


Pero paano na lang nga kung kumatok na si break up?


Paano ba makalimutan ang taong nagbigay sakit kung ang panahon ang syang nagbibigay alaala nito?


Alas kwatro ng hapon...


"Naaalala parin kita at ang lahat ng ginawa mo sa'kin tuwing umuulan." Sa isip ni Tasya habang nakatingala sa kalangitan na kulay abo at pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan. "Bakit ba ang hirap mong kalimutan?" Pagpikit nito kasabay ng pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata.


Mahigit kinse minutos nang umuulan ngunit hindi pa rin nya alintana at natitinag sa lamig ng panahon at nananatiling nakatayo sa gilid ng kalsada. Basang basa at awang awa sa sarili.


Sa muli nyang pagdilat ay natanaw nya ang isang lalaking nagbibisekleta ng mabilis at tila papunta sa kaniyang direksyon. Habang papalapit ay namukaan nya ito – si Tom. Ang kaklase niya sa Literature at miyembro ng Hot Guys Society. Organisasyong nanghihikayat sa kapwa estudyante o kaya naman sa mga gustong tumulong upang makalikom ng pera para sa mga nagangailangan. Fundraising kumbaga tumutulong sila sa mahihirap, nagbibigay ng groceries, nagdodonate sa charities at may iilan na rin silang mga scholar. Yan ang main advocacy nila. Ginagamit nila ang kanila mala-Adonis na pangangatawan at kagwapuhan upang makalikom ng mas malaking halaga. Kakaiba ang pamamaraan at talaga namang nakakahanga. Dahilang kung bakit sikat na sikat sila sa campus.


"Tabi! Gumilid ka! Tabi!" sigaw nito. Nataranta naman ako kaya bigla na lang akong napaupo sa semento. Pero patuloy lang sa pag gewang ang bisikleta nya at dirediretso hanggang sa mabangga nya ang barriers sa gilid ng kalsada. Napalumpasay sya kaya agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya.


"Ahhmm.. Okay ka lang ba?" Inalalayan ko syang tumayo at napansin kong may gasgas sya sa braso. "May sugat ka."


"Ayos lang ako at tsaka malayo naman 'yan sa bituka." Tumingin siya sa'kin at dun ko nasilayan ang kabuuan ng kanyang mukha. Nakakabighani sa malapitan. Nakakaakit na mga mata at mga labing tingin ko'y kaysarap halikan. "Bakit naman kasi nakaharang ka d'yan." Saad nito.


"Kasalanan ko pa ngayon eh ako na nga itong muntik mong masagasaan. Nasa gilid naman ako at hindi ako nakaharang. Baka ikaw kasi itong hindi marunong magbisikleta." Pagngisi ko na para bang nang aasar..

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Jul 11, 2016 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Si Tasya, Ang Ulan At Ang Bisikleta [Ongoing]Bağımlısı olacağınız hikayeler. Şimdi keşfedin