"Panget? Wow Kikay! You're so blind! Pandas are cute and adorable" sabi nito na parang naeskandalo sa sinabi ko.

Tiningnan ko siya ng masama. "Pwes, hindi ako nakucute-an sa kanila at kailanman hindi sila magiging adorable sa paningin ko" naiinis na sabi ko.

Nakita ko naman siyang ngumising aso na parang natutuwa pang naasar ako kaya hinampas ko ang braso niya. Lecheng to.

"Ouch! Ang bigat talaga ng kamay mo" sabi nito pero tatawa tawa naman.

"Tsk. Pakisabi sa kanila dun muna ko sa mga upuan, puntahan niyo na lang ako pagkatapos niyo dyan. Kingina, nalulula ako sa nakikita ko" sabi ko pagkakita ko sa maraming panda na mga nakasabit sa bawat stall.

Yung totoo? Ano bang meron sa panda? Nang-aasar na yata ang tadhana sakin a, napapansin ko lang. Tsk.

"Okay!" narinig ko pang sigaw ni Cone habang papalayo ako.

Naupo ako sa isa sa mga bench na malapit sa pwesto nila. Inabot yata sila ng kalahating oras bago nila maisipan na puntahan ako.

"Malapit ko ng isipin na iniwan niyo na ko" sabi ko habang nakatingin kay Yanna na ngiting ngiti habang may hawak na panda na malaki.

"Look Pam! Isn't it cute?" tanong ni Yanna habang yakap yakap ang malaking panda.

'"Hindi" sagot ko ng walang anumang expression.

Alam niyang ayoko sa mga panda, anong problema niya at tinanong pa niya sakin yon? Tsk.

"You're so mean! Anyways, ako na ang magtethank you in behalf of her" sabi nito saka marahas at pahagis na inabot sakin ang panda. "Para sayo kasi yan" ngumiti na naman siya ng nakakaloko.

Wala akong nagawa kundi yakapin ang panda at samaan si Yanna ng tingin. Narinig ko naman na tumawa si Cone at nakatitig lang sakin si LWB.

Napailing na lang ako at isa isa silang sinamaan ng tingin.

"Let me hold it for you" sabi ni LWB sabay kuha sakin ng panda habang nakangiti.

"Sayo ba galing yan?" tanong ko.

Hindi siya sumagot at umiwas ng tingin.

"Bilisan niyo Kikay, mahaba ang pila ekstreme" sabi ni Cone na nauuna nang maglakad.
Nagkibit balikat na lang ako at sumunod sa kanila. Yung panget na mascot na magnanakaw ng halik, malakas ang kutob kong hindi si Raven yun e kaya hindi ko pa siya sinasapak. Tss.

*

"Nakasimangot ka dyan? Anong iniisip mo?" tanong ni Yanna.

Pauwi na kami at nakaupo kami sa backseat. Nasa gitna namin yung malaking panget na panda habang yakap yakap ni Yanna.

"Naaalala ko lang yung panget na mascot sa bookstore. May balita ka na ba dun?" kaswal na tanong ko.

Tumaas ang kilay ni Yanna at ngumiti. "You remember your first kiss?" malakas na tanong nito na nagpalingon sa dalawang lalaki na nasa harapan. Great! Imbis na sagutin ang tanong ko ganyan ang sasabihin niya?

"First kiss?" sabay na tanong ni LWB at Cone

"Ian, you're driving. Eyes on the road please" saway ni Yanna.

"S-sorry.." sabi nito at nagfocus na sa kalsada.

"Really Kikay? May first kiss ka na?" tanong ni Cone habang nakangising aso.

Nahagip naman ng mga mata ko ng tingin ni LWB sa rareview mirror. Naningkit ang mga mata ko ng umiwas agad ng tingin si LWB. Lalong lumakas ang hinala ko. Siya kaya? Nako. Pag napatunayan ko lang na siya talaga yun hindi lang isang sapak ang matitikman niya. Aba! Ibig sabihin lang nun nakakadalawa na siya. Kinginang buhay yan.

"Yep. Pam has a first kiss! I've seen it with my own naked beautiful and tantalizing eyes!" hyper na hyper na sabi ni Yanna kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Nice. Nagdadalaga ka na pala" nang-aasar na sabi ng hampaslupang apa habang tumatawa.

"That guy was so lucky! Nakuha niya yun ng hindi nakakatikim ng kamao ni Pam. I commend him!" sabi ni Yanna at tumingin sa dalawa habang ngiting ngiti.

Hindi na lang ako umimik. Kapag may sinabi ako, lalo lang dadagdagan ni Yanna ang sasabihin niya kaya mabuti pang manahimik na lang. Sumasakit lang ang ulo ko sa kanila, magsasayang pa ko ng oras.

Nakarating kami sa bahay ng madilim na dahil nagstop over pa kami para maghapunan. Hinayaan ko na lang silang mag-usap tungkol sa panget na panda na yun. Tawa lang ng tawa si Cone habang nagkukwento si Yanna. Tahimik naman si LWB at panay ang buntong hininga at silip sakin na nahuhuli ko naman. Napapailing na lang ako at pumikit at nagkunwaring tulog para hindi nila ako matanong.

Hindi na bumaba ng sasakyan niya si LWB pagkahatid samin. Si Yanna ang nagbitbit sa panda habang tuluy tuloy lang ako sa pagpasok sa bahay at papunta sa kwarto ko. Kumuha ako ng damit at mabilis na nagshower at nagtootbrush. Nagbihis na ko ng pantulog at matik na naningkit ang mga mata ko na kung nasa anime kami, may lalabas ng laser beam dito nang bumungad sakin ang nakahiga sa kama ko at nakayakap sa panget na panda na hampaslupang apa.

"Labas" matalim na sinabi ko.

Umupo siya habang yakap parin ang panget na panda at ngumiti. "May first kiss ka na pala" sabi nito na mas lumaki ang ngiti at hindi pinansin ang sinabi ko "So, pwede na.." binitawan niya ang panda at tumayo siya at naglakad palapit sa akin.

"Anong pinagsasabi mo? Lumabas ka na nga!" naiiritang sabi ko pero parang wala siyang narinig at patuloy sa paglapit sakin habang nakangising aso.

"Pam.." sabi nito sabay yumuko at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Nagulat ako kaya tinulak ko siya pero hinawakan niya ang mga kamay ko at hinila palapit sa kanya habang hindi nawawala ang ngisi. "Anong ginagawa mo?!" pagalit na tanong ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nilapit na naman ang mukha niya sa mukha ko. Centimeters na lang ang layo ng mga mukha namin kaya naduduling ako. Naramdaman ko ang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa mukha ko para alisin ng bigla niyang tinagilid ang ulo niya at mas lumapit pa! Amoy na amoy ko na ang hininga niya at nababato na ko sa kinatatayuan ko ngayon na hindi ko magawang makakilos para lumayo o itulak siya. Tangina. Tangina!

Napasinghap ako ng mas pinisil niya ang pisngi ko at lumapit pa upang halos magsayad na ang mga labi namin nang bigla siyang ngumisi ng nakakaloko. "Pwede ka ng halikan but as I have said before.. I don't kiss" bulong nito sabay layo sakin at tumawa ng malakas na napahawak na siya sa tyan niya at halos mapaluha na.

Tangina!

"Look at yourself! Para ka ng strawberry!" sabi nito sa pagitan ng pagtawa.

Humugot ako ng malalim na hininga at napapikit. Kalma Pam.

Pero walang epekto kaya sinapak ko na siya at mabilis na kinaladkad palabas ng kwarto ko. "GAGO!" galit na galit na sigaw ko.

Kinginang yan! Pangalawang beses na to! Gago talaga gago! Wag niya lang ipapakita ang mukha niya sakin at bibili talaga ako ng aso na may rabies para ipalapa siya! Ugh! Pinagsusuntok at sipa sabay hampas sa sahig ang malaking panget na panda at doon binuhos lahat ng galit ko sa hampaslupang apa na yun. Kingina talaga! Kingina! Kingina! Kingina!

***★***

May tanong ako. Bakit galit na galit kayo kay Ian a.k.a LWB?

Good To YouWhere stories live. Discover now