Prologue

82.9K 1K 6
                                    








“Bwisit ka, Tammara! Muntik na akong mategi ng maaga dahil sa 'yo. Sa tagal nating magkaibigan, isang beses lang kitang inaya sa bar para uminom tapos pagsisisihan ko pa pala. Tignan mo kung anong nangyari sa 'yo ngayon, nasaksak ka tapos wala kang maalala sa nangyari sa 'yo. O baka sinadya mong ulitin 'yung balak mong gawin dati? Kaloka ka talaga. Naii-stres ako sa 'yo!”

Napakamot na lang ako sa ulo dahil kanina pa siya nagra-rap simula magkamalay ako. Sa naikwento niyang ginawa ko kagabi, wala akong maalala bukod sa isang mukha ng lalaki na hindi mawala sa isipan ko hanggang ngayon.

“Alam mo Badong...”

“Bading.” Pagtatama niya.

“Alam mo Bading, hindi ko naman alam na magagawa ko 'yon. Never ko pang naranasan malasing nang sobra. Ni hindi ko nga alam na nakalabas ako ng bar mag-isa. Siguro nakikipaglandian ka kaya 'di mo namalayan na nawala ako,” pangangatwiran ko sabay irap pa.

Napangiwi ako nang maramdamang may sumakit sa tagiliran ko. Ano bang masamang espirito ang sumanib sa akin para magawa ko 'yon? Wala na rin akong balak ulitin 'yung nagawa ko noon kahit anong hirap pa ang maranasan ko.

“Excuse me, nag cr lang ako 'no! Alangan namang isama kita sa loob habang umiihi ako. Huwag mo rin akong mairapan diyan dahil ako ang magbabayad sa gastos mo rito. Kaloka ka!”

“Ikaw ang magbabayad?” 'Di makapaniwalang tanong ko. “Kakasahod ko lang. May pera ako.”

“Hoy!”

Halos mapatalon ako sa gulat sa pagsigaw niyang 'yon at sa bigla niyang pagtayo.

“Bakit ka ba sumisigaw? Mahiya ka nga. May mga nakatingin na sa atin. Bubuka kaagad 'tong tahi ko dahil sa 'yo, e.”

Saglit itong natahimik.

“Okay,” aniya at bumalik sa pagkakaupo. “Hindi na po ako sisigaw, Madam Tammara. Basta bayaran mo lang lahat ng gagastusin ko sa 'yo rito kasi wala ka ng pera. Ipapaalala ko lang po sa 'yo na sa kalasingan mo kagabi, binayaran mo 'yung mga ininom ng dalawang table na katabi natin. Kung ayaw mong maniwala, pwede kang bumalik sa bar para tanungin kung magkano 'yung nabayaran mo.”

Napahawak na naman ako sa tagiliran ko. Pakiramdam ko kasi bubuka talaga ang tahi ko sa mga narinig ko.

Nagawa ko ba talaga lahat ng 'yon? Ano na naman ang pumasok sa isip ko para maging bayani ng mga manginginom at ng isang lalaking nanganganib ang buhay? Hindi ako makapaniwala.
Kahit kailan talaga walang mabuting idudulot ang alak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon