Akala ko

81 5 5
                                        

Akala ko sa tindi ng mga bagay na pinag-samahan naten walang magbabago. Akala ko pareho tayo ng nararamdaman. Akala ko lang pala yun.

Naalala mo pa kaya?Ako kasi, tandang-tanda ko pa. Nagsimula ang lahat ng magkita ang mama mo at ang mama ko.Mag-bestfriend kasi silang dalawa.Dahil nga sa matagal na silang hindi nagkita,nag-decide ang mama mo na mag-usap na lang sila ng mama ko sa bahay nyo.

Nung makarating na tayo sa inyo, bumitaw ka sa pagkaka-hawak sa kamay ng mama mo.

"Mama,pwede ba akong pumunta sa playground?"tanong mo sa mama mo.

"Papayagan lang kita ngunit sa isang desisyon,dapat isama mo din si Alexis sayo"kundesyon ng mama mo sayo.

Tumingin ka naman saken at nag-iisip kung isasama mo ba ako o hindi. Dahil halata sa itsura mo na ayaw mo akong isama, yumuko na lang ako.

Nagulat ako ng bigla kang magsalita."Sige na nga po"nahihiya mong sabi sa mama mo. Napa-ngiti naman ako kasi sa wakas makaka-paglaro ulit ako sa playground.

"Alexis,wag kang masyadong maglilikot anak hah!Kung may lalapit na ibang tao at pinapasama ka wag kang sasama anak hah?"bilin ni mama saken.

"Opo mama ko"masaya kong sagot sa kanya.

Nag-umpisa ka ng mag-lakad,ako naman nasa likuran mo lang.Naka-ramdam nga ako ng inis sayo nun eh. Kasi medyo malayo pala yung playground tapos di mo man lang ako pinapansin.Gusto sana kitang kalabitin at sabihin sayo na "hoy!May tao po dito sa likuran mo. May kasama ka po"pero syempre di ko ginawa mahirap na baka magalit ka pa.

Nang makarating tayo sa playground naka-hinga ako ng maluwag. Akala ko maglalakad na naman tayo ng marami pang kanto eh. Hinanap ko agad yung swing syempre kasi yun ang favorite kong laruan pag pumunta kami nila mama at papa sa playground.

Mag swi-swing na sana ako kaso mukhang pinag tutulungan ka ng mga kalaro mo kaya tumakbo ako papunta sa inyo.

"Napaka-lampa mo talaga. Palibhasa wala ka kasing tatay na mag-tuturo sayong tumakbo ng mabilis"galit na sabi nung batang lalaki sayo.

"Oo nga! Dapat sayo sinisipa eh!"sabi nung isa pang bata sabay sipa sayo. Ikaw naman parang shunga lang. Hinahayaan mo lang kasi silang sipain ka. Dahil hindi matiis ng konsensya ko ang nakikita ko.

AKALA KOWhere stories live. Discover now