"Okay saang Condo building?"

"Itetext ko nalang po kasama ng number ni Ma'am G."

"Okay Amy thank you ..."

       Matapos ang paguusap namin ni Amy, nanghina ang tuhod ko. Nasaktan ako para kay Glaiza, pangarap ni Panget ang magkaroon ng sariling Restaurant,na sa isang iglap lang naging abo na lahat. Pati pala tirahan lumipat na rin siya, uhg! Ano pa bang hindi ko alam tungkol kay Panget?

       Nang matanggap ko ang text ni Amy kinuha ko agad yung bag ko at susi ng kotse ko. Nagpaalam ako kila Mom and Dad I told them na nasunog ang Cafe. Sabi ni Dad papaimbestigahan niya raw ang nangyari and after that hinayaan na nila akong umalis at pinuntahan ko na si Glaiza.

       While on the road tinatawagan ko siya pero ni isa wala siyang sinagot. Buisit na buisit na ako at malapit ng maubos ang pasensya ko. Ano bang pinag gagagawa niya at hindi niya magawang sagutin ang tawag ko? Baka naman andon si Coleen kagabi at nagmake love sila kaya hanggang ngayon tulog pa, dahil sa puyat. No Rhian it can't be! It can't be! Burahin mo nga yan sa utak mo! Grrr!

       Pagdating na pagdating ko sa front disk tinanung ko agad ang unit ni Glaiza. At tinuro naman agad ako sa unit nito, sumakay agad ako ng elevator. I can't wait to see her, naiinis talaga ko yung init ng ulo ko nasa bonbunan ko na. Pagdating sa 12 floor, nagdoorbell agad ako. Aba naka ilang pindot na ko wala pa ring nagbubukas. After 10 years, finally nagbukas na at mukhang kakagising lang talaga ni Glaiza nung bumungad siya sa akin.

"Rhian paano mo nalaman na dito ako nakatira?" husky pa boses niya halatang bagong gising. Agad akong pumasok sa condo niya.

"My god Glaiza, nakailang tawag na ako sayo hindi ka sumasagot!" naiinis kong sagot.

"Sorry naka silent yung phone, saka late na kasi ko nakatulog. Nagising lang ako nung panay ang tunog ng door bell." she explained.

"Kaya ako napasugod dito, dahil may masama akong balita sayo."

"Ano yon?"

"Na sunog ang Cafe walang natira, sunog na sunog lahat. Tunawag si Amy siya nagbalita sa akin." malungkot kong sabi sa kanya.

"What? Pero paano? Anong nangyari?" gulat niyang tanong sa akin.

"I don't know, paiimbestigahan pa ni Dad." napaupo nalang bigla si Glaiza dahil sa ibinalita ko sa kanya. Maya maya pa biglang may nabasag sa loob ng kwarto niya.

"Coleen?" sabi niya at biglang pumasok sa kwarto niya. Tama ng ang pumasok sa isip ko kanina, Coleen is here. I feel, there's something heavy in my chest na parang tinutusok. Lumapit ako sa pinto ng kwarto, at nakita ko si Glaiza na nakayakap kay Coleen. Nagulat ako nung makita kong puro pasa si Coleen, what happened? Tanong ko sa sarili ko. Then I asked them ..

"Panget what happened? Bakit puro pasa si Coleen?" nagtatakang tanong ko.

"Mahabang kwento Rhi, Mako what happened bakit ka umiiyak?"

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora