"Ysa, ano ba'ng pakiramdam ang mahalikan ni Ryan?
I-share mo naman sa 'kin ng alam ko ang pakiramdam ng mahalikan."
Pangungulit ni Rina kay Ysa.

Biglang natahimik si Ysa sa huling sinabi ng kaibigan. Bagama't alam niyang binubuska lang siya ni Rina, nasaling ang nakakubping sintemyento na nakakubli sa kaniyang puso. Napaisip siya sa sinabi ng kaibigan.

Ano nga ba ang dapat niyang i-share dito? Hindi niya mawari kung talagang gentleman lang talaga si Ryan dahil sa sobrang paggalang niya sa kanya.

Kailan nga ba siya hinalikan ni Ryan?

Nakalulungkot dahil kahit almost perfect na si Ryan para sa kaniya, masyado namang cold ito pagdating sa bagay na sinabi ni Rina. Oo, mabait ito, honest na boyfriend pero parang kulang. Kulang sa sweetness sa relasyon si Ryan. Which is isa ito sa katangian ng lalaki na hanap ni Ysa ngunit hindi niya maramdaman kay Ryan. Ngunit dahil nga mahal niya ang katipan, balewala sa kaniya kung sumobra ito sa pagiging conservative sa relasyon nila. Ang importante, tapat sa kaniya ang nobyo.

Napabuntong hininga na lamang si Ysa. Kung maari ayaw niyang mag isip ng 'di maganda kay Ryan. It's too unfair dahil hindi naman ito naglilihim sa kanya.

"Oh, bakit bigla kang natahimik diyan?" untag ni Rina sabay wagayway ng kamay.
"Ano'ng nangyari sa 'yo? Tinanong lang kita kung ano'ng pakiramdam nag mahalikan ni Ryan... natulala ka na." Napapalatak na anito. "Uy, parang alam ko na. Para ka sigurong nakalutang sa alapaap, noh?"

Mapait na ngumiti si Ysa.

Kung sasabihin ko ang totoo maniwala ka kaya? Hindi iyon humulas sa kaniyang bibig.

Hindi niya kayang sabihin kahit kanino, kahit sa bestfriend pa niya ang cold treatment ni Ryan sa kanya bilang nobya nito.

"Hmm. Inggit ka lang," aniya na pilit pinasaya ang boses nang hindi makahalata si Rina.

Napahagalpak ng tawa si Rina sa tinuran.

"Sino naman daw ang hindi maiinggit sa 'yo, Ysa. Maswerte ka kay Ryan. Hayaan mo kapag nakakita na ako ng katulad niya, promise bubuksan ko agad ang puso ko at ako na ang liligaw sa kanya."
Bakas ang tuwa sa mukha nito. Nas kinikilig pa ito kaysa sa kaniya.

"Sana nga makahanap ka na rin nang hindi ka laging naiinggit diyan." palatak niya. Nagkatawanan silang dalawa.

Natigil sila sa pagbibiruan nang makita nila ang isang sopistikadang babae palapit sa kanila. Si Nika Aguilar, ang kinakapatid ni Ryan at anak ng business partner ng pamilya Del Rio. Taas noo ito at walang kangiti-ngiti habang nakatutok sa kaniya ang mga mata.

"Si Ryan?" Taas ang isang kilay nito nang ibaling kay Rina ang tingin.

"Nasa conference room pa, ma'am." Ang kaibigan na biglang sumeryoso bagama't halatang pinipilit na huwag ding tikwasan ng kilay ang bagong dating.

Tinapunan siya nang matalim ba tingin bago humakbang patungo sa elevator. May ideya na siyang sa nobyo ang tungo ni Nika. Hindi niya gustong mag-isip ng hindi maganda sa totoong relasyon nito kay Ryan, pero sa tuwing nakikita niya si Nika, dinudunggol ng kaba ang dibdib niya.

Magda-dalawang oras na ang paghigintay na ginawa ni Ysa sa nobyo. Tingin niya'y nakalabas na rin lahat ang mga board members ba dumalo sa meeting pero hindi pa rin lumalabas si Ryan. Nagtutumining sa isip niya ang pagsulpot ni Nika. Bigla siyang tumayo at agad na naglakad patungo sa elevator.

"Oh, saan ka pupunta?" Habol ng kaibigan.

"Kay Ryan," tugon niya bago nagsara ang pinto ng lift.

Kakatok sana siya sa opisina ng nobyo nang mag-ring ang kaniyang cellphone.

"Hello, honey." agad niyang sagot sa rawag ng nobyo.

His Cold HeartOnde histórias criam vida. Descubra agora