June 9, 2013
"Here's to the girls who hates: "
1. Being ignored
2. Letting him go without a fight.
3. meeting him.
4. loving him
5. letting him take me for granted.
6. crying over him
7. wasting so much time on him.
8. trusting him
9. not being able to move on.
10. being the one who hurt the most
So here's for him 凸(-_-)凸 , He don't care, so why should I?
- Gaby
Gaby's POV
I'm sitting alone in my bed gitil na gitil sa pagsulat ng mga bagay na ikinaiinis ko. I HATE EVERY PIECE OF HIS EXISTENCE. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang magalit na lang, di ba?
Buti na lamang at pinutol ng isang magandang tawag ang galit ko sa mundo, tinawagan ako ni Mama para mangamusta. As usual, ngalngal nanaman ako. Bakit ba weakness ko ang malambing na boses ng nanay ko? Pero dati naman hindi, simula ng iwanan na kami ng ama ko. Si Mama lang ang gusto kong katabi, kasi parang ang laki-laki ng pagkukulang ko sa kanya dahil mas paborito ko si Papa noon. Sorry for him, hinding hindi na mauulit yun. Ano sya nakauto ng bumbay?
Kinuha ko uli ang journal ko at isinulat ko ang mga katagang nakita ko sa libro ni Paulo Coelho tungkol sa buhay ng isang nagsusuffer na nilalang. May something kasi sa bawat salitang naroon na sumisigaw na tuparin ko yun. Hindi ko lang alam kung paano.
Maya-maya,
"Gaby?.... You there?", sigaw ni Sab sa labas.
"Yeah, halika na dito wala akong kasama." sabi ko sa kanya habang binubuksan ang pinto.
"Hi, ganda.. Musta?" bati naman ni Dens sa akin.
"Hi Dens andyan ka pala. Ayos lang naman, kayo ba?"
"Syempre, ayun kami ni Sabrina tamang aura kanina.... Lam mo 'te, Ang sarap magboy hunting. Parang nagbuhos ng todong grasya kanina sa school. Ang daming Yummy.. ikaw may nakita din pang yummyduds kanina?" tanong ni Dens sa akin.
"Huh, nako wala... hehe... Ah, baka hindi ko lang napansin. Baka bukas. Try ko."
"Gabrielle that's impossible, sa engineering and architectural department kaya nagkalat ang mga anghel sa kagwapuhang mga lalaki. Ano ka ba!", Pilit ni Sab sa akin.
Naisip ko naman si kuyang cute na nasa loob ng office kanina. Oo sya, cute nga sya. At syempre hindi naman ako ipokrita para itanggi si Joshua Yuchengco kung Kagwapuhan lang naman ang usapan. Ano pa nga bang hihilingin mo sa pagmumukha, tindig, angas, sex appeal ng hinayupak na nagdulot ng sakit na kasalukuyan kong nararamdaman. Lintik sya!
"Guys nagugutom ako. Kain tayo?" tanong ko sa kanila at para iiwas na lang din ang usapang gwapo na ang kinahahantungan lang naman ay si Joshua Yuchengco.
"Ay bet ko yan, tara." sabi ni Dens sa amin habang iniistretch ang kanyang dalwang kamay para umakbay sa aming dalawa ni Sab.
I love their company, they are perfectly designed for me. Nakakalimutan ko ang problema ko tuwing kasama ko silang dalawa. Sila ang mga taong hindi ata tinutubuan ng problema.
"Guys oh SELVIEEEEES!...." Sigaw ni Dens habang mukhang tangang nagpipipicture sa daan at pinipilit ipagkasya ang mga mukha namin sa screen ng phone nya.
"Selvies talaga?" tatawa tawang tanong ni Sab
"Hahahaha, panu daw marami tayo hahahaha.... Adik ka Dens! Hahahah basaaaag!" , sabay batok sa kanya.
"Oh baket di ba ang rule sa English sa forming of plural na kapag f ang ending changge F to V and add -ies. Remember, hay nako nakakaloka kayo! "
Pinagbigyan nanamin ni Sabrina ang hirit ni bakla, anu pa nga ba. Dumeretso kami sa isang bistro na may pangalang "The Bamboo Corner". Native na native. Maganda ang ambience, masarap pakinggan ang ingay ng mga tagalog acoustic songs, amoy ko na sa malayo pa ang mga iniihaw na lalong nagpapakulo ng tyan ko.
"Ang sarap nun." sabi ko kay Sab out of nowhere, parang pumasok na ang lahat ng usok ng inihaw sa utak ko at ang nasa isip ko na lang ay makakakain.
'Korek teh. Basta sa kin picho!" sabi ni Sab.
" Sakin din siguro tsaka liempo."
"Basta ko isaw at tsaka pusit !" sabi ni Dens.
"Yuck! Ang lansa kaya nun." sabi ni Sab
"Tange, malamang lamang dagat yun eh! tsaka baket kakainin ko ba ng hilaw yun!! Nako Sabrina, isang isa ka na lang talaga saken.", paliwanag ni bakla kay Sab at akmang sasabunutan pa ito.
"Oh sya, ceasefire na lamon na mga kapatid." sabi ko, alam kong medyo nahahawa na ko sa lenggwahe ng dalawang ito.
"Oh gora na, Waiteeeer!!" tawag ni bakla sa isang may itsurang waiter na lalaki.
Wala na atang sasarap pa sa pagkain ko na yun o puro hangin lang talaga ang tyan ko kakatawa sa dalwang siraulong kasama ko. Ibang klase sila, kahit ako, ngayon ko na lang uli narinig ang hagalpak ko. Hands Down ako sa dalawang ito. Mukhang nalaki ang tsansang tumagal ako sa unibersidad na ito.
Masayang masaya akong makita si Gaby na masaya at tawa ng tawa kasama ang dalawang bagong kaibigan nya. Gusto ko na nga rin sanang lumapit sa kanila pero mukhang hindi nila ako mapapansin. Basta ang makita lang syang nakatawa at nabusog sa kinain, ayos na sa akin yun.
Parang kanina lang sa klase ni Sir Matz sa Psychology hindi ko maipinta ang kanyang mukha, palibahasa naroon si Josh sa hindi kalayuan. Gusto ko nga ring sugurin ang impaktitang si Sunshine na akala mo naman bagay sa kanya ang pangalan nya. Naiinggit lang sya sa karisma ng alaga ko, kaya todo papansin sya at talagang kinwestyon pa nya ang expected grade ni Gaby. Nako, pag naulit pa yun sasamain sa akin ang Sunshine na yan. Tingnan ko lang kung makahinga sya 6 feet below the ground.
Nakita ko ng pumasok si Gaby at si Sabrina sa loob ng kanilang kwarto, kaya nagpasya na akong umalis. Kahit gusto ko pang mag-goodnight sa kanya.
One day, mabibigyan din kami ng pagkakataon ni Gaby, Sana.
YOU ARE READING
Here's to the girl: The One Who Hurt the Most [Slow Update]
RomanceIto ay isang istoryang magpapabago sa pananaw ng lahat ng taong nasaktan at takot masaktan. Tunghayan kung paano sya nakipaglaban sa sakit ng pag-iwan ng isang sineryosong minamahal at kung paano matuto sa mga bagay na naging isang kamalian na ng ib...
![Here's to the girl: The One Who Hurt the Most [Slow Update]](https://img.wattpad.com/cover/9275100-64-k595654.jpg)