"Sambitin Mo Man, last scene for the day, take 1! Action!"

The camera rolled. Ginawa namin ni Jack ang sinabi ni Eril. We acted as if we live in the streets, asking for alms.

We pulled it off! Kahit pa naiiling si Eril at natatawa ang iba naming kasama.

"Tang ina, Sid. Dominant talaya iyong kutis Koreana sa kutis Filipina mo ano? Kulang iyong uling na pinahid sa'yo. Mas maganda ka pa sa nililimusan mo dito, o? Tang ina." Mike watched the scene through the camera.

Humalakhak siya ng nakakaloko at itinuro-turo pa ang video-cam habang pinapanood ang scene.

Tumaas ang isang kilay ni Hana. Her perfectly lined eyebrows are always on point. Inirapan niya si Mike.

Natawa na rin ako dahil sinisiko ako ni Jack sa tagiliran.

"Insecure talaga si Hana sa'yo. Mas mukha talaga siyang pulubi." He giggled.

"Sshhh!" I shushed him.

Tumawa lang siya ulit. Tumayo pa siya at sinalubong si Mike. Nakipag-apiran pa habang pinagtitripan ang nirecord naming scene kanina.

Hana looked so annoyed now. Halos masugatan na si Mike sa talim ng titig nito sa kanya. Umiling na lang ako.

These guys will really embarass the shit out of you if you let them. Sanay na ako. Noon ay ako nakakawawa sa mga pang-aasar nila. Kung hindi ka masasanay, wala, talo ka. Hana should also get used to it.

Nakaupo kami sa mga benches. Nandito pa rin kami sa People's Park. Mula rito ay matatanaw mo magagandang isla ng Hundred Islands.

Naramdaman kong may umupo sa espasyo sa gilid ng bench na inupuan ko. Nilingon ko iyon agad.

Ngumisi ako kay Eril na nakabaling sa akin. Sumilay ang ngiti sa labi niya.

"O, ano? Masaya ka nang naging pulubi ka sa scene na iyon?" He stole a pinch on my nose.

Umasim ang mukha ko at agad ko siyang tinulak. Pabiro ko siyang inirapan.

"Oo naman, ano! Dream role ko kaya iyon." I flashed a smug.

Umiling siya sa akin. Ginulo niya ang magulo ko na ngang buhok. Umiwas at ngumiwi ako sa kanya.

"Cute mo talaga." He smiled.

"Tss..." Umiwas ako ng tingin at umiling.

Hindi naman ako naiilang sa mga ganyan niyang banat. Actually, I got used to it. We've been blockmates for almost two years now. At iilan lamang kaming Multimedia Arts students sa St. Joseph University.

Kaya lang ngayon, ewan ko ba. Mas okay siguro kung tigilan na niya kasi wala naman talaga siyang aasahan at mapapala.

"Punta lang ako roon." Tumayo ako mula sa bench.

"Saan doon? You want me to go with you?" He asked.

Nilingon ko siya at hindi ko napigilan ang pagtawa.

"Seryoso ka? I'll just buy myself a food. Doon lang, oh. Sa tindahan." Tinuro ko ang kantina sa may kanto. "I can walk alone, Eril. It's fine." I winked at him.

Hahakbang na sana ako para dumiretso sa tindahan ngunit hinila niya ang palapulsuhan ko. Nilingon ko siya agad.

"Oh bakit?" My eyebrows shot up.

"Sigurado ka bang pupunta ka sa tindahan ng ganyan pa rin ang hitsura mo?"

Bumitiw siya sa aking kamay. Tumayo siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. I did the same. Tiningnan ko ang sarili ko.

Damned Hearts #Wattys2016Where stories live. Discover now