chapter 1

3.9K 101 11
                                    

Mga kinikilig na babae ang tumabad saakin sa cafeteria. Lunchbreak namin kaya halos lahat ng studyante nandito. Ni wala ka ngang mahanap para sa mauupuan. Kaya ang ending bumibili lang ako at sa music room o sa may garden ako kumakain.

Pahirapan pa dahil sa mga mahaharot na babaeng nakaharang sa dadaanan. Psh, anong nakakakilig sa ginagawa nong lalaking yun? Nakakakilig ba ang makasalit ng mga babae. Tuwing meron siyang sasaktan na babae okey lang. Kasi anu? Nahawakan o nakausap ka? Maliit na bagay. At napaka-babaw.

Mali sila ng ginugustong lalaki. Oo sige sabihin na natin na gwapo sila pero yong pagkahambog at sa kasamaan ng ugali? Bagsak sila. Matalino nga bagsak naman sa ugali.

Hindi naman silang apat. May mabait parin naman sa kanila. Actually mukhang siya lang talaga ang bukod tanging masama ang ugali.

Si Parker Sugui, gwapo, matalino pero maloko din. Maraming katripan ang naiisip sa buhay. Siya ang mahilig tumawa sa kanilang apat.

Kerwin John Flower. Matalino rin, gwapo pero may pagkababaero. Fine hindi maypagka' babaero talaga siya. Maya't maya ay kong sino sino na ang kasama.

Si David Joseph Loyzaga. My ultimate crush. Talented. Gwapo. Mabait. Tahimik. Matalino. Basta nasa kanya na ata ang lahat. Wala lang ako. Hahaha

Si Finn Uno Angelo Buenavista. Ang pinaka sa lahat. Pinaka-matalino dahil running for valediction siya. Pinaka-Tahimik ngunit masama ang ugali. Hindi ako sure kong may talent ba siya dahil hindi pa naman siya nagpapakitang gilas. Sa academics yes ibigay na natin sa kanya yun. Siya na ang da best dun wala nang pweding komontra don. Pinaka-gwapo. Fine sa kanya din ang tronong yun. Kaya nga sa kanilang lahat ay siya ang may madaming fans. May FC pa yan. UNO ADMIRERS at hindi ako isa dun. Pwe! Gwapo siya pero ayaw niya sa babae. Lahat ng nagtatangkang lumapit sa kanya ay napapahiya lang. Lahat ng regalo sa kanya ay tinatanggihan niya. Worst tinatapon niya. Marami na siyang napaiyak na babae. Kaya hindi na ako magtataka kong biglang may mag-rally sa labas ng bahay nila para sa mga babaeng nasaktan niya.

Ako? Ako si Maria Yna Kezeah Powers. Sabi nila maganda naman daw ako. Hindi nga lang matalino. Aray ha! Kaya nga kahit na pang beauty queen ang beauty ko. Hindi ako pweding sumali sa pageant. Panalo ako sa photo genic award. Sa talent award dahil magaling akong kumanta. Pero hindi sa question and answer portion. Yun ang magpapabagsak saakin. Grabe sila no? Pero yun ang totoo. Beauty lang ang meron ako at  talent.
Meron namang utak. Mga 2% lang ata ang laman.😁😂😂

"Ate isang cheese cake at isang mugo mugo yong strawberry."

Yay mahilig ako dito. Basta lahat ng may cheese. And im telling you sa cafeteria namin ang may pinakamasarap na cheese cake.

Nagbayad lang ako atsaka umalis. Mauumay lang ako sa mga tilian ng mga babae dito. Bawat subo ata nong Angelo na yun ay kikiligin sila. Bawat tawa naman nun ay maiihi sila. Baka sa susunod niyan matae na sila. Pwe! Kadiri.

Dumerecho ako sa tambayan ko. Kapag lunch break namin ay sa likod ng building ako tumatambay. Pero kapag breaktime sa music room lang. Tumutugtog o nagpapa-aircon. Off limits ang studyante dun pero hindi ko sinusunod ang rules. Hah! Ang mahal kaya ng tuition dito at lahat yun bayad kaya may karapatan akong gumamit nun.

"Hmm ang sarap talaga ng hangin dito." Sambit ko with matching pikit pa.

"Anong lasa?"

BADBOY'S FALL INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon