FFS 2

3.3K 164 53
                                    

Hindi makahuma si Dianne nang madatnan ang nobyong hubo't hubad sa condo nito. Ang masaklap pa, nakapatong ito sa babaeng ganoon din ang itsura; hubad. Lagapak nang nabitawan niyang bote ng alak ang nakapagpalingon sa dalawa. Siguro, dahil sa sobrang ligaya nila sa kanilang ginagawa, hindi nila namalayan na naiwan nilang bukas ang pinto sa labas, pati na rin ng kuwartong ito. At malamang din ay hindi nila ini-expect na darating siya. Siya na tunay na nobya ng lalaking ito na hindi man lang nataranta nang masilayan siya.

Balewala itong tumayo mula sa pagkakadagan sa babaeng nagtapi lang ng kumot. Hinagilap naman ng walang hiya niyang nobyo ang brief na nakasabit pa sa headboard ng kama at isinuot.

Nais man ni Dianne na gayahin ang mga napapanood niyang chick flick sa tv na kung saan ay magwawala ang bida dahil sa nakasaksihan. Hindi pala ganoon kadali iyon. Gaya ngayong nailabas na siyang lahat ng taksil na lalaking ito mula sa kuwarto ay wala pa rin siyang nasambit. Kahit isang masakit na salita ay wala siyang maisip na sabihin.

"Umuwi ka na. Tatawagan kita mamaya para..." hindi na nito natapos ang sasabihin at isang malakas na sampal ang nagpatahimik dito. Saglit na napatiim-bagang ang lalaki at bigla hinablot nito ang braso ni Dianne at kinaladkad palabas ng condo.

Ayaw man niya ay nagpatianod na lang si Dianne. Himala nga na hindi man lang tumulo ang luha niya gayong napakaiyakin niyang babae. Sanayan na lang siguro.

Nakakuyom ang kamaong tumalikod na ang lalaki at isang malakas na pagbagsak ng pinto ang halos magpaigtad kay Dianne ang ginawa nito.

Saka pa lamang namalisbis ang kaniyang luha. Mabilis naman niya itong pinalis at sinulyapan pa ng isang beses ang pinto at tumalikod na.

Hindi!

Hindi siya dapat na magpaapekto sa gusto ng katipan.

***
Bumalik si Jules sa loob ng kuwarto. Nanatiling nakahiga ang babaeng isa lang din naman sa mga parausan niya.

"Who's that?" Balewalang tanong nito. Bumangon na rin ito nang makitang nagbihis na siya ng pang-itaas. Pang-ibaba lang kasi ang naisuot niya kanina. Nawalan na rin siya ng gana na ituloy pa.

"Wala. Delivery girl siguro. Ang daming pagkain sa labas e." Sinabayan pa ni Jules nang pagkindat ang sinabi. Kinikilig namang yumakap ang babae na ngayon ay suot na ang bathrobe ni Jules.

"Tara, kain tayo." Nauna nang lumabas si Jules kasunod si Fe. Hinakbangan lang nila ang boteng naibagsak ni Dianne kanina. May maglilinis naman niyon bukas.

***

Mabilis na pinalis ni Dianne ang tumulong luha sa pisngi at pinanatili ang pagtayo nang tuwid. Kahit pa mag-isa lang siya sa elevator, hindi naman niya nais na mag-eskandalo kung sakaling may makakita sa kaniya. Pero kahit anong pigil niya, patuloy na bumabagsak ang mga luha niya. Kitang-kita niya ang repleksiyon sa pinto ng elevator ang mukha niyang pangit habang umiiyak. Mapait pa siyang napangiti bago tuluyang bumukas iyon.

Tuwid pa rin ang tingin na naglakad si Dianne palabas ng building. Pasimple niya ring pinahid ang luha bago pumara ng taxi. Basta na lang siyang sumakay sa likuran at pagkatapos sabihin sa driver ang address ay agad na kinuha ang cellphone sa bag.

Aminin man niya, umasa siyang tatawagan siya nito at magpapaliwanag. O, kaya ay magte-text ito na hindi nito iyon uulitin at siya talaga ang mahal nito. Katulad dati.

Pero wala. Kahit isang miscall o kahit wrong send man lang sana ay walang Jules na rumehistro sa cellphone niya. Tikom ang bibig na ibinalik niya ang cellphone sa bag at tumingin sa labas ng bintana ng taxi.

Tanga na kung tanga, pero sobrang mahal niya ang kababata. Hindi niya nga sukat akalain na magiging sila dahil magkaibigan lang naman talaga sila. Oo, sarili niya ang niloloko niya at matagal na. Alam na alam naman niyang siya lang ang nag-assume na sila na, dahil may nangyari sa kanila last six month ago. Ayun, dahil ito ang nakauna sa kaniya, pinilit niyang magkaroon sila ng relasyon kahit pa nga sinabi nito na hindi naman nila sinasadya ang nangyari. Rason ng mga ayaw sa isang relasyon at nagsalo sa kama; nadala lang ng alak, nalasing kaya ayun, may nangyari at ngayon sila na.

Sila nga ba?

Pumayag naman ito sa nais niyang mangyaru. Yun nga lang, mas masasaktan pala siya lagi dahil kabi-kabila ang babae nito na alam niya. At pumayag siya, wala e, mahal na mahal niya; sinasabi rin ng mga babaeng gaya niyang tanga.

Walang damdaming sangkot, kay Jules siguro, pero siya, isang pangarap na natupad ng maging sila. Pero sobrang sakit pala talaga. Kahit pangatlong beses na niyang nahuhuli ito sa ganoong akto, heto siya, umaaasang siya pa rin ang pipiliin nito.

Inilabas niya ang panyo para suminga nang mapansin na iba ang lugar na tinatahak ng sinasakyan.

"Kuya, hindi po rito ang daan. Mukhang mali po." Puro karimlan na ang kaniyang nakikita sa magkabilang bintana na kahiy ganoon dahil kabisado niya ang daan papuntang kanila.

Napansin niya na wala man lang mga kasabayang sasakyan at kahit mga tao na dumadaan ay wala. Nasulyapan niya pa ang orasang nasa dashboard; quarter to twelve na pala.

Nakangisi si manong driver nang biglang huminto ang taxi. Kinakabahan na si Dianne nang lumingon ito habang may binubunot sa tagiliran.

Baril!

"Miss, holdap ito. Akina ang bag mo."

Hindi makahuma si Dianne sa kabiglaan. Napakamalas naman niya sa araw na ito. Ang akala pa naman niyang pinakamaligaya at perfect na araw dahil pinaghandaan niya ang monthsary nila, ay siya palang pinakaimpyernong araw niya.

Nayakap niya ang bag at binalak na lumabas ng sasakyan pero naka-lock. Lalong inilapit ng lalaki ang baril at nagbabanta na rin ang tingin nito. Nanginginig na hindi pa rin binibitawan ni Dianne ang bag dahil narito ang sahod niya!

Baka ma-rape pa siya! Dahil sa naisip ay nagmakaawa si Dianne.

"Kuya, parang... parang awa mo na. Ibibigay ko ang bag ko pero pakawalan mo na ako pagkatapos." Ganoon kasi ang mga balita ngayon; nanakawan, gagahasain, at kung minsan pa nga ay pinapatay!

Nakakadiri pa naman ang itsura ni manong driver. Manilaw-nilaw ang sungki-sungki nitong ngipin at mukhang hindi pa ito naliligo. Isipin pa lang niya na dumadampi ang labi at humahawak ito sa kaniya ay nasusuka na siya.

"Bakit, ano sa palagay mo ang gagawin ko sa 'yo, rereypin kita? Puwede ba, hindi ako pumapatol sa pangit. Patayin pa kung gusto mo!" Nanlaki lalo ang mga mata ni Dianne ng ikasa na nito ang baril at binalak na kalabitin ang gatilyo.

"Huwag! Ito na ang bag ko. Huwag n'yo po akong patayin..." nag-iiyak si Dianne habang sumisiksik sa sulok ng sasakyan.

Nasisiyahang hinablot naman ng driver ang bag ni Dianne bagi bumaba. Binuksan nito ang pintong malapit sa kaniya at basta na lang siyang kinaladkad palabas habang nakatutok pa rin ang baril. Sumubsob siya sa gilid at dinuraan pa siya ng lalaki.

Lumuluhang nanatili sa puwesto si Dianne kahit pa umalis na ang taxi. Sobrang dilim sa lugar na iyon na hindi niya alam kung saan bang lupalop siya napunta. Mayamaya, tumayo na siya at nagsimulang maglakad. Mukha kasing walang dumadaan na sasakyan doon.

Naisip niya, may silbi rin pala ang pagiging pangit niya. Hindi siya ginalaw ng lalaki kahit pa ininsulto siya nito.

On-Line Shopping:
Face for Sale
2016

On-Line ShoppingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon