sa pagkakaalam ko mag-asaw ang namimili ng gamig ng baby nila.

"Weird talaga! This is unfair to all humankind!"bigla kaming napatingin sa may pintuan at doon nakatayo si Vin na tila pinagkaitan.

Now, i know the reason why.

"Kung hindi ka ba na naman kasi umakto na parang bata nung nakaraan na bumili kayo eh di sana ikaw yung kasama."

"Dude! Kasalanan ko ba? lalaki yung baby namin alam ko tapos puro pambabae yunh binibili niya."

"Bakit kasi hindi niyo na lang ipa-ultrasound para hindi na kayo magsayang ng pera."balewalang sabi ko.

"Di mababawasan yung excitement."sabay na sagot nila.

"Leanne and I did the same. Hindi siya nagpa-ultrasound. We thought that it is a girl dahil sabi nila kapag blooming ka kapag buntis babae ang baby pero it's a boy." Sabi nito tsaka pinindot yung pisngi ni baby na ikinatawa nito. Cute.

"Gusto ko ng lalaki."maktol ni Vin.

"Bigyan kita bente hanap ka sa palengke."bored kong sabi.

"Hindi mo kasi ako maiintindihan dude. Tingnan natin kapag mabuntis si Madison. Siguradong hihilingin mo din na maging lalaki ang unang baby niyo." Madamdaming sabi nito. I stiffened and stare at BAD who is smirking at me.

"Yeah right..."sabi ko na lang.

"Baby ito pala pasalubong ni ninong"sabi niya sabay abot ng isang laruang kotseng de remote.

"Seriously Vin, paano yan lalaruin ng pamangkin ko."

"Hay naku anak. Bakit ba puro walangkwenta ang mga tito at ninong mo? Si Tito ninong CJ mo lang ata ang matino sa kanila, no?" Sabi ni BAD sa anak niya.

"Anong gusto mong palabasin BAD?"

"kita naman siguro sa mga pinagdadala niyong regalo diba? Nagdala si Vin ng kotseng de remote tapos ikaw--"

"Anong masama sa bola at bike?"

"Exactly!it is useless! Aanhin ng anak ko yang mga pinagdadala niyo eh kung ang alam palang ng anak ko ay dumede at maglaro ng stufftoy."

"He can use it when he grows up."

"Ayaw mo nun dude, ready na for future purposes."

"Mga may saltik talaga kayo."sukong sabi nito.

Ilang minuto lang ang lumipas ng tumunog ang phone ni Vin.

"Hello bashy?"halos masuka na ako sa tonong gamit niya.

"Yes bashy, papunta na.."sabi nito at tinapos yung tawag.

"Paano ba yan? Kailangan na si Daddy Vin kaya paalam muna. Bye baby...kapag babae anak ko pakasalan mo ah!" Sabi nito tsaka kumaripas ng takbo.

"..and now there is an arranged marriage between your children."mapang-asar na sabi ko kay BAD.

"if that what my son wants then I will support him. Kung ibang babae man ang makakuha ng puso niya susuportahan ko pa rin siya kahit masira pa ang pagkakaibigan namin ni Vin" seryosong sabi nito.

"so much fatherly love and let's stop this."

"Maiintindihan mo rin ako."

"I felt that once. I felt that first." malungkot kong sabi na ikinangiti lang niya.

Ito ang gusto ko kay BAD. Even if he knew everything he chose not to meddle and keep quiet.

"Bakit ka biglang nagpunta dito." Sabi niya habang hinahaplos ang likod ng anak niya. Nakatulog na pala ito.

"What if you are told to do the thing you hate thr most?"

"Bakit pakiramdam ko hindi iyon ang tamang tanong."

"Tsk. Paano kung sabihan ka na gawin yung bagay na matagal mo ng tinalikuran."

"you already answered that Ace. Hindi ba tinanong ka na ni Uncle about dyan." Tama siya. Nasagoy ko na iyon nung nasa Davao kami pero bakit pakiramdam ko iba ang gusto kong isagot ngayon.

"Mukhang nakiusap sayo si Madison ah. Let me ask you this Ace, is Madison enough for you to take that thing back in yout life?"

"..i don't know. Alam mo kung bakit ko tinalikuran ang pagiging photograher."

"Yes. Tinalikuran mo iyon dahil pinapaalala nun sayo ang babaemg iyon pero bakit hindi mo gawin ang bagay na iyon at gumawa ka ng bagong alaala kasama si Madison."

"...you know I can't."

"Yes you can. You just don't want to do it. Matagal na iyon Ace. Matagal ng panahon iyon. Bakit hindi mo nalang kalimutan ang lahat?"

"Hindi mo ako maintindihan BAD. That girl took everything from me."

"Tinraydor ka nga niya pero hindi ba oras na para patawarin mo siya? I heard she's happily married now."

"That's why I hatr her the more. She's happy and I'm miserable."

"Move on Ace. Kung ganyan ka ng ganyan mas mabuting iwasan mo na lang si Madison. I won't let you hurt her, Ace." Seryosong sabi nito.

"Sorry for dragging your friend in my misery BAD. Don't worry, i will let go of her after having them back in my life."

"Ace!"

Tiningnan ko siyang maigi. Desidido na ako. Siguro nga masama itong ginagawa ko pero ito lang ang alam kong paraan para mapalapit sa nakaraan ko.

"ikaw na mismo ang nagsabi BAD, gagawin mo lahat para sa anak at pamilya so do I."

"I want my child back including his mother." Walang pag aalinlangang sabi ko.

"But you're not sure if he's yours. You was ruined because of her false accusation against you and she uses that child to tear you apart."

Pagkasabi niya non ay tila bumalik ako sa nakaraan kung saan ako nagmahal ng lubos.

I love her so much na kaya kong magsinungaling para sa kanya. My dad told me that she was just using me for money but I'd never listen. Minahal ko siya ng husto hanggang sa akala ko magkakaron na kami ng isang masayang pamilya pero dahil sa paratang niya nasira ang lahat ng meron ako. Kinasuhan niya ako ng panggagahasa at kung anu-ano pa and it was my downfall because the pictures of us naked having that intimate moment was found in my things. I was framed up. Yes. May laban ako pero ang mga litratong iyon ay kuha gamit ang camera ko na wala akong kamalay-malay. The only thing that resolved the case was money. After all, money is most powerful weapon on earth, they say and I startes to believe with it. My family paid her and she went gone. Dapat akong masuklam sa kanya dahil sa ginamit niya ako pero hindi ko magawa. After she left me I saw a prenancy kit at my apartment where we used to live and even if I'm not sure if it's mine. I'm hoping that it's mine. I am willing to be his father.

"...yes but it won't change the fact that I still care for her and I am eager to know my sons identity."

Gago nga siguro ako para akuin ang isang bata na walang kasiguraduhang akin.

"How about Madison? Hindi ka ba naaawa sa kanya?"

"She's strong and brave. She can handle it."

"Really? Hindi mo pa siya kilala Ace. Sige, gawin mo ang gusto mo. Go chase that  bitch and fathered her child but spare Madison. She maybe strong and brave but that woman is a weak one"

"Oras na masaktan siya, I swear to you, it will be your greatest downfall." Seryosong tingin ang ibinigay namin sa isa't-isa.

"Madison only want to get hurt once and that person that caused it will never have the chance to enter her life again. That's her vow."

"Nagtataka ka ba? She told me that before my wedding day. Saksi siya sa pag-iibigan namin ni Leanne kaya niya sinabi iyon. So ready yourself, Ace. Naging miserable ka dati dahil sa babaeng iyon pero sinisiguro ko sayo MAS ang mararanasan mo kapag nagkamali ka ng desisyon.

Tsk.

-
Actually, hindi ko alam kung san patutungo ang kwentong ito. On the spot writing kasi ako now. Walang ide-ideya kung anong dapat mangyari basta kung ano ang maisip ko yun ang itatype ko hehe so guys sorry kung hindi niyo siya magustuhan 😁😁😁😁

Perfect TogetherUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum