Obviously, hindi ko alam ang tradisyon mo. Kahit si Mike naman, hindi nya din yun alam kasi mga dakila kaming transferee.  Pati na din yung mga feeling F4.

“Tingin mo masaya yun?” –Mike. I just shrugged.

“Siguro.” Mukha ngang masaya?

“Class, sino sa inyo ngayon ang single?” –Teacher. Naghiyawan naman ang mga kaklase ko na may kung sinu-sino pang pinagtuturo na parang namemersonal na ewan.

Luh? Kailangan itanong? Napatingin naman saming dalawa ni Mike si Teacher.

“Okay, okay, clam down muna class please. Para sa kapakanan ng di nakakaalam ng tradisyon ko, lahat ng fourth year highschool students dito sa ating university ay hinahandle ko ang TLE. Bale anim na section, kailangan ko ng one representative each section na single para makipag-date kahit sa cafeteria lang kasi related sa ating topic. Sa case nyo, kayo ang panghuling nameet ko ngayong araw kaya wala na kayong magagawa kundi pumili ng babaeng single kasi may tatlo ng lalaki at dalawang babaeng representatives. And you guys will date. May grade ito, hindi lang kayo basta basta mag-eenjoy.” –Teacher.

“Eh sir, paano yung partner-partner? Kayo ang mag-aassign o sila-sila yung pipili?”

“Noon, sa mga nakaraang taon, sila ang pinapipili ko pero ngayon, bunutan ng number.” –Teacher

“WOAH!” –Classmates na interesado. (Yung iba di naman single)

“So, sino nga ba ang mga single? Pakitaas ng kamay.” –Isa-isang nagtaasan ng kamay ang mga babae kong kaklaseng interesado na kinikilig pa. Kami naman ni Ella, hindi na nag-aksaya ng panahon tumaas ng kamay kasi ayaw namin. Kahit di kami naguusap, alam ko namang ayaw nya din. Yan pa, tinatamad yan siguro. Iisipin nyang sa halip na magcomputer lang sya sa kanila eh kailangan nya pa makipag-date.

Ako naman, hindi lang sa tinatamad kundi baka mamatay sa katahimikan yung makakadate ko. Alam na, sa piling tao lang ako nakikipag-usap. Dun lang sa komportable ako kaya nga naiissue ako eh. Huhu, ano magagawa ko ganon talaga ako eh. Huhu.

“Talaga? Lahat ng hindi nakataas ang kamay ay single? Hindi nyo alam, ako ang adviser ng newspaper team. Malapit ako sa usapang pag-ibig lalo pa’t kailangan ng magandang scoop. Hahahahaha!” –Teacher. Uhh, mejo chismoso.

“Okay class, may napili na ako. Si Miss Fernandez.”

“WHAAAAAT?! NO WAY!” –Mike

“Hmm no, sumunod ka sakin sa table ko sa faculty room. Magusap tayo tungkol dito. Class dismissed.” –Teacher. Importnante kaya yun at kailangan private?

Nagtayuan na mga kaklase ko at ginawa na ang kani-kanilang rituals tuwing dismissan. May nakikita akong naiinggit kay Mike tas meron ding hinayang na hinayang na hindi sila ang napili. Srsly?

Napansin ko namang nakatingin sakin si Mike. “What?” –Ako.

“Uhhm, Antayin na lang kita. Hahaha!” –Tumawa ako kahit walang nakakatawa. To lighten up the mood? Charot, English.

“Tsss, samahan mo na ako. Kabadtrip ayoko magmukhang loner sa harap non leshe, ipamukha ba sa klaseng single ako?! Peste. Tarantado yun ah!” –Mike.

Pffft. Yun lang yung concern nya? Whatda? Akala ko pa naman dahil tinatamad lang talaga sya.

“Aish kainis talaga! May pa taas taas kamay pa syang nalalaman ako rin pala pipiliin. Kaasar eh, sarap patakan ng barbell na malaki.” Pagkasabi nya nun nasa harap na kami ng pintuan ng faculty room. Hindi na namin kailangan kumatok pa kasi kalalabas lang ni Zero. Uhh wait, bakit sya galing dun? Kailan pa ako naging chismosa?

Halata namang gulat na gulat silang dalawa pero umalis na din kaagad sa pintuan si Zero. Mga ilang Segundo nakarecover na din si Mike.

“Ano ba yun? Pahara-hara sa daanan. Asar, feeling chix!” Umirap pa sya at hinatak ako sa loob.

Nagdiskusyunan naman sila dun ni Mike at teacher at ako ay isang pandisplay lamang. Medyo OP.

“Eh Teacher! Pinagaaral ako ng nanay ko para may matutunan! Hindi makipagdate!” Opo guys, hindi nanngongopo ngayon si Mike kay teacher.Galit na nga sya.

“Pero hindi ka naman nag-aaral Miss Fernandez. Bagsak ang mga quizzes mo at isang beses ka lang nagpasa ng assignment? Bakit? Ang gaganda pa naman ng mga grade mo sa nakaraan mong school! Ito na ang chance mo bumawi kahit sa subject ko lang na ito. Bumunot ka na ng number Miss Fernandez.”

Huminga sya ng malalim at nagulat ako kasi bumunot nga sya ng number. Tapos pinakita kay Teacher.

“Number 3. Ge, alis na ako. Mageexpect ako ng 95 sa classcard.” Umalis na sya at iniwan ako.

“Uhh, bye po teacher.” –Ako. Patalikod na ako ng . . .

“Miss Mendoza, pakisabi kay Miss Fernandez na babalik sya ng Friday ng hapon dito, I’ll tell her, her partner.”

“Uhh…” Tumangi tango na lang ako at umalis sa scene.

Mike, may pinagdadaanan ka ba? Yung totoo?

That GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon