Verone POV
Hey! My name is Verone Jav Sampang ang lalaking mas kilala bilang "The Cassanova prince" yeah. Proud ako dun.Totoo naman kasi sila eh.Isa talaga akong cassanova at hindi lang iyon .Isa rin akong bully at mahilig makipag-away sa school namin.Bakit ko ginagawa yun? Well trip ko lang ahaha lakas ng trip ko noh.ahaha! I know that.
"Hoy! Verone bilisan mo ngang maglakad! Nirarayuma kana naman ata!" Sigaw ni jasper sakin.Isa sa mga best friend ko .Jasper Ivean Ocampo ang pinakaChickboy samin.
Hindi na ako magtataka kung bakit,dahil hindi naman maipagkakaila na gwapo sya pero mas gwapo ako noh! Ahaha
"Ulol! Nirarayuma ka dyan baka nakakalimutan mo mas matanda ka sakin .Atsaka itong mukha ito " sabay hawak sa mukha ko. "Baby face kaya ako".
"Libre mangarap dude! Ahaha" binato naman nya sakin yung ballpen na hawak nya pero agad naman akong nakaiwas.
"Hindi mo lang tanggap jasper tanda!ahaha" pangangasar ko.
Ganito kami palagi asaran,kulitan,at bangayan lang ang alam sa buhay.Kaya eto still in junior high at 2nd time repeater na kami this year kaya sana naman ay maka tungtong na kami sa Senior high.
"Hoy mga siraulo! Hintayin niyo ko!" Langya naman sakin pa pinabuhat ang mga paint at brush na gagamitin namin mamaya para sa art subject .
*Boogsh!*
"Ay sorry ,Ayos ka lang?" May nabangga kasi akong babae kaya naman tinulungan ko syang makatayo .Ang tanga naman kasi niya hindi tumitingin sa dinaraanan.
"Mukha ba akong okay ha!" Aba't sya pa nagalit.
"Oh shit yung paint!" Pinilit kong kunin yung natitirang paint pero huli na ,Natapon na lahat sa sahig at yung iba napunta sa skirt nung babaeng nabangga ko.
"Hays kasalanan mo ito e! Late na tuloy ako" late naman talaga sya kahit hindi ko sya nabangga .ako pa sinisi nya -..-
Patuloy parin sya sa pagpulot ng mga papers na nagkalat sa sahig kaya hindi ko makita ang mukha nya.
"Hindi mo ba ako tutulungan ha! Kita mo na ngang nahihirapan ako dito!" Nakikiusap ba sya o nag uutos :3
"Oo na " kinuha ko naman yung mga papel na malapit sakin at sa pagmamadali ko sabay pa kaming napahawak sa iisang papel.
"Hoy! Chansing ka!" Pinalo nya yung kamay ko at dahan dahan siyang tumingin sakin.
"Oh anong tinitingin-tingin mo ?" Natauhan nalang ako nang pitikin nya ang noo ko. Putcha! Bakit ganito? Bakit parang may sparks sa mga mukha nya? Bakit ang bilis ng puso ko? Ano to!?
"Hmp! Bahala kana dyan!" Sabi nya.
"Oh teka anong pangalan mo?" Tanong ko .pero imbes na sagutin nya ako unti unti syang tumalikod sa akin.
"Leaf!" Sigaw nya.
"Anong surname mo?" Sigaw ko .Medyo malayo narin sya at mukhang hindi nya ako narinig kaya naman tumakbo ako para habulin siya.
Ngunit hindi pa man ako nakakalayo nakita ako ni Mr.Veles
"Oh saan ka pupunta Mr.Sampang at bakit mo tinapon ang mga pintura alam mo namang gagamitin blah blah blah blah " Kaasar naman oh ! Ngayon pa ako sinermunan nang matandang hukluban na to! Hindi ko tuloy nahabol si Leaf .
YOU ARE READING
The Cassanova Prince In Love With That Nerd
Short Story"Sa love walang pangit " Cover photo(credits by - @Jeevee09_DO)
