His Side

981 99 102
                                    

His Side

~•~

Date 05/06/16

Isinuot ko ang aking jacket bago sumunod sa kanila Shia at Jarvis. Pupunta na naman siya sa gawa-gawa niyang puntod ko.

Pinagmasdan ko lang siya dito sa 'di kalayuan sa kaniya, habang dahan-dahan siyang umupo sa tapat ng puntod at nilagay ang bulaklak.

May sinasabi siya ngunit 'di ko naman naririnig. I want to run to her and fvcking hug her but i know that I can't. I miss you a lot. Namiss ko na ang ating pagsasamahan. Namiss ko lahat lahat sa'yo baby.

Date 03/28/15

Ito na yata ang oras na kailangan ko ng magpaalam. Kailangan kong sabihin sa kaniya na hindi muna ako magpapakita.

Habang naglalakad ako sa daan patungo kila Shia hindi ko maiiwasang isipin ang aming nagawang mga alaala sa limang taon na aming pag sasama. Mamimiss ko lahat ng iyon at gusto kong humingi ng tawad baby na may mga sikreto akong hindi ko nasabi sa'yo. Ayaw lang kitang saktan at pahirapan pa.

Pagkita palang sa'kin ni Shia ay bigla siyang ngumiti ng malapad. Damn that smile. Baby, please lalo mo lang akong pinahirapan sa gagawin ko. Tumakbo siya palapit sa'kin at nikayap ako ng mahigpit at ganon di ako.

"Ya! Tagal mo," nakanguso niyang sabi. Natawa naman ako at ginulo ang buhok niya. Damn, I can't resist her. She's so beautiful na kahit sarili ko hindi ko na siya kayang bitawan ngunit kinakailangan.

Hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi at tinitigan ang mata niya. Mamimiss ko ang mga mata mong puno ng saya at sana maging ganyan pa iyan kapag mawala ako sa piling mo. "Baby...", naghihirap kong sabi. Hinawakan niya ang dalawa kong braso dahil baka nakaramdam din siya na may problema.

"Bakit? May problema ba baby?"

"Mawawala muna ako ng isang buwan." Sorry baby I lied. I need to. And with that, biglang naglaho ang saya ng ngiti niya pati sa mata niya. Fvck! Baby please huwag mo na akong pahirapan pa. Ang hirap sa sarili sa gawin ko. Para rin 'to sa'yo at sa ating dalawa.

"B-bakit? Saan ka pupunta? Baby naman!"

"May aasikasuhin lang ako. Promise baby isang buwan pagkatapos babalik ako. Alam mo namang hindi kita kayang makita kahit isang araw lang kaya tiis muna baby ha? Apat na linggo lang naman iyan at 30 days kaya huwag ka ng malungkot." Nginitian ko siya ngunit sa kaloob looban ko ay parang sinasaksak ang puso ko. Niyakap niya ko ng mahigpit habang pinipigilan kong tumulo ang luha na kanina pa gustong lumabas. Niyakap ko rin siya at naramdaman kong umiiyak siya. Damn damn! I hate myself. Sorry baby pinaiyak kita.

"Please baby, I'll wait for you okay at parati mo kong tawagan ha?"

"Yes naman!" Una akong bumitaw kahit labag sa ka loob looban ko. Pilit akong maging masaya sa harap niya ngayon ngunit hindi ko talaga kaya. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang luhang patuloy pa rin sa pag agos galing sa mata niya.

Kung sana hindi lang ako nagkaroon ng lubhang sakit, masaya sana tayo ngayon at magiging masaya pa sa susunod na mga panahon. Kung pwede lang humingi sa panginoon na pwede bang bigyan muna ako ng pagkakataon na pakasalan ang babaeng mahal na mahal ko ngunit kahit anong gawin ko hindi pa pwede. Kung pwede lang.

Kung Maibabalik Ko Lang || Two-shots [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon